Chapter 46

114 6 0
                                    

@LutwdigeSparrow10

Lea's POV

I am Lea Salonga and I am not sure of that. Ang buong pagkatao ko ay parang isang palaisilan na kahit kailan hindi mabubuo dahil nawawala ang ibang parte.

I am Aya Salonga and I am also not sure about that. Madaming pagsubok na ang dumaan sa akin, nakilala ko si Aga dahil kay Aya, akala ko din ako si Aya at nagalit si Aga ng malaman na hindi ako at ngayon ay bumabalik na naman sa akin na ako si Aya.

Two personality in one body but the other one is unknown.

Biglang may kumatok sa kuwarto ko pero hindi ko iyon pinagbubuksan, gusto kong makilala, gusto kong malaman, sino ba talaga ako?

"Babes, ayaw ko pa matulog sa labas." pagkatok muli, si Aga pala, napatulala pa ako sa pintuan bago ko binuksan iyon.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" halata sa mukha niya ang pag aalala, ano na naman kaya ang ang mangyayari kapag ako na naman si Aya tapos hindi ulit?

Mawawala ba ulit si Aga?

"Hindi." sabi ko bago umiwas ng tingin sa kanya at humiga sa kama pero agad niya din ako tinabihan bago niyakap mula sa likod.

"Babes naman, may ginawa ba ako masama? Iyong babae ba? Hayaan mo, babes. Hinding hindi ko na iyon titingnan o kakausapin." pagsasabi niya sa akin kaya napangiti ako ng maliit pero agad din napawi.

Umupo ako ng maayos at ganoon din si Aga habang parehas kaming nakasandal sa kama.

"May tanong ako, sasagutin mo ba ako ng matino?" nakatingin ako sa mata niya habang tinatanong iyon at hawak ko din ang kamay niya.

"Depende sa tanong, babes pero 'di pa ako ready ha? joke lang 'yung susundan si Aya ha." may pagngising aso pa, ano ba akala niya? Tungkol pa doon?

"Aga! Huwag na nga!" I said and rolled my eyes on him, nakakaasar, bakit kasi ayaw niya magseryoso kahit minsan lang?

"Seryoso, babes. Ano?" pagtatanong niya bago sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Paano kung ako na ulit si Aya?" pagtatanong ko sa kanya bago tumingin sa maamo niyang mukha.

Pinagkatitigan niya pa ako bago siya tumawa.

Anong nakakatawa?

"Babes, wala na akong magagawa kay Aya kasi ikaw man o hindi, mahal kita. Kung hindi ikaw, edi okay, wala ng Aya, matagal ng patay, kung ikaw, mas okay kasi tinadhana pala talaga tayo..." sabi niya bago nagtaas baba ng kilay kaya nabato ko siya ng unan.

Tinadhana, mukha niya! Makapal!

"Aga naman, e! Isa pa!" pagsasabi ko sa kanya at uulitin na sana niya ng kinurot ko ng sobra iyong pisngi niya.

"B-babes, eto na, eto na." pagsabi niya habang hawak ang kamay ko na inaalis sa pisngi niya kaya tinanggal ko na.

"Sakit ha. Kasi ikaw man si Aya o kung sino man espirito ang sumapi sa'yo, mahal kita. Mahal kita at mahal kita tapos mahal ulit kita kasi mahal na mahal na mahal na mahal kita pero kasi nga mahal kita, e." sabi niya and my heart melt, totoo na ba?

Kasi kahit papaano may parte sa akin na gusto malaman kung ano ba talaga ang mayroon kay Aya. Simula doons a picture, sinula sa journal, simula sa lahat lahat.

"Alam mo, sabi sa akin ni Charlene kanina na siya si Seya at ako si Aya." pagsasabi ko sa kanya bago tiningnan kung ano ang magiging reaksiyon niya.

He's listening.

"Hanggang ngayon kasi, ayoko maniwala, ayoko na ako na naman si Aya tapos hindi tapos magagalit ka--" naputol ang sasabihin ko ng ilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko para pigilan ako magsalita.

Ayaw niya ba marinig?

"Babes, what I did is such a jerk move. I just realized how much I love you when you left me, parang gigising ako sa araw araw, may kulang. Na nasaan na ang Lea ko? Nasaan na ang pamilya ko? Na kahit pala sa madaling panahon tayo nagkakilala, hindi ko kayo kaya mawala. Kasi nga dapat propesyonal na ako sa ganiyan kasi babaero ako, e pero pagdating kay Lea, lahat naglakagulo sa utak ko, gusto ko pala siya na makita, hindi nga pala siya isa sa mga babae ko, siya nga lang pala ang babae sa buhay ko at ang anak ko. Kaya Babes, kung kailangan natin malaman kung sino ka para maprotektahan ka, so be it, I love to protect my girl no matter what happen." he said before he kiss my forehead.

Ghad, what did I do to deserve this kind of man?

Guilty MindWhere stories live. Discover now