Chapter Seven

3.1K 101 1
                                    

CHAPTER SEVEN

NANGHIHINA si Rain nang pumasok sa barracks. Agad siyang dumiretso sa kuwarto niya at humiga. Talking to Ginny was harder than he thought.

Two weeks bago niya niyayang kumain sa labas ang babae ay ilang beses na rin siya nitong inimbitahan, pero lagi siyang tumatanggi. Hindi kasi niya alam kung papano iha-handle ang sitwasyon if ever. It was very obvious na may gusto sa kanya ang anak ni General Adriano. Araw-araw ay iba't ibang pagkain ang dumarating sa kanyang barracks. It was embarrassing kasi ang mga kasama niya mismo ang nag-aabang kung anong pagkain ang ipapadala ni Ginny-- hindi na matapos-tapos ang kantiyaw na inaabot niya.

On the other hand ay flattered siya. Sino ba namang lalake ang hindi? Pero mas nanaig ang kanyang pagiging gentleman kaya hindi siya lumalampas sa boundary ng pakikipagkaibigan. Nagtetext back siya para magpasalamat at minsan ay sinasagot niya ang tawag ni Ginny. Pero hindi siya nakikipagkita. Lagi kasi niyang naiisip si Lilibeth kaya nga minabuti niyang sabihin na sa girlfriend niya na may isang teenager na may crush sa kanya. Well, hindi na niya binanggit na 19 years old na si Ginny dahil baka magwala ang nobya at matakot- lalo pa at anak ng general ang may gusto sa kanya.

Naintindihan naman ni Lilibeth ang sitwasyon, in fact, natawa pa nga ito.

“At least talagang malakas ang appeal mo, hon,” ani Lilibeth sa cellphone nang mag-usap sila. “Mas magtataka ako kung walang magkagusto sayo.”

“So okay lang?”

“Teenager yan. Natural yang mga crush-crush na yan. Kausapin mo na lang.”

“Anong sasabihin ko? Baka magtampo.”

“Tell her na may girlfriend ka na at may iba kang pakakasalan. Madami pa kamo siyang guys na makikilala.”

“Sige.” Sumang-ayon na lang siya kahit medyo hindi siya sigurado. Ang gusto lang niya ay maging normal ang buhay niya sa air base.

“Ask her out. Kumain kayo sa labas but make sure na may chaperone siya, siyempre menor de edad yan e.” Bigla siyang na-guilty. “Mag-Jollibee kayo or McDonalds.”

He just said yes to everything Lilibeth suggested but he didn't follow it. Hindi sila nag-fastfood and instead of just Lipa City ay dumayo pa sila ng Nasugbu-- silang dalawa lang ni Ginny. Maganda ang lugar, masaya silang nag-usap ni Ginny- muntik na ngang magbago ang isip niya. He almost didn't tell her about Lilibeth. Enjoy kasi siyang kasama si Ginny. And I like looking at her.

Naalala niya ang itsura kanina ni Ginny habang tahimik na umiiyak. Sising-sisi siya, gusto niyang bawiin ang ipinagtapat. Nakaramdam siya ng matinding awa sa babae. Gusto na nga sana niyang yakapin, but he used all his willpower para huwag gawin yun dahil baka mas lalo lang lumala ang problema!

Hindi naging madali ang pagtulog ni Rain ng gabing iyun.

THE next day ay gusto niyang tawagan si Ginny pero natakot siya. What if sumbatan siya? Baka di niya ma-handle at siya naman ang umiyak.

This is crazy. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa klase.

“Bok, nakita ko yung chick mo kanina ah. Nagjo-jogging.”

Napatingin siya kay Nunez. Nasa labas sila ng classroom dahil katatapos lang ng lesson nila sa flying.

“Si Ginny?”

“Me iba ka pa bang chick dito? Hayup, bibilib na talaga ako sayo!”

“Sira-ulo. Wala akong ibang chick at wala kaming relasyon ni Ginny.”

“Sus. Tayo pa ba ang magbobolahan bok? Kulang na lang ipadala sa barracks yung ref nila at kusina.”

“Magkaibigan lang kami.”

“Ang showbiz mo!” Natatawang wika ni Nunez. “Ganyan ang sinasabi ng mga mahilig mag-deny na artista di ba?”

“Sige nga kung friends lang kayo, bakit affected ka nung malaman mong nagjogging yung chick?”

“Hindi ako affected, nagtatanong lang,” depensa niya sa sarili.

“Kung hindi ka affected, okay lang ba na nilagawan siya ni Nunez?” tanong ni Castro.

“E di bahala siya. Bahala kayo kung gusto niyong ligawan. Tutal, hindi naman kayo takot kay General Adriano di ba?”

“Bad trip ka bok. Killjoy ka sa usapan!” Natawa siya sa sinabi ni Nunez.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now