Chapter Ten

3.4K 104 6
                                    

CHAPTER TEN

FIVE months nang kasal sina Ginny at Rain pero hindi pa rin sila nag-uusap. Nagsasalita lang si Rain kapag kaharap ang magulang ni Ginny, but other than that, ni hindi naririnig ng babae ang boses ng asawa. Daig pa ni Ginny ang napapaligiran ng bloke-blokeng yelo sa lamig na ipinapakita ni Rain. Pero ang mas matindi- five months na siyang may asawa, pero virgin pa rin siya!

I know mali ang ginawa ko dahil pinikot ko siya, gusto na niyang magsisi pero ano pa ang magagawa niya?

Kung alam lang niya na maraming magsa-suffer sa ginawa niya, baka hindi na niya itinuloy ang plano. Unang-unang nasaktan ang daddy niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan nang makita niyang tumulo ang luha ng daddy niya. First time niyang nakitang naging very emotional ang ama niya- at iyun ay dahil mas pinili niyang mag-asawa ng maaga kesa tapusin ang pag-aaral sa states. The fact that she broke her father's heart was painful. Ilang gabi ring umiyak ang mommy niya kaya talagang sobrang guilt ang naramdaman niya dahil sa ginawang kasalanan.

Actually ay hindi sana siya ipapakasal ng daddy niya- nahirapan kasi talaga itong basta na lang tanggapin ang desisyon niya. Kahit ilang beses niyang sinabi sa ama na mahal niya si Rain, ayaw nitong maniwala. Duda ito na baka daw magbago pa ang isip niya. Mas gusto sana ng daddy niya na pabalikin siya sa US para tapusin ang kurso pero halos maglupasay siya sa pagtanggi at pagmamakaawa. She remembered the night she begged for her father's blessing para lang makasal sila ni Rain. Tahasan niyang sinabi na ikamamatay niya kapag hindi sila nakasal ng lalake!

Daddy, ngayon lang ako humiling sa’yo ng ganito, please! Gusto kong magpakasal kay Rain! Siya lang ang gusto kong mapangasawa, kaya please, huwag ka nang tumutol!”

Anak, you're too young to get married. You're just nineteen. You have a full life ahead of you!”

I want a life with Rain.”

Ginny, baby-- listen, you made a mistake. We forgive you. You don't have to throw everything away. Sayang ang pag-aaral mo.” Halos magmakaawa din ang mommy niya pero hindi niya pinakinggan. “You have a bright future anak.

Mom... dad... please. I'd rather die than leave Rain.” Halos wala nang paglagyan ang luha niya sa kaiiyak. “I cannot imagine life without him.

How long have you known this guy? Ni wala pang two months and yet you cannot imagine life without him? Anong klaseng kabaliwan yan?” Halos lumabas na ang litid ng daddy niya sa sobrang galit.

Do you want me to prove that I would really choose death kapag hindi kayo pumayag na magpakasal kami?” It was wrong to challenge her father-- pero ginawa niya-- all in the name of love. “Mas gugustuhin niyo bang mamatay na lang ako?”

In the end, she won but five months later, parang hindi niya maramdaman na nanalo nga siya.

WALANG naganap na kasalan sa simbahan or ang tradisyunal na military wedding. Isang simple at mabilis na kasal lamang sa huwes- na dinaluhan lang ng magulang ni Ginny. Ang kanilang maid at driver ang mga tumayong witness. Ni hindi nagpasabi si Rain sa pamilya niya tungkol sa kasal kaya wala ni isang kamag-anak na dumalo. Ipinaubaya na ng lalake sa kanila ang lahat. Ni wala ding reception- pero hindi rin nakatiis ang mommy niya at binigyan sila ng round trip tickets to Hong Kong para doon mag-honeymoon.

Nagtungo nga sila doon ni Rain pero daig pa ni Ginny ang nagbakasyong mag-isa. The whole time na nandun sila sa Hongkong ay halos hindi niya nakita ang asawa. Three days and two nights ang booking nila pero ni hindi natulog sa hotel room nila ang lalake. Nagpakita lang ito nang oras nang pumunta sa airport para sa flight nila pabalik ng Maynila. Ni wala silang kibuan sa eroplano dahil mas pinili ni Rain na matulog.

