Chapter 24

148 5 0
                                    

@LutwidgeSparrow10

Lea's POV

Is it really mutual? O palabas lamang lahat para sa nalalapit namin na movie? Kinikilig ako but at the same time I'm confuse on what he acted but all the pain is worth it when we will talk about Aga, when we will talk about my Ariel.

"Mama, bakit ang tagal naman ni Papa?" Aya asked me while we are watching another movie, nakaka apat na movie na ata kami ngayong maghapon.

Hindi ko din alam kung bakit parang wala ako gana gumawa ng kahit ano ngayong araw, nakakatamad lamang lahat. Nakakawalang gana. O dahil baka nami-miss ko lang.

Erase the last statement.

"Hm? Dadating din 'yun." pagsasabi ko sa kanya habang hinahawi ko ang kanyang buhok.

Walang araw ang dumaan na hindi tinanong sa akin ni Aya kung nasaan si Aga, baka nasa kay C? But who the hell is C? How about A?

"Mama, can I borrow your phone? Wanna call Papa..." halos pabulong na sabi ni Eya habang ang mukha niya ay nagpapakita ng lumbay.

"Hmm-mm. We will call, Papa. Stay there, baka may sumakit sa katawan mo." pagpapaalala ko sa kanya habang kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni Aga.

Gonna admit this, I'm darn nervous kasi paano kung sabihin niya, nakakaistorbo ako? Hindi ba at parang nakakahiya naman?

But this is for Aya, he should explain his side.

Naka lima pa atang ring bago niya sinagot, ano ba ginagawa niya? Ganoon ba siya ka busy?

Sa iba? 

"hello..." una niyang imik, alam kong naka aircon pero bakit mas lumamig?

"Aya wants to talk to you." pagsasabi ko sa kanya bago huminga ng malalim, hindi ko na din alam sasabihin ko, e.

"Ikaw, ayaw mo ba ako kausap?" bigla niyang sabi kaya napalunok ako, hindi ako handa. Gago. Paano hindi kiligin? Paki search nga. 

"Mama, si Papa na ba 'yan?" biglang singit ni Aya kaya tumango naman ako at ibinigay sa kanya ang cellphone, ini-loud speaker ko din para pakinig ko pinag uusapan nila. Actually, 'yung boses niya.

"Papa!! Kailan ka uuwi?" panimulang tanong ni Aya habang kausap si Aga, iyong ngiti niya, parang ang tagal ko ng 'di nakita. 

Parang kailan lang.

"Kailan mo ba gusto, anak?" pagtatanong ni Aga, why so sweet? Paano naman ako?

"Papa, kahit kailan. Miss na miss na kita." malungkot na sabi niya, ako ata ang magkakasakit sa sinasabi niya.

Ngayon? Huwag naman ngayon, hindi ako handa.

"Aya, babalik na ako ngayon." sabi nila sa usapan kaya halos matumba ako sa kinatatayuan ko.

Ngayon? Napakagulo ng buhok ko tapos naka short lang ako jusko? 

"Nasaan kana, Papa?" pagtatanong ni Aya kaya napakilos ako ng mabilis para ayusin ang pagmumukha ko.

"Already here." napatigil ako sa pagsusuklay at napatingin sa may pintuan.

Ang guapo.

"Taas lang ako." pagsasabi ko at aalis na sana ng higitan ako ni Aya pabalik kaya nagkatitigan kami ni Aga.

"Aya, can you come with your Tita Regine muna? Nasa labas siya, may pag uusapan kami ni Mama mo, e. Promise, babawi si Papa." pagsasabi ni Aga kay Aya habang pinapantayan ang tangkad at hawak ang mukha.

Bakit kami maiiwan? No way. 

"Promise? Mag pe-play tayo bukas?" inosenteng tanong ni Aya kay Aga habang nakanguso.

"Yes, anak." pagsasabi niya bago ako tiningnan at binuhat si Aya papunta kay Regine.

Imbes na sumunod pa ako, pumunta na ako sa taas para mag-ayos.

Nagmadali dali akong naghilamos tapos ay nagpalit ng pajama bago bumaba, sakto naman na si Aga ang nagtutuloy manood ng movie at napatikhim ako para ako naman ang tingnan niya.

"Care to explain?" mahina niyang sabi kaya napaupo ako na medyo malayo layo sa kanya, mga dalawang metro.

"Hindi ko alam. Trust me. Wala akong alam, hindi ko alam na may Seya, wala na akong matandaan." pagsasabi ko sa kanya kaya napataas ang kilay niya, mukha ba akong hindi kapani paniwala?

"Bakit wala ka matandaan?" pagtatanong niya na naman sa masungit na tono.

Sino ba kausap ko? Si Madam Charo at dapat alamin ang buong buhay ko?

"Accident. Aga, maniwala ka na sa akin pero kung ayaw mo, sige lang." pagtatampo ko sa kanya para kahit naman manuyo siya, suyong Aga lang, e.

"O, talaga, Lea?" sabi niya na naman sa masungit, bakit ba parang may buwanang dalaw ito? Dati naman sweet siya, a.

"Wala ka pala talaga alam, bakit sinabi mo agad na ikaw?" pagsasabi na naman niya kaya ako na ang napaiwas ng tingin.

Hindi ba puwedeng nag assume kasi mahal ko din siya?

Kailangan ba parehas kami magkasakitan?


Guilty MindWhere stories live. Discover now