Chapter Six

3.3K 102 6
                                    

CHAPTER SIX

SABADO. Feeling ni Ginny ay nananaginip pa rin siya. Magkaharap sila ngayon ni Rain sa isang restaurant na nasa loob ng Nasugbu, Batangas. Hindi pa rin siya makapaniwala na napapayag niya ang lalake na lumabas naman sila at kumain. Ang akala nga niya ay sa Lipa City lang sila kakain, pero dinayo pa nila ang Nasugbu. Si Rain na rin ang nagdrive ng sasakyan niya at pumili ng restaurant na kakainan nila.

Si Rain na rin ang umorder ng pagkain nila dahil wala siyang maisip na gustong orderin. The fact na kasama niya ang lalake ay kontento na siya. Kahit naninibago siya sa mga ikinikilos ni Rain ay walang pakialam si Ginny. Kung dati ay iniisip niyang baka na-turn off sa kanya ang lalake o di kaya ay di talaga siya type kaya umiiwas ito- ngayon naman ay parang bumabawi ang batang opisyal dahil lahat ng atensiyon nito ay naka-focus sa kanya. Panay pa ang tanong sa kanya kung okay ba siya or may iba pang gustong orderin.

Magkakatotoo na yata ang wish ko. Panay ngiti lang ang ginagawa ni Ginny habang nakatingin sa guwapong mukha ni Rain. Sana maging boyfriend na kita!

“Di ba sa LA ka nag-aaral?”

“Yeah.”

“Naka-bakasyon ka lang dito?” Nang tumango siya ay muling nagtanong si Rain. “Ilang buwan ang bakasyon mo?”

“Two months. Summer break namin ngayon.”

Dumating ang pagkaing inorder ni Rain at nilagyan siya ng lalake ng pagkain sa pinggan. Kilig na kilig ang dalaga sa gesture na iyun ng kasama.

“So mga one month ka na lang pala dito?”

“Ang bilis nga ng mga araw. Sa September na ang balik ng klase namin. That’s just like 5 weeks away.”

“Malapit na pala.”

“Oo nga.” Pero parang ayaw ko nang umalis dahil sa’yo, gustong idugtong ng dalaga.

“I’m sure mas masarap ang buhay sa states no? Mas madaming opportunities.”

“Okay naman. Pero mas masarap ang life dito. Doon kasi, although may freedom nga ako, I do everything naman. As in lahat ng gawain dahil hindi uso ang maid doon.” Uminom muna ng tubig ang dalaga bago nagpatuloy. “Siyempre dito may yaya, may driver, may cook, may labandera.”

Nakita ni Ginny na gustong magreact ni Rain sa sinabi niya kaya mabilis siyang nag-explain. Baka kasi isipin ng lalake na sobrang brat niya!

“I mean, I don’t mind doing everything in the states, the usual household chores. But I’ll be honest, siyempre mas masarap pa rin naman yung may gumagawa ng mga bagay para sa’yo. Like in my case, gusto ko dito kasi nakakapagpahinga ako, nakakapag-enjoy ako. Sa states, kapag summer vacation, kailangang magtrabaho!”

Natawa si Rain sa sinabi niya- siguro dahil sa speed ng speech niya. Ganun kasi siya pag nininerbiyos- napapabilis ang pagsasalita. But Rain’s smile made her heart jump.

Anong meron ka at nagkakaganito ang puso ko sayo? Tempted na ang dalagang tanungin ng diretso si Rain.

“May sasabihin sana akong importante sayo,” narinig niyang wika ni Rain pagkatapos nilang kumain. Humingi ng kape ang lalake.

Oh My God! This is it! Gustong tumakbo ni Ginny sa banyo at magrehearse kung papano niya sasagutin si Rain.

“Actually, nung kelan pa talaga kita gustong kausapin tungkol sa bagay na’to, kaso…”

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now