Chapter Five

3.4K 105 6
                                    

CHAPTER FIVE

GINNY wanted to run after Rain pero naunahan siya ng hiya. Hinayaan na lang niyang makalayo ang lalake kasama ang ibang opisyal, tutal alam naman niya ang mobile number ni Rain.

Tatawagan ko na lang siya... or papadalhan ng text message. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at gumawa ng message.

Hi Rain. Are you free tonight? Delete.

Hey Rain, it's me Ginny. Do you want to hang out tonight? Delete.

Uy Rain, I'm having a party... Delete.

Ano bang puwede kong itext sa kanya na hindi ako magmumukhang cheap? It was harder than she thought. Baka mapudpod na ang mga daliri niya sa kaka-compose at delete ng mga messages!

Hi Rain. It was good seeing you today. Have a nice day. Message sent.

Oh shit. Ano bang klaseng message yun? Gusto nang ibato ni Ginny ang cellphone niya. Ni wala siyang naisip na maayos na message para magmukha naman siyang smart at disente.

“Hija, are you okay?” Napalingon si Ginny nang marinig ang boses ng ama. Agad siyang ngumiti.

“Yes dad. I was just trying something on my phone pero wala yatang signal.”

“Minsan ay mahina ang signal dito.” Clueless ang ama niya sa kanyang alibi. “Gusto mo bang mag-lunch dito? Magpapa-order ako ng food.”

“No dad. Sa house na po, ang lapit lang naman e.”

Naisip niyang umuwi na nga lang muna at magpahinga. Tutal ay nasa training pa naman si Rain. Puwedeng mamayang gabi ko na lang siya yayaing lumabas. At kung lalabas siya later, dapat ay fresh siya at walang eyebags!

“Dad, uwi na po ako!”

“Akala ko ba gusto mong tumambay muna dito?”

“I changed my mind. Mas gusto ko po pala sa bahay para anytime ay puwede akong matulog.” Natawa si Marcial sa sinabi niya. “Or baka mag-bake ako. I don't know, bahala na.”

She kissed her father and left. Pagdating niya sa bahay nila ay hindi naman siya inaantok kaya she decided to raid the kitchen instead. Gumawa siya ng butterscotch, brownies and chocolate chip cookies. Tuwang-tuwa naman ang mommy niya.

“Mas magaling ka nang gumawa kesa sa akin, baby. Dapat yata gawin na natin itong negosyo.”

“Mom naman!” But she was pleased kasi ibig sabihin ay masarap ang ginawa niya. These are all for you, Rain.

Matapos mag-bake ay naligo siya at nagpahinga. She waited patiently for a message from Rain pero wala. Ni hindi in-acknowledge ng lalake ang ipinadala niyang text kaninang umaga. Baka busy, naisip na lang niya.

Hi. How's your training so far? Message sent. Twenty minutes na pero wala pa ring reply.

Baka nagpapalipad ng eroplano. Bigla niyang naisip si Josh Hartnett sa pelikulang Pearl Harbor. Gusto niyang maging si Kate Beckinsale na isinama ni Josh sa pagpapalipad ng eroplano para lang makita ang sunset ng Hawaii from the air.

Sana kapag naging pilot ka na, isama mo rin ako. Delete! Delete! Kung anu-ano pang messages ang naisip niyang i-compose pero hindi na niya itinuloy. Natulog na lang siya tutal ay hindi rin naman nagreply sa kanya si Rain.

Alas-otso na ng gabi nang magising siya. Napabalikwas siya-- agad na naisip ang mga ginawang brownies at cookies na dapat ay ibibigay niya kay Rain. Nagmamadali siyang bumangon at nag-ayos. Naka-shorts siya ng brown at naka-blouse ng puti. Kinuha lang niya ang kanyang hooded jacket saka lumabas ng kuwarto. Pasalamat siya at nasa kuwarto na ang parents niya, at least ay hindi na niya kailangang mag-explain kapag tinanong kung saan siya pupunta.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now