Chapter Eight

3.5K 104 5
                                    

CHAPTER EIGHT

HINDI ko puwedeng isuko ng ganun na lang ang pag-ibig ko, sa loob-loob ni Ginny habang nagda-drive. It’s been a long day. Actually almost two days din siyang nagbiyahe- from Batangas ay nagtungo siya ng Baguio. Nakapagpahinga man siya sa kinuhang travel inn, sandali lamang. Ginawa lang niya ang mga dapat gawin and then bumaba uli ng Maynila, saka bumiyahe pabalik ng Batangas. Siya lang mag-isa.

Ang paalam niya ay sa Manila ang punta niya dahil may importante siyang lalakarin para sa kanyang student visa sa US Embassy. Alam niyang masama ang magsinungaling but she had no choice- kailangan niyang mag-alibi sa mga magulang para payagan siya. Yan lang ang problema niya kapag nasa Pilipinas- 4 years old pa rin ang trato sa kanya ng parents niya, samantalang sa US ay malaya siyang nakakapunta kung saan-saan.

Ilang gabi din niyang dinamdam at pinag-isipan ang mga sinabi sa kanya ni Rain nang huli silang magkita nito. Nasaktan talaga siya, pero hindi niya puwedeng i-give up ang nararamdaman ng wala man lang laban. She wants to fight for what she feels, and like what they always say- ‘all is fair in love and in war.’ Para sa kanya, hindi lang yun isang cliché ngayon kundi totohanan na. And her first stop was Baguio.

Of course nagpa-imbestiga muna siya kung sino si Lilibeth sa buhay ni Rain. Para que pang lumaki siya sa military world ng daddy niya kung hindi rin lang siya matututong mangalap ng information? Napag-alaman nga niyang nasa Baguio ang babaeng sagabal sa kaligayahan niya. Nurse ito at nakatakdang umalis papuntang abroad. Talagang pinuntahan niya ang babae para personal itong makita at ma-assess- dahil naniniwala siya sa kasabihang, ‘know your enemies.’

Hindi naman siya nagpakilala kay Lilibeth. Nagkunwari siyang pasyente sa ospital at nagpa-assist. It was that easy. Ang plano niya ay padalhan ito ng sulat- but that will have to wait. Kailangan magawa muna niya ang naisip na paraan para mapasa-kanya si Rain.

In fairness ay maganda si Lilibeth. Simple at mukhang magiging mabuting may-bahay kay Rain. Except that- siya ang magiging esposa ni Rain, yun ang sinisiguro ni Ginny.

What Ginny wants, Ginny gets.

“HI RAIN.” Matamis ang ngiting ibinigay ni Ginny sa lalake nang lumabas ito ng barracks. Naka-shorts pa ito at tshirt, obviously ay walang pasok or training.

“Ginny…” alanganing ngiti ang iginanti ng lalake. Tila hindi nito alam kung paano makikipag-usap, kaya inunahan na siya ng dalaga.

“Pasensya ka na last week ha. I lost control of my emotions.” Iniabot ng dalaga ang kanyang kanang kamay. “Peace na tayo?”

“Sige ba.” Napangiti si Rain, tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib. Kinuha niya ang kamay ni Ginny at mabilis na pinisil.

“Thanks.” Yun lang at nagpaalam na agad ang dalaga.

“May pupuntahan ka?”

“Oo.” Yun lang at bumalik na sa sasakyan niya ang dalaga. Naiwang nakatingin si Rain hanggang sa makalayo na siya.

Nagawa na niya ang first step. Lihim na napangiti si Ginny. May pagka-kumplikado ang binabalak niya but it’s worth a try.

Bahala na.

NANG sumunod na mga araw ay madalas magkasalubong sa air base sina Ginny at Rain. Minsan ay nanonood ng flag ceremony ang dalaga, minsan ay napapadaan ito sa may flightline kasama ang ama. Pero ni minsan ay hindi ito lumapit sa lalake. Hanggang kaway at ngiti lang ang dalaga, na para bang normal na magkakilala sila at tila hindi nangyari ang crying scene niya sa Nasugbu.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now