Chapter 14

60 6 0
                                    

Chapter 14: Just Fine

Sabrina's P.O.V.

"

Would you mind? You're noisy as hell!"  Sabi ng isang lalaki na bumaba mula sa puno. Hindi ko naman masyadong makita ang kanyang mukha dahil naka suot ito ng facemask.

Paglingon nya sa akin ay ang aming mga mata naman ay nagtagpo. Habang ito ay pinagmamasdan ko ay unti-unti itong nag iiba ng kulay... Pula. Hindi kaya sya yung lalaking nakasabayan ko dati sa Jeep? Like how? Where in Manila na.

"Aba't, sino ka naman? May pa English-English ka pang nalalaman ha?" Sabi ng dalawang hayop na 'to sa kanya. Mga wala silang awa!

"Tsk, tsk, tsk. You know what, no one wants to mess with me. And you wasted my day." Sabi naman ni 'to habang papalapit sa amin.

"Please! Tulungan mo ako!"
Pagmama-ka-awa ko. Sya nalang ang huling pag asa ko.


Bigla namang lumingon sa akin yung isang lalaki at huli na nung napag-tanto ko na ako ay kanyang sinuntok na ikina-wala ng malay ko.

———

Pag mulat ko ng aking mga mata ay isang nakapa puting kisame ang aking nakita. Nasaan na ako? Hindi kaya nasa langit na ako?

Hindi! Suntok lang naman yung ikina-himatay ko kaya impossible.

May naririnig naman akong nag uusap usap. Parang... Parang si Kim. Lumingon naman ako kung saan ko 'to naririnig. Sila Kim lang pala at saka doktor?

So ibig sabihin ay nasa hospital ako. Pero paano ako napunta dito?

"Sab! Sa wakas at gising ka na." sigaw ni Kim habang tumatakbo papunta ng pwesto ko.

"Hehehe oo nga." Mahinang sabi ko. Masakit parin ang mukha ko lalo na sa may bandang pisngi. Kinapa ko naman ito na mas lalo pang nag-pasakit

"Masakit paba yang pisngi mo?" Kim asked. Tumingin naman ako sa kanya. Kitang kita ko ang pag aalala nya sa akin. Nahalata ko kasi sa mga mata nya.

"Oo, pag hinahawakan lang. Pero paano ako napunta dito?" Tanong ko naman.

Napakunot naman ito ng kanyang noo saka umiwas na muna ng tingin sa akin. "Base sa sinabi sa amin nung doctor mo kanina, dalawang lalaki daw na naka-suot ng facemask. Nawala nalang daw nga ng bigla."

So, yung lalaking naka facemask ang nag ligtas sa akin. But, dalawa? Isa lang naman yun.

"Mabuti nalang Sab at may nag ligtas sayo."

I should be grateful to those men who save my life. Pero, hindi man lang ako nakapag pasalamat. Sana ay magkita ulit kami.

"Sab? Earth to Sab?!" Hindi ko napansing sumisigaw na pala 'tong si Cail?

Wala naman ito kanina ha? Baka sa lalim na ng inisip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na silang lahat.

"Sorry, I was thinking about those guys." Sabi ko at malungkot na nakatingin sa kanila.

"Sino? Yung lumigtas sayo?" Tanong ni Layt at napa-tango naman ako.

"Sabi kasi nung doctor bigla nalang silang nawala." Dagdag nya pa.

"Sayang nga. Hindi manlang ako nakapag pasalamat. Niligtas nya ang buhay k-ko." at bigla nalang akong naiyak. Sobra akong natakot nung bigla nalang ako hinabol ng dalawang lalaki.

Lumapit naman silang lahat sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Huwag ka nang mag alala. Ipapakulong namin yung mga hayop na yun. Basta ipangako mo na sama sama tayong aalis ng tenement, okay?" Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi ni Cail. Silang lahat kasi yung palaging nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag iisa.

"Opo." tanging tugon ko at humiwalay na sa kanilang mga yakap.

"Girls, diba sabi nung doctor kanina pwede ka na si Sabrina umuwi? Diba?" Bigla namang sabi ni Kim.

"Oo, mamayang hapon pa siguro ma-di-discharge si Sabrina." Sagot naman ni Cail.

I sighed. "Thank God! Gustong gusto ko nang umuwi." Sabi ko sa kanila. Ayaw ko naman pati sa mga hospital. Sino naman ang gustong bumalik balik sa hospital? Well, mostly yung mga nag ta-trabaho.

"Magpahinga ka na muna dyan Sab. Bibili na muna ako sa labas ng makakain natin." Sabi ni Cail at magkasama namang silang umalis ni Layt.

Napansin kong nakatingin parin sa akin si Kim. "Hoy! Okay ka lang?" Tawag ko sa kanya.

Pagka sabi ko nun ay uniti unting pumatak ang kanyang mga luha at bigla nalang akong niyakap. Why so soft-hearted KimLie?

"Bakit kasi bigla ka nalang umaalis ng walang pasabi. Pa-paano pala kong wala yung nag-ligtas sa-sa'yo... Ta-tapos—"

Hinagod hagod ko naman ang kanyang likod. "Huwag ka nang umiyak dyan. Buhay pa ako oh, hindi pa naman ako patay. Sorry." ramdam na ramdam ko ang saya sa pagyakap nya sa akin. Kapatid na ang turing ko sa kanya, pati narin sila Layt.

Humiwalay na sya sa akin at pinunasan nya na ang kanyang mga mata. "Salamat Kim. Palagi kayong nandyan sa tabi ko." 

"Tayo paba. Sisters na tayo for life." Napangiti naman ako.

Pero paano nalang kung malaman ito ni Kuya? About dun sa nangyari kanina...Hindi ko nalang ipapa-alam kay Kuya. Baka lumipad pa yun papunta dito.

Humiga na muna sa aking kama.
"Relaxed Sabrina, relaxed." pagpapagaan ko sa sarili ko.

Napahawak naman ako sa isa kong braso nang mapansin kong wala yung bracelet na binigay sa akin ni Kuya Sevi.

"Bakit Sab? May problema ba?" Tanong sa akin ni Kim, bigla rin itong lumapit sa akin.

"Yung bracelet kasi na binigay sa akin ni Kuya, nawawala. May napansin kaba o kayo kanina?"

"Uhmm, Wala naman. Gusto mo bang tanungin ko yung mga nurse kung may nakita silang bracelet?"

Tumingin naman ako sa kanya. "Huwag nalang." Kahit na mapapagalitan ako ni Kuya, siguro naman nasa kwarto lang. Pero sa pagkaka-aalala ko dala ko yun.

"Sigurado kaba?" Takang tanong nya pa.

I responded. "Yeah, baka nasa tenement."

"Okay, sabihin mo lang kung gusto mong i-patanong." Then she go back to her seat.

Sana naman hindi nahulog sa park. Ayaw ko na doon bumalik. I got traumatized because of what happened.

Strange Love (Vampire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon