Chapter 11

80 4 0
                                    

Don't forget to vote, follow me for more updates and share this to your wattpader friends who likes a vampire fiction, rom-com, etc. Thank you!

Chapter 11: Lost

Sabrina's P.O.V

Maaga akong nagising ng hindi ko alam. Like, ngayon lang akong nagising ng napaka aga. Hahaha, lakas ng trip ng isip ko.

Habang napapa-hikab ako, pagtingin ko sa may bandang terrace yung glass door ay naka bukas. Akala ko ba lahat na ay naka sarado? Baka nakalimuatan lang nila.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

Flashback

Andito pa rin ako sa kusina, nag aantay kung kailan ba nila balak lumabas.

Inaaakit na ako nitong pagkain. Kukuha na sana ako nang narinig kung bumukas yung pinto.

"Sorry Sab kung pinag hintay ka namin." ani Layt habang papunta nang pwesto ko. Kitang kita ko parin sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Hehehe, okay lang. Ikaw? Okay kana ba?"  Tanong ko.

"Syempre naman. Tara na. Kain na tayo"  Yun lang at umupo na sya.

Tumungin pa ako kila Cail at Kim kung ano ba talaga ang nangyari ngunit umiwas lang sila ng tingin sa akin.

Lahat na kami ay naka upo at nag simula nang kumain. Pansin ko pa rin ang matamlay na pakikitungo sa amin.

Back to Reality


Dahan dahan akong umalis sa higaan ko para mag hilamos at mag sepilyo. Napag isipan ko kasing mag jogging.

Nakapag palit na ako ng damit at pag dako ko sa orasan ay alas- singko palang pala ng umaga. Gosh, this is it.

Bago pa ako lumabas ng cabin naman ay uminom na muna ako ng tubing at nagdala narin.

Lumabas na nga ako para makapag simula na. Habang lumalakad ay napag isipan kong mag sound trip, para naman hindi ako ma-boring. Kaunti pa naman ang mga tao dito sa labas ng Tenement, baka tulog pa yung ibang tao. Hindi na muna ako sumakay ng elevator, nag hagdan nalang ako. Exercise narin yun.

Nasa main floor na ako ng building. May mga bumabati naman sa akin, tulad ng mga janitor at staff nitong Tenement.

Kitang kita ko na ang ganda ng langit. Parang nag lalaban ang gabi at umaga. Nalalanghap ko na rin ang malamig na simoy ng hangin na sobrang ginhawa sa pakiramdam.

Nagsimula na akong tumakbo hangang saan ako dalhin ng aking mga paa.

Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon na para bang musika sa aking tinga. Malayo layo narin ako sa Tenement. May nakita akong park na aking gustong puntahan.

Patakbo akong pumasok sa loob at namangha ako sa ganda nito. Umupo na muna ako sa isang wooden chair na nasa gilid. Napagod rin ako sa kakatakbo.

Kinuha ko naman sa maliit kong bag yung tubig ko para uminom.

I sighed. "Hay, nakakapagod malayo layo narin ang nilakbay ko." Wika ko at sinapat ang aking wristwatch ko kong anong oras na.

6:25 a.m. narin pala. Grabe, ang aga pa pero baka mag aalala sina Cail. Hindi ko pa naman sila nasabihan na mag-jogging ako. Kaya ang ginawa ko ay I-text si Cail na nag jogging ako.

Kukunin ko na sana yung phone ko nang may narinig akong mga yabag ng paa sa likod ko.

Pag lingon ko naman ay dalawang malaking lalaki ang papalapit sa akin. Gosh, may maskara festival ba ngayon, naka full mask kasi sila.

"Hello, Miss beautiful." Sabi nung isang lalaki at may inilabas na kutsilyo. Nanginginig naman akong tumayo dala narin ng takot ko.

"A-anong ka-kailangan nyo sa a-akin?" Kinakabahan kong tugon.

"Hahaha, wala naman miss beautiful. Hahaha." Mala demonyo nilang tawa na mas lalo ko pang ikinatakot.

Kaya hindi na ako naga atubili pa at mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo. Wala na akong pwedeng mahingan pa ng tulong. Parang nawala yung mga taong nakita ko kanina.

"Hoy! Bumalik ka!" Sigaw nila sa akin, ngunit hindi ako nagpatinag. Mas binilisan ko pa ang pag takbo ko hanggang sa maka pasok ako ng kagubatan.

"Kuya! Tulong!"  Pagsisigaw ko kahit na alam ko naman na wala sa akin makakarinig. Kailangan ko parin humingi ng tulong baka may tao paring nandito.

Takbo parin ako ng takbo hanggang sa bigla nalang akong matumba. "Ouch, Shit!" Kinapa ko naman ang aking tuhod, napaka sakit. Sinubukan kong tumayo ngunit nabigo ako. Ano na ngayon ang gagawin ko!

"Sabi na kasing huwag kanang tumakbo, ayan tuloy. Hahaha masasarapan kami ngayon sayo." ano na ang gagawin ko? Patuloy parin silang tumatawa. Parang nangyari na ito? Hindi ko lang masabi.

"Please! Kunin nyo nalang lahat ng gamit ko. Huwag nyo lang akong sasaktan, huhuhu help!" Umiyak na talaga ako. Naghahalo na ang nararamdaman ko.

Bigla nalang nilang inalis ang kanilang mga maskara na nakaharang sa kanilang pangit na mga mukha. Yuck!

"Huwag ka nang mag sisigaw pa Miss, ang ganda naman nyang bracelet mo Miss Beautiful. Wala kana ngayong takas!" Palapit na sila sa akin. Ito na siguro ang katapusan ko.

Isang hakbang nalang ang pagitan namin nang bigla nalang may boses na nagsalita mula sa taas ng puno.

Gosh, baka kapre pa yung magliligtas sa akin dito.

Strange Love (Vampire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon