Epilogue 1

282 3 2
                                    

LutwidgeSparrow10

-The last chapter of mine in this story, I hope until the end you will support us. Aga promise to Lea that he will always be at her side but sometimes, promises are just words.

And also, thank you for reading our story, thank you for your time. 

EPILOGUE 1

Lea's POV


5 years later...

It's been 5 years since no Regine, Dawn, Vice, Charlene, Rob and no... Aga. No Aya, no Seya, no Lea. Hindi na babalik si Lea, wala na. Para sa akin, patay na siya, patay na kung ano man, sino man, kung paano man siya nagawa. Wala ng Lea, wala ng Aya.

I am Alcantara Georgina. I will admit that there are days na ang sarap na lang bumalik sa Pilipinas pero alam ko na kapag bumalik ako, parang bumalik na din lahat ng nararamdaman ko, hindi lang pagmamahal, pati galit bumabalik. Siguro, lahat naman babalik kapag alam mong madami kang napagdaanan.

And I still need time for myself, hindi ko pa kaya ulit, hindi ko pa kaya sumugal ulit at hindi ko pa kaya makalimot ulit. Hindi ko kayang gawin ang ginawa kong katangahan noon.

Lahat babalik, kami lang iyong hindi magkakabalikan.

At hindi ko kaya na parating babalik at babalik iyon dahil hindi ko kayang magalit ng paulit ulit.

Pinilit kong walang i-post sa instagram, sa twitter, facebook, sa mga social media, kahit saan, pinilit kong huwag basahin ang kahit ano, in short, walang internet, just me and my baby.

Hindi din ako nagbigay kahit isang impormasyon kina Charlene dahil alam ko na kapag naibigay ko, wala na, tapos na.

Baka hanapin lang nila ako at hindi ko kaya iyon. Noong una, paulit ulit tumatawag sina Dawn at natakot ako na baka ma track pa nila ang numero ko kaya ipinamigay ko lahat ng gadget ko, nagsimula na ulit ako sa simula.

Even Gerard, wala siyang alam kung nasaan ako, lahat sila, walang alam. Alam ko naman na he's doing good every single day, nangunguna na nga ang kompanya namin kung tutuusin, mas lumalago and I am so proud.

Bakit pa din niya malalaman? 'Di ba?

I don't know where to start but my life really changed when I have my twins. Yup, they are twins. Iyon nga lang, walang prinsipe sa kanila, parehas silang prinsesa ng buhay ko.

They also know me as Alcantara, not Lea. Tinuturuan ko din naman sila ng tagalog na lengguwahe, hindi porket naandito kami ay hindi ko sila tuturuan.

Mahirap maging mag isa, mag isa sa lahat para palakihin ang anak, noong time na manganganak ako, akala ko dead end ko na, buti na lang hindi pa. Sobrang hirap, lalo na kapag may mga gusto ako pero hindi ako mismo ang makakuha, may katulong naman sa bahay pero nakakahiya naman na humingi ako ng hatinggabi, atleast I survived.

They are now 4 years old. Arianne Carriel Salonga, Arnelle Charrie Salonga. Yes, I used Salonga para sa last name nila, not Muhlach or what so ever, Salonga and that's enough.

Nakakatuwa nga, e. Magkamukhang magkamukha sila pero ang pinagkaiba, may dimples si Aranne, mana sa pinagmanahan.

"Mama" Charrie called me while holding her ipad but not for social media, tho. Napakabata pa nila para doon at hindi pa din ako handa para doon.

"Charrie, bakit hindi kayo magkasama ng kapatid mo?" I asked, they are always together, as in. Kapag si Charrie nasa kuwarto niya, si Carriel naandoon din. Kapag naman si Carriel ang nasa kuwarto niya, naandoon din si Charrie.

"Hindi mo po ba naaalala?" sabi ni Charrie bago napanguso, alin ang hindi naaalala?

Lahat naman, okay.

"Happy birthdaaaay!!" biglang sigaw ni Carrriel at kasabay ng pagkuha ni Charrie ng cake, saan sila bumili ng cake?

Or baka nagpatulong sila kay Manang, I remembered Aya Carriel and Andres, well, maybe they grown up already.

Sabay silang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"No! I should be the first one who will kiss Mommy cheeks!" pagsasabi ni Carriel kay Charrie, sa totoo lang, mas madaling turuan si Charrie managalog kaysa kay Carriel.

Mas nauna pa nalaman ni Carriel ang pag i-italian niya bago ang tagalog. Napakagaling na bata.

"No! Nauna kaya ako sa'yo ng mga one minute kaya ako una!" sagot naman ni Charrie at iyong tinginan nila, tingin na mag aaway na naman.

"It's Mommy's birthday kaya ang rule natin ay..." pagputol ko kasi alam kong alam naman nila ang nais kong iparating.

"We will not fight, always. We will love each other." sabay nilang sabi pero agad din umimik si Carriel ng iba.

"Pero Mama, it's Charrie fault naman, she always annoys me." sabi ni Carriel bago pinagkrus ang dalawang kamay sa harap ng dibdib niya.

"Mama, it's not true!" sabat naman ni Charrie kaya huminga ako ng malalim.

"Stop it, you two. Magbihis kayo, pupunta tayo ng park." sabi ko kaya agad silang nagtakbuhan sa sarili nilang kuwarto kasabay ng pagkakita ko kay Manang.

"Madame Alcanatara, Charlene daw." pagsasabi ni Manang, kahit si Manang, maalam managalog, at isa pa, gusto niya talaga na madame ang tawag sa akin, isa din siya sa mga umiidolo sa akin.

But wait, Charlene is calling, paano niya nalaman.

Agad akong lumapit kay Manang bago kumumpas na sabihin na wrong number, hindo ngayon at lalong hindi puwede.

Tumawag pa ulit kaya napagbuga ako ng malalim, ako na ang kumuha, gusto ko marinig ang sasabihin.

"Wala po ba talagang Lea diyan? Birthday niya po kasi ngayon, gusto ko lang batiin ang kapatid ko, may nakapagsabi po kasi na nakita nila si Lea diyan." sabi sa kabilang linya.

Sinong gago ang nagsabi? Hindi ba siya makapagsabi na walang Lea? ALCANTARA nga kasi.

"Mama, let's go!!" sigaw ni Carriel kaya naibabako agad iyong telepono at lumapit sa kanila bago kami lumabas.

Dinala ko din iyong bag namin na palaging dinadala kapag aalis kami.

"Manang, kapag may nagtanong ulit na hindi natin kilala, wala lamang isasagot niyo. Walang Lea." pagsasabi ko bago si Manang tumango at sabay sabay kami umalis ng kambal.

Ako na din ang nagmamaneho, ayoko ng madaming tao sa bahay, ayoko na madaming may alam sa akin.

"Mama, who's Lea?" Charrie ask while I am driving, darn.

Si Charrie talaga ang madaming tanong sa kanilang dalawa. When Carriel finds out na hindi masiyadong interesting iyong topic, wala siyang pakielam.

Charrie likes black while Carriel likes white. Charrie likes fruit, Carriel likes veggies. Charrie likes me, Carriel never admitted na gusto din niya ako, sabi niya palagi, she likes, she loves me but she want a father.

Hindi ko alam, wala naman nabibiling ama, e.

"A, Lea? Lea's dead." I said and smirk.

Afterall, wala naman na talagang Lea.

Her guilty mind for keeping secrets is never been a good decision but for her twins, she will make everything, whatever may happen.

Guilty MindWhere stories live. Discover now