Chapter Sixteen

4.7K 125 3
                                    

CHAPTER SIXTEEN

THIS is the only way. I have to leave para matahimik na ang lahat. Hindi maiwasan ni Ginny ang malungkot habang nagda-drive. Naalala kasi niya ang naging sagutan nila ng daddy niya last night.

Bakit hindi mo harapin si Rain para makapag-usap kayo?”

Dad, tapos na kami ni Rain. Wala na kaming dapat pag-usapan.”

Ikinasal kayo, Ginny! Mag-asawa kayo.”

Hindi na po. Five years na po kaming hiwalay.”

Kasi lumayas ka. Ni hindi ka nagpaalam sa amin ng mommy mo.”

Dad, akala ko ba pinatawad niyo na ako sa nangyari.”

Kami ng mommy mo, oo. Alangan namang hindi ka namin patawarin e anak ka namin!”

Ginny, ang gusto lang ng daddy mo-- harapin mo si Rain ng maayos. Nakakaawa yung tao, pabalik-balik dito pero ni ayaw mong babain,” sumabad na ang mommy niya.

Napapahiya na nga ako e,” angal ng daddy niya. “Baka isipin nung tao, nagpalaki ako ng anak na salbahe.”

Ayoko na nga kasi dad. Nakapag-move on na ako. Tapos na.” Tinalikuran niya ang daddy niya. Ayoko nang masaktan ng todo dad, gusto niyang sabihin. Baka next time, ikamatay ko na talaga.

Hindi naman kasi naging madali ang buhay niya after she left Rain. Gabi-gabi siyang umiiyak and there were nights when she wished she was still with him. Hindi man perfect ang sitwasyon nila noon but she was happy kasi kasama niya si Rain.

I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself. Iyun ang kantang paulit-ulit niyang pinapakinggan noong mga unang buwan ng paghihiwalay nila ni Rain. Hindi niya alam kung paano naka-survive pero isa lang ang alam niya. Ayaw na niyang danasin pa uli yun.

Kaya mas mabuti pang lumayo na uli ako. Para hindi na kami magkita pa. Wala siyang kamalay-malay na may ibang plano tadhana sa kanya.

NAPATINGIN sa labas ng kotse si Ginny. She was already outside White Plains and it was unusually calm. Napangiti siya dahil maganda ang sikat ng araw.

Buti walang traffic, salamat naman. She passed by Temple Drive at kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa ganda ng paligid. Elevated kasi ang lugar kaya nakikita niya ang ilang bahagi ng Marikina.

It was a beautiful day. Naisip niyang mabilis niyang mararating ang Makati dahil mukhang dire-diretso naman ang biyahe niya. She was already thinking about her trip to France nang bigla siyang mapa-preno. Bigla kasi ang pagsulpot ng isang van sa may unahan niya.

“Shit!” napasigaw pa siya dahil akala niya ay sasalpok ang sasakyan niya. Nakahinga siya nang tumigil ang kanyang Honda Civic, pero halos gahibla lang ang distansya nila ng van.

Oh my God. Napasandal siya nang ma-realize na muntik na siyang madisgrasya. Ni hindi pa bumabalik sa normal ang heart beat niya nang may marinig siyang sumisigaw sa labas ng kotse niya.

“Baba!” Shocked siya nang makitang may lalakeng naka-bonnet sa labas ng kotse niya at may baril itong nakatutok sa kanya!

Kidnapper! Yun ang agad na rumihestro sa utak niya. Oh my God! I have to call dad. Nagpapanic na inabot niya ang cellphone sa bulsa, pero bago pa niya makuha ‘yun ay nabuksan na ang kanyang sasakyan. Sa isang iglap ay hawak na siya nito sa may braso.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now