Chapter Fourteen

3.8K 111 6
                                    

CHAPTER FOURTEEN

2010. PMA Alumni Homecoming, Baguio City

HINDI mapakali si Ginny. Ayaw talaga sana niyang sumama sa mommy at daddy niya sa PMA Alumni Homecoming pero dahil isa sa mga hosts ang class ni Marcial, napilitan siyang um-attend. Mas gusto sana niyang magbakasyon muna at magpahinga bago magtungo sa France.

Ilang taon din niyang tiniis na hindi makita ang Pilipinas. Of course lagi naman siyang dinadalaw ng parents niya sa states- usually ay Holy Week at Christmas kung magtungo sa US ang mag-asawa para lang makita siya. Pero iba pa rin yung makapamasyal uli siya sa sariling bansa.

Andito kaya siya? Hindi niya napigilan ang sarili-- naisip na naman niya si Rain.

Kahit matagal na siyang nakapag-move on sa naging kabaliwan kay Rain, siyempre kahit papano ay interesado pa rin siyang malaman kung ano na ang nangyari sa lalake. After all, naging mag-asawa sila. Naroroon pa rin ang curiosity.

Ano na kaya ang itsura niya? Guwapo pa rin I'm sure. Alam niyang marami sa mga PMA graduates ang umaakyat sa Baguio kapag Alumni Homecoming kaya malaki ang chance na nasa paligid si Rain. Ano kaya ang gagawin ko kapag nagkita kami? Natatandaan pa kaya niya ako? Sila pa kaya ni Lilibeth? Napasimangot siya.

E ano naman kung sila pa rin? I'm happy with my life na rin. Naisip niyang kuntento naman siya sa buhay niya sa California. Alam niyang she made the right decision na bumalik noon sa America at ipagpatuloy ang pag-aaral dahil malabo din naman ang pagsasama nila ni Rain. She tried to make it work pero hindi siya minahal ng asawa. I just thought we were soul mates- but I was wrong.

“MARCIAL! Genoveva! It’s good to see you!” Narinig ni Ginny na may bumati sa parents niya-- napalingon tuloy siya.

“Senator Agustin!” Kinamayan ng daddy niya ang may-edad na lalake. “I'm glad you made it.”

“Hello Senator,” wika ng mommy niya saka bumaling sa kanya. “Hija, say hello to our senator.”

“Good morning po,” aniya saka ngumiti. “It's an honor to meet you sir.”

“Eto na ba ang anak niyo?” Kinamayan siya ni Senator Agustin.

“Yes. Si Ginny, our only child,” wika ni Genoveva.

“May boyfriend ka na ba hija?” Nanlaki ang mga mata ni Ginny sa tinanong ng senador. “Kilala ko itong si Marcial- strikto at mataas ang standards. Hindi ako magugulat kung walang nakakalapit na manliligaw sayo.”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Marcial sa sinabi ng senador. Gusto nang tumakbo ni Ginny. Talaga bang lovelife niya ang maging topic?

“She lives in the US, senator. Matagal ko nang hinayaan yan,” sagot ng daddy niya.

“Well, may pamangkin akong PMA-yer. Binatang-binata hija.” Ngumiti pa sa kanya si Senator Agustin.

Wala siyang maisagot. Mabuti na lang at sinalo siya ng mommy niya. “Hanggang ngayon senator, palabiro ka pa rin.” Hinawakan siya ng mommy niya sa may braso. “Doon banda ang CR anak. Punta ka na dun, we'll wait for you here.”

Lihim siyang nagpasalamat sa ina saka nag-excuse para magtungo sa CR na nasa may Visitors’ Center. Naglalakad siya nang matigilan. Sa dinami-dami ng tao sa paligid ay lumutang pa rin ang isang pigurang hinding-hindi niya makakalimutan.

Oh My God. There he was-- walking with confidence at guwapong-guwapo pa rin. Rain.

Hindi agad nakapag-react si Ginny-- para siyang ipinako sa kinatatayuan. Gusto niyang magtago pero saan? Sa may bulaklak? Hindi din siya puwedeng umatras dahil nakita na rin siya ni Rain at nakatingin ito sa kanya. At naglalakad patungo mismo sa kinaroroonan niya!

Shit, anong gagawin ko?

