Chapter 26

155 4 0
                                    

@LutwidgeSparrow10

Aga's POV

It's not my intention to hurt my Lea, it will never be my intention. Until now, hindi ko pa din mawari't maisip na kaunting paliwanag lamang ni Lea, lumalambot na naman ang puso ko, na kaunting iyak niya lamang, parang lahat na lamang ng galit ko mawawala.

"Papa! Nakikinig ka ba?" pagtatanong sa akin ni Aya, kanina niya pa kasi ikinukuwento kung anong gagawin namin sa barbie house niya.

Sa dami ng laro, ito ang napili ng anak ko.

"Ha? Oo naman, gusto mo ba ibili kita ng mas malaki diyan? Iyong kasya ka na din." sabi ko at kinindatan pa ang anak ko at sunod sunod naman ang kanyang pagtango habang nakangiti.

Aya is happy with simple things but I always want the best for my daughter. 

"Aya!! Aga!! Kakain na." pagsigaw ni Lea mula sa baba, ang lakas talaga ng boses ng babaeng iyon.

Nagkatitigan pa kami ni Aya bago sabay na natawa sa kung paano tumawag ang Nanay niya, kahit kasi sumigaw, nasa tono pa din, saan pa ako? Kay Lea lang, palagi, sa susunod na habang buhay.

I carry Aya while walking down to stairs para mapuntahan namin si Lea at Regine.

"Hala, gaga, mag pula kana kasi sa reunion natin magkakaibigan tapos invite mo si Aga total ikaw lang walang partner!" parinig ko ang pagbulong ni Regine kay Lea, pabulong nga, malakas naman.

"Mama, Tita, what is gaga?" biglang tanong ni Aya kaya napakagat ako ng ibaba kong labi, pakinig din pala niya, siyempre may tainga ang anak ko.

"Anak, it's bad. Dito kana, upo kana, kakain na. Ikaw din." Lea forced a smile, well, halata naman na, e, iyong ngiti niya kapag totoo, lumalabas iyong dimples niya sa tabihan ng labi niya.

Ibinaba ko si Aya at dumaan ako sa likod ni Lea at bumulong

"Don't force your sweet smiles, baby..." mahina kong sabi bago umupo sa tabihan niya at dahan dahan dinilaan ang ibabang labi.

Hindi lumampas sa mata ko ang paglunok ni Lea habang nag aayos siya ng pinggan, well, I like it when she's nervous when I'm around. Atleast I know that I can affect her that easy.

"Mare, baka mabitawan mo." Regine said while chuckling, nahalata siguro, tho hindi naman talaga halatang halata.

Lea's POV

It feels like my mind was in the air, nasaan ang talino Lea? Kung makapagmayabang pero kaunting ganoon, apektadong apektado?

Ang tawag doon, gago.

"Alam mo, Mama, ang sungit mo ngayong araw." pagpuna sa akin ni Aya kaya napatitig ako sa kanya at pinisil ang ilong niya.

"Baka may dalaw lamang, Aya." pagsasabi naman ni Regine sa kanya.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya at pinasa ko iyon kay Aga kaso hinawakan pa ang kamay ko sa pag abot niya na agad ko naman nilayo.

"Ha? Dalaw? 'Di ba po kayo ni Papa ang dalaw?" inosenteng tanong ni Aya kaya napatawa naman si Aga sa tabihan ko.

It's darn awkward.

Nakurot ko ang tagiliran niya ng patago na hindi alam ni Aya kaya iyong tawa ni Aga pumunta sa parang naluging mukha.

"Wow, ang bilis talaga ng mood. Kakain na, tama na 'yan." pagsaway ni Regine, nako, kaunti na lamang talaga at itatapon ko na si Aga, buti napigilan ni Regine.

 Sabay sabay kami kumain at ang masama, walang naimik, kahit si Aya, hindi umiimik. Nakakaasar nga, e. Ngayon ba talaga sila tatahimik?

"Ehem." pagkunwari kong ubo para makuha ang atensiyon nila pero busy sila lahat sa pagkain.

A, ganoon?

Pagkain talaga ang gugustuhin kaysa kausapin ako? 

Buti na lamang at tumingin sa akin si Aya.

"Ma, don't speak when your mouth is full." pagsaway niya sa akin kaya napatungo ako, hindi naman ako nagsalita, e.

Sinabi ko lang naman na ahem kasi napakatahimik nila kumain, puwede naman sila umimik kahit kamustahin lamang ang araw, oo, ganoon.

"Bata na nga talaga nagtuturo." pagsingit naman ni Aga sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ano ba? Akala ko ba bati na kami? Bakit parang may tinatago pa siyang galit sa akin?

Ano ba talaga gusto niya mangyari?

"Kumain ka na lang, ingay mo." pagsasabi ko sa kanya bago tinarayan, mapahiya ka nga. Bahala ka diyan.

"Don't fight while eating po." pagsasabi ulit ni Aya kaya napahinga ako ng malalim.

Bakit parang palaging ako ang mali? Nakakaasar naman.

"Tama, tama." pagkomento pa ni Regine kaya pati siya sinamaan ko ng tingin pero kinindatan niya lamang ako.

Darn, if being like this mean having Aga with my side, okay lang.




Okay lamang palagi.


Guilty MindWhere stories live. Discover now