Chapter 54

128 5 1
                                    

@LutwidgeSparrow10

Lea's POV

"How is my baby?" bigla kong tanong sa kanya dahil kanina pa ako hindi mapakali ng magising ako dito sa hospital.

Hindi ko din alam kung okay lamang ba kay Charlene na itago lahat, matagal na siyang may itinago at hanggang ngayon, may itatago ulit siya.

I feel guilty about it but I know na kapag nalaman ng ama ng bata na dinadala ko na mayroon siyang anak, baka kung ano lamang mangyari.

And I am not that strong to fight for it, gusto ko din naman na maipaglaban ako, hindi iyong palaging ako iyong lumalaban.

Ako iyong sumusugal kahit matalo man.

"They are fine. Huwag ka na magpaka stress! Ako ang mai-stress sa'yo, jusko! Dahan dahan lang kasi. At'yaka paano kung walang nakakita sa'yo? Lea naman. At'yaka sana, sinabi mo sa akin na may laman na iyang tiyan mo, magpapaalam na lang, kulang pa." pagsasabi niya bago nilagay ang palad sa noo niya, aba?

Kasalanan ko bang mawalan ako ng malay? At'yaka may laman na talaga dati pa ang tiyan ko, a.

Pagkain.

"Labas na ako." pangungulit ko sa kanya pero pinagtaasan ako ng kilay bago siya namaywang sa harapan ko, bawal ba?

Gusto ko lang naman lumabas, ayoko kasi ng amoy ng hospital. Parang mas lalo ako magkakasakit, ayoko din na puti lang nakikita ko, parang on the way na ako papunta doon, e.

Huwag naman sana.

BAKIT GANIYAN SIYA SA AKIN? Nakaka asar ha, itakwil ko siya diyan, e.

"Please..." I beg, ayoko talaga dito. Hindi ko ata kakayanin kung magtatagal pa ako, pero ang tanong, papayagan ba naman ako ng kakambal ko?

E, feeling ko nga, siya iyong buntis sa aming dalawa, e. Daming sabi.

"Hindi nga, bawal pa. Huwag ka makulit, ayoko pa mawalan ng pamangkin. At isa pa, kung lalabas ka ngayon, sure ka ba na okay ka agad agad? Hindi, kaya dito ka muna para matingnan ka. Hindi iyong basta ka lalabas ng hindi ka naman sigurado." sabi niya bago kinuha ang cellphone niya.

Sigurado naman ako, e...

Siya kaya ihiga ko dito tapos sabihan ko din ng mga ganoon, para siyang rapper, hindi nauubusan ng salita.

Konti na lang, hindi na kakambal tingin ko sa kanya, e. Nanay na.

Hindi ko na siya sinagot kasi may punto naman siya, napanguso na lang ako habang tinitingnan iyong pintuan ng kuwarto ko dito sa hospital, ma distract lang ba ako sa ayaw ko dito.

Dati, gusto ko maging Doctor pero uh, ewan ko. Ayoko maging pasiyente.

AYOKO.

I'm still here at hospital dahil ayaw pa ako nila palabasin at ayaw din pumayag ni Charlene, kailangan daw bukas na ako ng umaga o hapon ako lumabas. Mas praning pa naman pala ang kakambal ko kaysa sa akin.

Mas gusto ko nga maglakad, e. Gusto ko ng may ginagawa ako kaysa sa nakahiga lamang, hindi ko din alam kung bakit pero hindi ako mapakali.

"Cha.." pagtawag ko sa kanya habang nakatitig siya sa cellphone niya kasi may ka chat, ewan ko kung sino.

Palibhasa maganda, e pero mas maganda ako.

"Bukas pa nga, B-U-K-A-S." pagsasabi niya bago ako tiningnan, bakit ba? Bukas na nga pero hindi naman iyon ang sasabihin ko, e!

"Ano ba? Hindi naman kasi iyon, praning. Iba naman kasi, dami mo sabi hindi mo muna ako patapusin, Charlene naman, e." pagrereklamo ko sa kanya bago inikutan ng mata at nilagay ng pakrus ang dalawang kamay sa bandang dibdib.

"Ay, arte mong buntis ha. Anong gusto?" malambing niyang sabi kaya napaayos ako ng upo bago ngumiti.

Madali naman pala siya kausap. Palaging galit, e. Akala mo birthday, hindi naman.

"Gusto ko pagkain." pagsasabi ko sa kanya bago kinagat ang ibabang labi, kasi naman, kakain na dapat ako kanina, e. Handang handa na, I wonder if nabayadan iyong mga pinagbibili ko kanina.

Sa dami ba naman noon pero sakto naman pera ko, e.

Labis pa nga, hindi naman kasi ako nagdadala ng sobra sa labas, takot ko na lamang sa mga holdaper, ayaw ko pa naman na makuhanan ako ng pera, ano.

Lalo na at mag lo-low profile ako sa showbiz dahil baka kapag nalaman nila na buntis ako tapos hindi kasal, dami na naman bash, dagdag stress.

Pero okay lang naman ma bash, basta hindi ang magiging anak ko, hindi sila.

"Sa dami mo binili kanina, ano gusto mo doon?" pagtatanong sa akin ni Charlene habang tinitingnan iyong mga pagkain na binili ko.

Sino nagbayad?

"Hindi, iba gusto ko. Gusto ko ng fries tapos lagyan mo ng sundae, doon ko isasawsaw iyong fries. Tapos magdala ka na din ng burger, iyong malaki ha? Ayoko ng maliit. Tapos pizza, gusto ko kapag dinala mo mainit pa at'yaka strawberry." pagsasabi ko sa kanya bago siya kinindatan, madali lang naman hanapin iyong mga iyon, e.

"Ano?! Strawberry? Lea, saang lupalop ako hahanap noon, ang gabi na kaya." pagsasabi niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin, alas otso pa lang kaya ng gabi.

Wala pa naman sa 10, bakit ba?

Nakakainis naman, e.

Guilty MindWhere stories live. Discover now