Chapter 38

124 4 0
                                    

LutwidgeSparrow10

Aga's POV

Ngayon na kasama ko na ulit si Lea, pakiramdam ko, lahat ng kasiyahan, nasa akin na. Ang kinatatakot ko na lamang ay ang mga panaginip ni Lea na pilit niyang itinatago sa amin, natatakot ako na baka mamaya hindi siya magising sa mga iyon. 

"Charlene, can I have a minute?" pagtawag ko sa kanya habang kasama pa ni Lea iyong mga bata, napakahilig naman pala niya sa bata, sana sinabi agad. 

"Yep?" maikli niyang tugon sa akin habang sinusundan ako, gusto ko lamang page usapan iyong sa amin dalawa na kung ano man ang mayroon, tapos na lahat. Ayoko na may susunod pa sa problema namin, hindi ko kaya na nakikita palagi ang Lea ko na umiiyak.

Na parang bawat luha na lalabas sa kanyang mga mata ay kasalanan ko lahat, mabilis nga naman ang karma.

"Alam kong kumplikado kung anong mayroon sa atin ngayon nina Lea, may maaaring mangyari, maaari din hindi, gusto ko lang sabihin na kung ano man ang mayroon sa atin, wala na." pagsasabi ko sa kanya at nakita ko ang pagbabago ng reksiyon niya mula sa nakangiti sa seryosong tingin.

Huwag mo sabihin na kasunod naman siya?

"Talaga ba? Wala ba kahit isang porsyento? Aga? Paano kung ako si Aya?" sabi niya at may pagngisi pa kaya kahit ako ay nagbago ang tingin sa kanya, siya ba ang puno't dulo ng lahat ng ito?

Kasi kahit gaano pa gusto ni Lea makasama si Charlene, ilalayo ko talaga.

"Wala. Charlene, puwede ba? Tapos na lahat." pagsasabi ko sa kanya at napahilot na lamang sa sintindo ko, dadagdagan niya talaga lahat ng problema na nangyayari?

"Please?" pagsasabi ko sa kanya at nakita ko na lamang ang pag buga niya ng tawa na parang wala ng bukas.

Kalalabas lang ba into ng mental?

"Akala mo naman gusto talaga kita? Jusko, hindi lahat nakukuha mo sa karisma mo! Duh!" pagsasabi niya habang tumatawa pa din kaya napabuga ako ng hangin ng bigla na lang ako higitin ni Carriel, kaya napatingin ako kay Charlene bago umalis sa harapan niya.

"Akala ko si Mama lang?" pagbulong niya sa akin kaya napatawa na lamang din ako.

Nasa dugo na ata ng Salonga ang pagiging selosa at maldita.

"Si Mama mo lang, may pinag usapan lang kami ng Tita mo, anak." sabi ko bago hinalikan ang kanyang noo, manang mana kay Lea.

Lea's POV

Kanina ko pa kalaro sina Andres at Aya ng makita ko na nag uusap si Charlene at Aga, they look good together, they look... happy. Hindi ko alam, baka magkakabalikan? Ano 'yung kagabi? Issa prank? Joke joke lang?

Kasi hanggang ngayon, sino ba talaga kasi si Aya?

Okay, I admit, there is a part of me na umaasa na sana ako si Aya kasi nga hanggang ngayon takot na takot ako na paano kapag nag e-exist nga si Aya? Paano kung prank lang din 'yung mga pinagsasasabi niya kagabi?

The hell, what I am thinking. Hindi naman ako naging ganito ka paranoid dati. Hindi naman ako ganito nag isip sa isang lalaki. Naguguluhan na din ako minsan na sarili ko, e.

"Titaaa." Pagtawag in Andres habang kinakaway pa ang kamay sa mukha ko kaya napakurap kurap ako.

"Yes sweetie?" pagtatanong ko sa kanya bago kinandong, napakaguapo na bata.

"Alam mo po, matagal ka na po hinahanap ni Mama kasi sabi niya kapag daw nagkita kayo, happy na siya basta happy ka. Ayaw niya po mawala ikaw, matagal ka na daw po may sakit na dinadamdam sa puso mo. Gusto niya daw po na makita ikaw, na magkaroon ulit kayo ng kagaya ng dati niyo na naglalaro, na magkasama palagi kasi Kambal kayo." inosenteng sabi ng bata habang nakangiti, niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"I really don't remember anything, naaksidente kasi ako, hindi ko din alam kung saan ko sisimulan ang paghahanap sa sarili ko pero bakit pa 'di ba? Kung puwede ko naman na buuin kasama kayo, naandito na ako. Hindi ko kayo iiwan..." pagsasabi ko sa kanya habang nakangiti.

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko.

"Why are you crying, Tita? Mali po ba?" pagsasabi niya bago pinunasan ang mga luha ko at napatawa naman ako.

Mini-Charlene. He is.

Guilty MindWhere stories live. Discover now