Umpisa palang pala yun ng kalbaryo ni Ginny sa buhay may-asawa.

ANG gusto sana ni Genoveva ay doon pa rin sila tumira sa bahay nila sa loob ng air base pero tumanggi si Rain. Sa halip ay kumuha ang lalake ng apartment sa Lipa City. Hindi pumayag si Rain na kumuha ng kahit anong gamit mula sa mga Adriano kaya nagtiis na lamang si Ginny.

Single bed lang ang binili ni Rain para sa kanya at mas pinili nitong sa sofa matulog sa salas. Wala rin silang masyadong gamit- bukod sa isang simpleng table at apat na upuan sa may dining area, isang personal ref, gas stove at maliit na TV ang laman ng apartment nila. Ni walang washing machine! Hindi naman siya puwedeng magreklamo sa asawa dahil kinlaro ng lalake na ayaw niyang mag-usap pa sila. Ni hindi ito nagsasabi kapag aalis na at bihira lang din itong umuwi.

Laging umiiyak si Ginny pero ni wala siyang mapagsabihan. Ayaw niyang dumaing sa mga magulang dahil siya ang pumasok sa gusot na kinasasangkutan- kaya bahala siyang lumusot. Dinadaan na lamang niya sa pagluluto, paglilinis, pagbabasa at panonood ng TV ang mga araw. Kung minsan ay kinakain naman ni Rain ang mga luto niya pero mas madalas na hindi doon kumakain ang lalake. Trabaho ang laging rason nito.

Kung noon ay sarili ko lang ang ginagastusan ko, ngayon ay may responsibilidad na ako. Hindi madali ang magkaroon ng apartment na binabayaran at mga household expenses. Ni hindi pa ako nakakapag-ipon, hindi pa ako handang mag-asawa, pero pinikot mo ako, kaya magtiis ka dahil kailangan kong magtrabaho.” Puno ng hinanakit ang pagkakasabi ni Rain nang minsan niya itong tanungin kung bakit halos hindi ito umuuwi.

Hindi na niya muling kinuwestiyun ang asawa. Ang importante, sa kanya pa rin ito umuuwi. That was enough for her.

Minsan na rin siyang tinanong ng ina kung bakit hindi pa rin siya nagbubuntis. Naisip niyang sabik sa bata ang kanyang ina dahil wala naman siyang kapatid, tapos maaga pa siyang nag-asawa. Siguro ay sa apo na lang ito gustong bumawi. Pero paano ba niya sasabihing hindi talaga siya mabubuntis dahil hindi naman siya ginagalaw ng asawa? Ni minsan ay hindi siya tinabihan nito, kaya nakakatawa man, siya lang yata ang matatawag na ‘virgin wife!’

Hindi pa siguro talaga oras, mommy,” paliwanag na lang niya sa ina. Kapag Sabado ay dinadalaw siya nito at dinadalhan ng mga pagkain, kung minsan ay siya ang dumadalaw sa bahay nila.

Bakit di ka nalang muna mag-aral kung hindi ka pa rin naman pala mag-aanak? Bata ka pa kasi Ginny, sayang naman.

Don’t worry ma, kakausapin ko si Rain mamaya.”

Ang totoo ay ilang linggo na rin niyang iniisip ang bumalik sa pag-aaral para hindi naman siya ma-bored ng husto. Pero hindi naman niya alam kung papano sasabihin ‘yun kay Rain. Makakarinig lang siya ng masasakit na namang salita.

Maging ang kaganapan ng kanilang pagiging mag-asawa ay lagi na ring naiisip ni Ginny lately. Siya na yata ang pinaka-martir na asawa sa buong mundo!

I love him, yun ang laging pinapaalala ni Ginny sa sarili tuwing nakakaramdam siya ng panghihina. Ayaw niyang i-give up ang pagiging asawa ni Rain dahil yun ang gusto niya. Nasasaktan man siya, just the thought na siya ang tinatawag na Mrs Rain Tupaz, masaya na siya.

Of Love and Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon