Chapter Eleven

3.4K 98 4
                                    

CHAPTER ELEVEN

“HELLO!” Nagulat si Ginny nang may bumati sa kanya habang nagdidilig siya ng mga itinanim na bulaklak sa harap ng apartment. “Ako si Eric, yung bagong lipat,” nakangiting wika ng lalake. Sa tantiya ni Ginny ay kaedad niya ito or at least mas matanda lang ng dalawang taon.

“Ako si Ginny.” Ibinaba muna niya ang hawak na tabo at maliit na timba. “Pasensiya ka na ha, nagdidilig kasi ako.”

“Obvious nga.” Ngumiti si Eric. “Matagal ka na dito?”

“Not really. Five months pa lang.” Gusto na niyang pumasok sa loob ng apartment pero mukhang gusto pang makipagkuwentuhan ni Eric. Nahiya naman siyang bigla na lang iwan ang bagong kapitbahay.

“Buti na lang nakilala kita. I was beginning to think na puro military lang ang makikita ko kasi malapit sa base.”

“Estudyante ka?”

“Mukha ba?” He grinned. “Well, estudyante naman talaga ako. Third year medical student.”

“Wow, future doctor ka pala.” Biglang nakaramdam ng inggit si Ginny. “Saan ka nag-aaral?”

“Sa UST.”

“Ang layo ah.”

“I'm just here for the long weekend. Dito kasi lumipat yung ate ko. Nagtuturo siya diyan sa La Salle Lipa,” paliwanag ni Eric. Sasagot pa sana si Ginny pero nagulat siya nang marinig na may tumawag ng pangalan niya.

“GINNY!” She turned and saw Rain- kararating nito at madilim ang expression ng mukha.

“Rain,” aniya. Agad niyang dinampot ang maliit na timba at binalingan si Eric. “Nice meeting you. Pasensiya ka na, andiyan na ang asawa ko.” Kitang-kita niyang napa-Ohh si Eric pero tumango din ito.

Pagpasok niya sa loob ng apartment ay agad niyang inayos ang mesa. Naglagay siya ng plato at akmang maghahain ng pagkain nang muli niyang marinig ang boses ni Rain.

“Sino yung kausap mo?”

“Si Eric, bagong lipat sila ng ate niya diyan sa kabila.”

“Yan ba ang ginagawa mo kapag wala ako dito? Kinakausap kahit sino?”

Buti nga may kumakausap pa sa akin e, sa loob-loob niya.

“Ayokong nakikipagkaibigan ka sa kung sinu-sino na hindi ko kilala. Baka mamaya kung ano pa ang sabihin ng ibang tao or may mangyari pa sayo- mananagot pa ako sa daddy mo.”

“Okay. Sorry.”

Ayaw sana niyang mag-apologize dahil wala naman siyang ginagawang masama pero pinili na lang niyang tumahimik. Ayaw niyang humaba pa ang usapan dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa.

Ang baliw mo Ginny. Ikaw na.

DUMATING ang birthday niya pero ni hindi siya binati ni Rain nang umagang yun. Nilampasan lang siya nito sa kusina habang naghahanda siya ng almusal at papunta naman sa banyo ang lalake. Pero okay lang sa kanya dahil may iba siyang plano para sa araw na iyun.

Pinuntahan muna niya ang mommy at daddy niya sa bahay nila sa loob ng air base. Hinanap ng dalawa si Rain, ipinaliwanag niyang may lipad ang asawa patungong Cebu kaya maagang umalis. Hindi na nagtanong pa ang parents niya dahil alam nila na demanding ang maging military pilot. Matapos silang maglunch ay dumaan muna si Ginny sa grocery at namili ng mga lulutuin bago bumalik sa apartment nila.

Bago mag-alas sais ay natapos niyang lutuin lahat ng pagkain sa listahan niya at nai-set up niya ang mesa. Saka siya naligo. Dasal niya ay umuwi si Rain para naman makumpleto ang birthday niya.

Alas-otso na nang marinig ni Ginny ang pagbukas ng pinto. Agad niyang sinalubong ang asawa at kinuha ang mga bitbit nitong gamit. Nakita nitong nakaayos ang mesa at may candle light at bulaklak pa sa gitna. Bago ito magtanong ay inunahan na niya.

“Birthday ko. Sana tikman mo ang mga inihanda ko. Sana din kahit ngayong araw man lang ay makapag-usap tayo.”

Tila lumambot naman ang expression ni Rain nang marinig ang sinabi niya. Kahit hindi ito nagsasalita ay umupo naman ito saka isa-isang tinikman ang pagkain.

Tuwang-tuwa si Ginny dahil mukhang nasarapan ang asawa niya sa inihanda niya. Matapos kumain ay nagtungo na sa banyo si Rain para maligo. Alam na ni Ginny ang routine nito.

Hindi nai-lock ni Rain ang pinto ng banyo kaya nabuksan agad iyun ng babae. Halatang nagulat ang lalake nang makita siya.

“Anong ginagawa mo? Hindi pa ako tapos maligo,” anito na hindi alam kung paano itatago ang katawan na puno ng bula ng sabon.

Naka-bath robe si Ginny nang pumasok sa banyo. Agad niyang hinubad iyun kaya tumambad sa harap ni Rain ang hubad niyang katawan.

“If it’s not too much to ask, sana kahit ngayong gabi lang, ituring mo akong asawa. I promise that after this, hinding-hindi na kita guguluhin.”

Magsasalita pa sana si Rain pero nakalapit na si Ginny sa kanya.

“Please don’t make me beg on my birthday.” Nang halikan niya sa labi si Rain ay hindi na ito nagprotesta.

Yun ang pinakamasayang birthday ni Ginny.

GANAP na silang mag-asawa ni Rain. They made love the whole night, hanggang madaling araw. It was like the most natural thing to do- kaya naman nang una siyang angkinin ni Rain ay may tumulong luha sa mata niya, na agad naman niyang pinahid. It was painful and sweet at the same time.

Ang akala niya ay magbabago na ang lahat sa pagitan nila ng asawa after her birthday. Pero mas lalong naging aloof si Rain. Para bang iniiwasan siya nito kaya hindi tuloy maiwasan ni Ginny na mag-isip, na baka tuloy pa rin ang relasyon nito kay Lilibeth.

Naalala niya ang anonymous letter na ipinadala kay Lilibeth sa Baguio. She sent a copy of their marriage certificate to Lilibeth. Kung nagreact man ang babae or nag-away man sila ni Rain ay hindi na alam niya alam dahil ni minsan ay walang binanggit sa kanya ang asawa niya.

Lalong nagduda si Ginny nang marinig niya isang araw si Rain na may kausap cellphone. Lumabas pa ang asawa niya pero nakinig siya sa may pinto. Narinig niyang pupunta ito sa Baguio kaya bigla siyang kinabahan. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang tawag na iyun kay Lilibeth.

Kaya naman nang magpaalam si Rain na hindi makakauwi dahil may pupuntahang importante ay agad din siyang naghanda ng palihim.

Susundan niya sa Baguio ang asawa!

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now