Chapter Four

3.4K 106 8
                                    

CHAPTER FOUR

“ANG aga mo yata?” Napakislot si Ginny nang marinig ang boses ni General Marcial Adriano.

“Dad! Ang aga mo rin yatang papasok sa office?” Humalik muna sa ama ang dalaga bago ipinagpatuloy ang paghiwa ng salami para sa pizza.

“Lunes ngayon kaya may flag ceremony kami,” kaswal na sagot ng heneral.

“Puwedeng sumama?”

“Saan?”

“Sa office mo.” Walang anumang sagot ng dalaga. Bagama’t nagulat ay kalmado pa rin si Marcial.

“Anong gagawin mo sa office? Ngayon ka lang yata nagpahayag ng interes na pumunta sa opisina ko.”

“Walang lang… naisip ko lang na sumama. Why, masama ba?”

“Hmmm… hindi naman masama. In fact, okay lang na sumama ka. It’s just that, nakakagulat.” Kinuha ng may-edad na lalake ang diyaryo at nagbuklat-buklat. Inihain naman ni Genoveva ang mainit na kape sa harap nito.

Tahimik na nagbreakfast ang mag-asawa habang patuloy naman si Ginny sa ginagawa. Mayamaya’y binalingan niya ang ina.

“Ma, pakitingnan muna ang pizza sa oven ha? Maliligo lang ako.” Bago nakatango ang ina ay nakalabas na ng komedor ang dalaga.

“May sakit ba ang anak mo?” baling ni Marcial sa esposa. “Ngayon lang yata nakaisip na silipin ang opisina ko.”

“Ewan ko diyan. Kahapon din ay tinanong ko kung kumusta ang bakasyon niya dito- I was ready to hear some groans, but wala! At ang sabi ay nag-eenjoy pa daw siya.”

“Mommy, di kaya sinapian ng masamang hangin ang anak natin? Saan ba yan naglakwatsa kahapon at baka nabati ng engkanto!”

Tuluyan nang nagkatawanan ang mag-asawa.

TAPOS na ang flag ceremony ay nakatayo pa rin si Ginny, pilit na hinahanap si Rain sa mga flying students na nasa grand stand.

Nasaan siya? Pare-pareho ang itsura ng mga sundalo dahil naka-uniform kaya naman naiinis na ang dalaga.

“May hinahanap ka?” napakislot siya nang marinig ang boses ng ama.

“Wala!” mabilis na sagot ni Ginny. “Tinitingnan ko lang ang mga soldiers. Tara sa office mo!” Humawak pa ang dalaga sa braso ng ama.

“Ano nga ba kasi ang gagawin mo sa opisina ko?” Nagdududang napasulyap ito sa anak habang naglalakad sila papasok sa admin building.

“Dad, ano ba namang tanong yan. Parang di ako welcome dito ah,” kunwari’y padabog siyang naglakad, nakanguso pa.

Natawa tuloy si Marcial, although at the back of his mind, he can’t shake away some thoughts. His daughter was really acting strange. Hindi niya ma-imagine kung bakit bigla itong nakabuntot sa kanya hanggang sa opisina- gayung dati ay umaayaw ito kapag niyayaya niya sa mga events nila sa kampo.

“Teka nga, may gusto ka bang ipabili sa akin? Or gusto mong humingi ng malaking amount? Tell me.” Hindi na nakatiis ang may-edad na opisyal at hinarap ang kanyang unica hija. “Kesa naman pinag-iisip mo pa ako e diretsahin mo na ako, bata ka.”

Kahit naiinis dahil hindi pa rin niya nakikita si Rain, natawa na rin si Ginny dahil clueless ang kanyang ama sa kanyang bagong ‘kinahuhumalingan.’ Akala nito ay related sa material na bagay ang kanyang kasalukuyang pinagbubuhusan ng oras.

