Chapter 18

179 7 0
                                    

@Lutwidgesparrow10 

Lea's POV

I can't imagine myself before doing this kind of stuff, being with Aga, being with my anak-anakan, if this is only a dream, I would like to say, I don't want to wake up anymore.

"Babes, would you like to talk to our wedding organizer?" pagtatanong sa akin ni Aga kaya naman napakunot ang noo ko,

Anong wedding organizer ang sinasabi nito? Nasa set kami at nagpapahinga lamang, maya maya kasi ay magsisimula na muli iyon, medyo talagang hinahapit ni Direk na ilabas talaga lahat ng kaya namin kaya naman minsan, makikita mo na lang talaga 'yung pagod kahit walang magtatanong.

"I wanna see you making ligaw to me, Aga." pagsasabi ko sa kanya bago uminom ng tubig.

Malamang, gusto ko pa din maranasan ang mga bagay na iyon kahit alam kong ang patutunguhan ko ay ang paglalakad sa altar habang naghihintay sa akin si Aga.

"Talaga? You want lugaw este ligaw?" sabi na naman ni Aga kaya nabatukan ko siya.

"'Di ba obvious?" pinagtaasan ko pa siya ng kilay at napakagat naman siya ng ibaba niyang labi.

Palibhasa kasi, hindi naman ata siya nanliligaw, mga babae niya pa nanliligaw sa kanya. Ano naman kayang pakiramdam noon? Babae nanliligaw tapos babae din manganganak tapos babae din mag ta-trabaho?

Talagang hindi namin deserve ma-trato ng ganoon. 

It's not really good to treat your girl like she's your utusan lang.

"Babes, alam kong halos ma-travel mo na ang buong mundo, pero kung nagkataon, saan mo gusto pumunta kasama ako?" daming tanong ni Aga ngayon a, parang isusulat niya ata ito sa diary niya.

"Kahit saan, basta kasama ka." iyon na lang ang nasabi ko bago sumandal sa kanyang balikat.

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam when you are planning your future with someone you love, with someone who can be with you 'til the last minute of your life, someone who can promise you something without breaking it.

And I believed that the someone in my mind right now is only Aga. Will always be my Ariel.

Pinaglaruan niya lamang ang kamay ko habang tumitingin ako ngayon sa isang magazine na hindi ko alam kung bakit mayroon dito na ganoon.

While turning the page, I saw Aga's picture, holding a waist of a girl kaya nahampas ko siya ng magazine na hawak ko.

"Sino 'to ha?" pagtatanong ko sa kanya sabay turo doon sa babae.

I already saw the girl, she's a model but I dont remember her name. She's beautiful, she's sexy, I know na ang natapos nito ay ang culinary din, kasabayan ni Aga, argh!

So, what? I'm gorgeous!

"Hm? Which one? Iyan o iyan" pagtatanong ni Aga sabay lipat ng page na iba't ibang babae ang kasama.

A, ganoon? Madami pala talaga siyang babae, gusto niya pala talaga na pahirapan kami, a.

Makikita niya.

"Talaga ba, Aga? Gusto mo na gan'yan tayo?" paghahamon ko sa kanya.

Amusement in his eyes is all I can read on him, isama mo pa iyong mga ngisi niya na parang tuwang tuwa pa at ganito ang pinag uusapan namin.

Sa tingin niya ba may nakakatuwa?

I just want him to be loyal lang naman, a!

Yayayain niya ako magpakasal kasal ng seryosohan tapos gaganituhin niya ako?

"Hm, selos kana ba?" pagtatanong niya habang nakangiti kaa nag iwas ako ng tingin.

Who told him to be happy when we are fighting over this thing?

"Bahala ka! Pakasalan mo pader na dapat iki-kiss mo!" pagsasabi ko sa kanya bago naglakad palayo kasabay naman ng pagpunta ko kay Aya.

Hindi ko pa kinakausap si Aga, iiwasan ko siya hangga't kaya ko. Bakit ba kasi naandito 'yan? Puwede naman na siya lumayo na lang! 

Doon siya sa mga babae niya.

Aga's POV

I'm really happy knowing that Lea is a jealous monster. Kasi sa babaeng lahat na dumaan sa akin, kaunting ngiti ko lang, wala na mga selos nila.

But why will I compare my Lea to them? Iba naman ang pagmamahal ko kay Lea.

Totoo at hindi biro.

"Lea, nagmamadali? May pupuntahan?" I ask her and she just glared at me, o, that cute reaction.

I like to see what she can do kung biglang may lumapit sa aking babae at landiin ako sa harap niya.

"So? Why do you care? Go to your girls, it's really fun there!" she really said it sarcastically.

I want to laugh but I didn't, she's pissed and I don't really want to make this as a big deal.

"Babes, ikaw lang. Sayo lang aalindog." pagsasabi ko bago humagalpak ng tawa ng may biglang lumilipad na libro pero naka iwas agad ako.

Muntikan na ako.

"Ako, Aga, hindi ako natutuwa ha. Sinasabi ko sa'yo, nako." she utter those words na halata namang inis na inis na.

"Ayaw mo noon, Babes? Tapos sasayawan pa kita." pagsasabi ko bago kumembot sa harapan niya kaya nahampas niya ang braso ko.

Lagitik pa.

Ang sakit, iyong kamay niya, talagang bumakat sa braso ko.

Brutal ang Lea ko.

"Hindi na, sorry na. I will make ligaw everyday kahit mag asawa na tayo, Babes." pagsasabi ko sa kanya bago siya binigyan ng ngising nagsasabi na dapat siya magtiwala sa akin.

Malamang, mapagkakatiwalaan naman ako, hehe.

"You only make ligaw? Hina naman." paghahamon niya sa akin habang naka upo na at inaantay si Aya na kausap si Direk ulit.

"I will also make propose and babies with you. I will marry you many many times. Bati na tayo." pagsasabi ko bago siya kinindatan kaya nahampas na naman ako, doon na naman ulit.

"Aray ko na, Lea ha. Lea ha, asawa ko ha. Sige lang ha, kahit kinikilig kana ha, okay lang talaga, ha. Lea, ha." sabi ko, sana may naintindihan siya, puro kasi 'ha' ang naintindihan ko sa sinabi ko.

"Heh! We are not married! Asawa ka ng asawa, hindi mo naman sinisimulan kasal!" pagtataray niya sa akin bago niya ako iwan.




Paano ko sisimulan? Hindi ko nga alam ang gown na gusto niya?

Guilty MindWhere stories live. Discover now