SHIT. Anong sasabihin ko? Feeling ni Rain ay na-mental block yata siya nang makitang nasa unahan na si Ginny. Gusto niyang batukan ang sarili dahil ngayon lang niya naranasang magpanic!

“Hi!” nasabi niya nang makalapit.

Lalong gumanda si Ginny sa tingin niya. The years added to her charm. She has bloomed into a very beautiful woman. Mahaba pa rin ang buhok nito pero may kulay na, hindi tulad dati na itim na itim. Isang v-neck white shirt ang suot nitong pinatungan ng khaki jacket, naka-jeans ito saka khaki boots. Nagmukha itong Hollywood model.

Natatandaan pa ba niya ako? All of a sudden ay inatake ng insecurity si Rain. Nasa harap niya ngayon ang dating asawa- ang babaeng naghirap sa piling niya. Ang babaeng walang ginawa noon kundi mahalin siya at sambahin, pero binalewala niya. Ngayon ay mas lalo niyang na-realize kung ano ang pinakawalan niya.

“Hi,” tipid na bati ni Ginny. Ni hindi ito ngumiti, unlike before na parang laging may sinag ng araw sa likod nito kapag ngumingiti.

“Long time no see. Kumusta ka na?” Pucha, long time no see? Anong klaseng pagbati yun? Biglang nainis si Rain sa sarili. All of a sudden ay parang hindi na niya alam kung pano makipag-usap!

“I’m good. Teka, excuse me ha. I just need to go to the rest room.” Yun lang at humakbang na si Ginny patungong Visitors’ Center.

She hates me. Galit pa rin siya sa akin. Hindi masisisi ni Rain si Ginny kung galit man ito sa kanya. Ni hindi niya ito tinratong mabuti noong nagsasama pa sila sa iisang bubong!

Pero ngayon pa ba siya susuko gayung abot-kamay na niya ang babae? Sinundan niya sa Visitors’ Center si Ginny.

Naghintay siya sa may labas ng CR. Mayamaya ay lumabas na ang babae. Nagulat ito nang muli siyang makita.

“You’re still here.” Feeling ni Rain ay naiinis na sa kanya si Ginny.

“Invite sana kita. Tutal lunch time na rin naman.”

“May lunch ang class nina daddy e.”

It was a subtle rejection pero bale-wala yun kay Rain.

“E di pagkatapos ng lunch, hihintayin kita. Let’s go out. Please. Gusto lang sana kitang makausap.” Kinapalan na niya ang mukha.

“Wala na tayong pag-uusapan, Rain.” Sa wakas ay ngumiti si Ginny, pero matipid iyun. “Matagal nang nangyari yung sa atin. Kinalimutan ko na lahat.”

“Matagal na nga pero wala tayong closure, Ginny. Gusto kong mag-usap tayo once and for all.”

“Look, hindi ito ang right time para pag-usapan natin ang mga ganyang bagay.”

“When is the right time? Five years akong naghintay para makapag-usap tayo uli!”

“Five years is more than enough to let go and move on, Rain.” Ngumiti si Ginny pero tipid. “Alam ko yun, dahil nakapag-move on na ako.” Daig pa ni Rain ang sinaksak sa puso dahil sa sinabi ni Ginny. Sasagot sana siya pero muling nagsalita ang babae.

“Kung ano man ang naging kasalanan ko sayo noon, I'm terribly sorry. Kung nasira man ang buhay mo-- I didn't mean to. I suffered more than enough so I guess napagbayaran ko na yun.” Nagsimula nang humakbang si Ginny. “I’m sorry again. Let’s just move on with our lives. Goodbye Rain.”

Pagkatapos nun ay dali-dali nang lumabas ng Visitors’ Center si Ginny. Tila nauupos namang kandila si Rain, napaupo siya sa isa sa mga wooden chairs doon.

Nakapag-move on na si Ginny. Hindi na niya ako mahal. Nawala na talaga siya sa akin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ng dating asawa.

All these years ay umasa siyang sila pa rin ni Ginny in the end. He was a hopeless romantic who believed in happy endings. He set Ginny free, kasi naniniwala siyang mahal talaga siya ni Ginny at babalik din sa kanya ang babae. Pero hindi pala.

For the first time ay tumulo ang luha ni Rain. Mabuti na lang at walang tao sa kinaroroonan niya. Kinuha niya ang panyo at pinahid ang luha.

Si Ginny lang ang babaeng iniyakan niya. 

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now