“Wala, daddy! Sige, aalis na lang ako.” Biglang nag-about-face ang dalaga.

Naisip niyang hanapin na lang sa loob ng kampo si Rain. Magbabakasakali siyang nasa barracks ito. Gusto niya kasi talagang maibigay ang ginawang pizza na nasa back seat ng kotse niya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang makita niya ang pamilyar na pigurang kanina pa niya hinahanap. May mga kasamang naglalakad si Rain patungo sa direksyon niya. Naka-overall uniform ito na karaniwang suot ng mga piloto. Feeling ni Ginny ay kakapusin siya ng hininga- nakakahiya namang himatayin siya sa harap mismo ng ama!

OH Shit. Yun agad ang pumasok sa utak ni Rain nang matanaw si Ginny na nakatayo sa mismong hallway na dadaanan nila. Lunes na Lunes- ang makulit na bagets agad ang bumungad sa kanya. Kaya nga ba’t hindi talaga siya napakali simula nang malaman niyang kelangan nilang magreport kay General Adriano e. Alam niyang malaki talaga ang tsansang magkrus ang landas nila ng kanyang stalker!

“Bok, di ba yan yung chicks na nagdala ng pagkain sa’yo?” nakangising wika ni Castro na mistah niya. Siniko niya itong bigla.

“Tumahimik ka at baka lahat tayo malasin dito,” bulong niya sa kasama.

Magsasalita pa sana si Castro nang makita nitong inakbayan ng pakay nilang opisyal si Ginny. Lalo pang nanlaki ang mata nito nang marinig na tinawag ni Ginny na ‘daddy’ si General Adriano!

Sumaludo silang apat nang makalapit sa heneral. Agad silang niyaya nito sa opisina. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Ginny sa kanya, pero nanatiling pormal ang expression ng kanyang mukha.

May fifteen minutes din silang nag-usap sa loob ng opisina, samantalang nasa may receiving area lang si Ginny. Pagkatapos ng kanilang meeting ay nagmamadaling umalis si Rain, kasunod sina Castro at ilan pang flying students. Nakita niyang nakamata si Ginny at mukhang gusto siyang kausapin pero hindi na niya ito nilingon.

“Mabangis pala ang chikas mo bok! Anak ng Diyos!” nakangising wika ni Castro nang makabalik sila sa barracks. Sa hapon pa kasi ang klase nila kaya may ilang oras silang free time.

“Hindi ko chikas yun. Huwag nga kayong ganyan, baka mamaya makarating yan kay Lilibeth.”

“Wala naman siya dito, okay lang yun,” biro ni Nunez, ang kanyang mistah na kilalang playboy.

“Heh! Hindi ako tulad mo na lahat e pinapatulan. Hard to get ito, uy!”

“Aba, masuwerte ka kapag kayo nung chikas ang nagkatuluyan. Ang lakas ng backer mo,” natatawang sabad ng isa pa nilang mistah na nakikinig lang.

“Yun nga lang, malas din niya kapag nagkamali siya.” Si Castro uli. “Baka sa Spratley Island pa siya pulutin!”

“Bakit sa Spratley Island lang? Sa ilalim kamo ng Pacific Ocean! Ilalagay muna siya sa drum, isasakay sa military jet saka ihuhulog sa gitna ng dagat.”

Lalong lumakas ang tawanan ng mga kasama ni Rain. Ngumiti din siya pero alam niyang may katotohanan ang sinabi ng mga kasama-- not the drum part in the middle of the Pacific Ocean of course- pero yung mamalasin ang career niya. At hindi niya gugustuhing malagay sa alanganin ang kanyang career sa air force dahil lang sa isang babae. Pero papano siya iiwas sa tukso kung ito mismo ang nakasunod ito sa kanya bawat minuto? Hanggang kalian siya makakapagtago? Tingin pa naman niya kay Ginny ay desidido ito.

Mag-iisip ako ng paraan. Bahala na!

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now