Epilogue

6.7K 206 58
                                    

EPILOGUE

Present Day, 2014. White Plains.

NAKANGITING inakbayan ni Rain ang asawang si Ginny habang patungo sa garden. Katatapos lang nilang magbreakfast sa komedor kasabay ang mag-asawang Marcial at Genoveva, pero gusto nang maglaro sa pool ng anak nilang si Summer kaya napilitan silang lahat na pumunta doon.

Almost three years old na ang bata, bibo at napaka-active kaya naman libang na libang ang lolo at lola.

“Malapit ka nang magkaroon ng kalaro!” excited na wika ni Genoveva sa apo, saka tumingin kay Ginny na malaki na ang tiyan.

“Lalake uli para dalawa agad ang PMAyer natin,” ani Marcial.

“Daddy, tama na po kayo ni Rain na nag-PMA,” angal ni Ginny. “Mas gusto ko sa mga anak ko mag-CNN at BBC.”

“Anong gagawin nila sa media?!”

“They will encourage positive change dad. They will deliver news that would change the world.” Ngumiti si Ginny saka tumingin kay Rain. “Di ba love?”

“Ikaw ang masusunod love.” Tumingin naman si Rain sa mga biyenan at sumenyas na hayaan na si Ginny.

“Rainier, nakita ko yan ha. Pinagbibigyan mo lang yata ako e.”

“Love, nagpapaalam lang ako kasi pupunta na ako sa office.” Sa Camp Aguinaldo na naka-assign si Rain kaya very convenient sa kanila na tumira sa White Plains. Anytime ay puwedeng umuwi ang lalake para tingnan ang mag-ina.

“Ginny, huwag mo nang inaaway si Rain,” sabad ni Genoveva. “Sige na hijo, kami na ang bahala dito sa makulit mong asawa.”

“Magpahinga ka na ha. Huwag ka na munang gumala-- hintayin mo ako mamaya at sasamahan kita.”

Natatawang niyakap ni Ginny si Rain. “Sinabi mo e. Alam mo namang patay na patay ako sa’yo.”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Rain.

END

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now