Chapter 13

69 4 0
                                    

Don't forget to vote, follow me for more updates and share this to your wattpader friends who likes a vampire fiction, rom-com, etc. Thank you!

Chapter 13: Hospital

Cail's P.O.V.

Bigla nalang akong na alimpunatan dahil simoy ng hangin. Pagmulat ng aking mga mata. Laking gulat ko na nakabukas pala ang pinto sa terrace.

"Hayst, akala ko ba nasarado ko na ito kagabi?" Padabog akong umalis ng higaan ko para isarado ito.

Pabalik na ako ng higaan ko nang mapansin kong wala si Sabrina sa higaan nya.

Nung nalaman kong wala nga talaga sya bigla nalang akong nabuhayan. Una ko munang pinutahan ay ang Comfort room.

"Sab?" Sabi ko at tumingin sa paligid. Wala sya dito.

Lumabas na ako ng room namin ng mapansin kong may isang basong nakalabas.

"May tubig pa. Anong oras na ba?" Tanong ko sa aking sarali. Hindi naman talaga maagang gumigising si Sab, kaya nakapag-tataka na wala sya dito?

Dumako ako sa wall clock na naka sabit at 6:50 palang ng umaga.

"Ang aga pa. Sab!? Sabrina?!" Halos mapaos na ako sa kakasigaw.

Lalabas na sana ako nang room 115 nang narinig kung bumukas ang pinto sa kwarto.

"Ano ba Cail ka-aga-aga ang ingay mo?" Takang tanong ni Layt habang kinukusot ang kanyang Mata.

"Si Sab! Nawawala!" Pagka-sabi ko nun ay bigla rin syang nabuhayan.

"Ano!? Paano naman mangyayari yun. Diba minsan o hindi naman sya gumigising ng maaga?" Tanong nya habang papalapit sa akin.

"Oo nga, wait tawagan natin sya. Siguro naman dala nya ang phone nya." Di-nial ko na muna ang number nya at nag simula na rin itong mag ring.

Mga ilang segundo pa ay sinagot nya narin ang tawag.

"Hello?! Sab!? Asan ka?" Mahinahon ngunit pagalit ko paring Sabi.

"Hello, po ma'am. This is not Sab, this is her doctor. