Chapter Thirteen

3.7K 107 6
                                    

CHAPTER THIRTEEN

PAGOD si Rain sa biyahe pero excited siyang umuwi. Gusto niyang makita si Ginny dahil marami siyang gustong sabihin sa asawa.

Mula kasi noong magpaalam siyang hindi makakauwi the other day ay hindi pa sila nagkakausap. Hindi niya sinabi na pupunta siya ng Baguio para kausapin si Lilibeth. Humingi siya ng tawad sa ex-girlfriend and at the same, he wished her goodluck dahil paalis na rin ang babae papuntang Canada. He wanted both of them to have a fresh start at maging magkaibigan pa rin kahit hindi sila nagkatuluyan.

Pero pagkatapos sa Baguio ay hindi pa rin siya umuwi agad sa Batangas. Dumaan pa siya ng Camp Aguinaldo para kausapin ang ilang mistah at kaibigan. He wanted to book St Ignatius Church para sa kasal nila ni Ginny. Yes, gusto niyang pakasalan uli si Ginny, and this time ay bibigyan niya ito ng traditional military wedding.

Because she deserves it. Yun ang naisip ni Rain na ibigay kay Ginny on their first wedding anniversary. Gusto niyang magsimula uli-- malinis, maayos at may basbas ng simbahan.

Hindi siya manhid sa mga sakripisyo ng asawa. Nagmatigas lang siya noong una dahil sa pride at galit. Eventually ay nawala naman iyun pero hindi na niya alam kung paano ia-approach si Ginny. He made her suffer. He treated her badly at hindi niya alam kung paano humingi ng sorry. Ni hindi siya makatingin sa asawa at hindi niya magawang makipag-usap dahil guilty siya sa maraming bagay-- for being cold-hearted, hard-headed and for being stupid. Dahil hindi niya agad naintindihan ang pagmamahal sa kanya ni Ginny.

I'm going to change all of that. I am going to be a good husband. Kung kinakailangan ko siyang suyuin for the rest of our lives, gagawin ko.

WALA si Ginny pagdating niya sa apartment. Hindi niya ma-contact sa cellphone ang asawa and when he checked the room and her closet, wala na doon ang mga damit nito.

Baka nagpalipas lang ng sama ng loob. Naisip niyang hindi nagsasara ng cellphone si Ginny.

Baka nagpalaba. Bibili na siya ng washing machine bukas na bukas din.

Hindi siya nakatiis. Pinuntahan niya si Ginny sa bahay ng mga magulang nito pero wala na pala ang asawa niya doon.

“She left for the US,” malungkot na wika ni Mrs Adriano. Hindi niya naintindihan noong una. Anong gagawin ni Ginny sa US?

“Ilang araw po siya doon? W-wala ho kasi siyang sinabi.”

“I don't think she's coming back,” wika ni General Adriano. “Natauhan na rin ang anak ko.”

His head was spinning. Hindi puwedeng hindi bumalik si Ginny. Mag-asawa na sila. She cannot just leave him. “H-hindi ko po maintindihan...”

“Rain, hayaan mo muna si Ginny, please. I am not going to ask kung ano ang pinag-awayan niyo--” Mrs Adriano started crying. “But I think she's better off in the States for now.”

“Ma'am, w-wala po kaming pinag-awayan.” He's confused. Wala siyang sinabi kay Ginny na puwedeng ikasama ng loob nito.

Or wala ka lang talagang sinasabi sa kanya dahil ni hindi mo siya kinakausap.

“Let's face it. Bata pa si Ginny, Rain. Kung ako lang ang masusunod, ayokong magpakasal kayo.” Napaupo si General Adriano. Para siyang biglang tumanda. He was exhausted. “My daughter just threatened me kaya ako pumayag na magpakasal kayo.”

“Alam kong naguguluhan lang si Ginny noon. My poor baby. She said she would rather choose death kapag hindi kayo nagpakasal. Masyado siyang passionate about her feelings, kaya nga ba kinakabahan ako noon. I knew this time would come. Lilipas din ang nararamdaman niya,” ani Mrs Adriano.

“No...” Hindi niya matanggap na lumipas na ang pagmamahal sa kanya ni Ginny. Impossible. “Mahal ako ni Ginny. And... I love her.”

“Ni minsan ay hindi ko kayo pinakialaman ni Ginny, Rain. Hinayaan ko kayong dalawa, at may tiwala ako sa’yo. Alam kong nasasaktan ang anak ko pero ni minsan ay hindi siya dumaing sa amin. Ngayon ay ako naman ang nakikiusap,” wika ni General Adriano. “Hayaan mo siyang makapag-aral. Mas makakabuti sigurong isipin niyang hindi mo siya mahal para ituon niya ang oras niya sa pag-aaral. Kasi kapag sinundanmo siya ngayon, gugustuhin niyang bumalik dito sa Pilipinas.”

“Oo nga Rain. Malaki ang potensyal ni Ginny,” segunda ni Mrs Adriano.

“Sa states ko yan pinag-aral kasi alam kong mas mahahasa ang galing at talino niya doon. Hindi naman sa sinasabi kong hindi mo siya kayang buhayin. I just want her to have a life first, bago siya magsettle down,” seryosong pahayag ng heneral.

“Kung kayo talaga para sa isa't isa, makakapaghintay ang pag-ibig ninyo,” pinahid ni Mrs Adriano ang luha.

Hindi na nakasagot si Rain. He had his chance with Ginny. And I let her down.

NAIINTINDIHAN naman ni Rain ang hiling ng parents ni Ginny kaya masakit man, hinayaan na nga lang muna niya ang asawa sa states. Nangako siyang hindi makikipag-communicate kay Ginny kaya kahit nauso na ang social networking site, hindi siya sumali. Nagtiis siya para ipakitang sincere siya sa pagtupad sa pangako. Every now and then ay binibigyan siya ng mag-asawa ng mga pictures ni Ginny, na lalo lamang niyang ikinalulungkot.

Nang magtapos ng college si Ginny ay proud na proud siya. Gusto na niya itong sundan sa US pero na-assign naman siya sa Mindanao. He opened up to Marcial and Genoveva Adriano about his fears.

Paano po kung magkaroon na siya ng ibang boyfriend doon?” Siyempre kinakabahan talaga siya dahil bukod sa magkalayo sila, baka tuluyan na siyang makalimutan ni Ginny. Kaya naman nang minsan niyang bisitahin ang mga biyenan na noon ay sa Villamor Air Base na nakatira, iyun ang itinanong niya.

Walang oras mag-boyfriend si Ginny. Busy siya sa trabaho niya sa studio. Mahal niya ang trabaho niya,” kuwento ni Mrs Adriano. Nagshift si Ginny from Theater to Journalism at pumasok itong production assistant sa isang sikat na news agency.

Marami pong guwapo dun,” nakangiting wika niya, pero sa loob-loob ni Rain, ano ang panama niya sa mga lalake sa Hollywood? Siya na puro military aircraft lamang ang nakikita at sa Zamboanga pa naka-assign.

Iba magmahal si Ginny, maniwala ka,” paniniguro ng kanyang mother in law. “Saka malapit nang umuwi yun. E di ligawan mo siya kapag nagkita kayo uli.”

Hindi na lamang umimik si Rain. Manligaw? Ni hindi na nga niya maalala kung kelan siya huling nanligaw! Saka pano niya liligawan ang babaeng asawa na niya?

Dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita ni Ginny ay parang nawalan na rin ng pag-asa si Rain na muli pang magku-krus ang landas nila. Ilang beses na rin siyang nag-apply ng schooling abroad para lang may chance sana siyang makapunta ng US pero lagi din naman siyang hindi natatanggap. Mas nabibigyan ng priority ang senior officers kesa sa kanya. Kaya hindi na niya inaasahang magkikita pa sila uli.

ACTUALLY ay si General Adriano pa mismo ang tumawag sa kanya sa cellphone. Nasa Cagayan de Oro siya noon nang makausap ang biyenang lalake tungkol sa pag-uwi ni Ginny.

A-attend kami ng alumni homecoming sa Baguio, hijo. Ginny will be there. This is your chance. Please be there.

Thank you po,” nasabi ni Rain. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Bigla siyang kinabahan. What if ayaw na siyang makita ni Ginny? Paano kung may iba na pala ito? Ano ang gagawin niya? Naniwala siya na totoo ang pag-ibig nila ni Ginny at makakapaghintay sila-- what if naghintay pala siya sa wala?

Sana mahal pa niya ako.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now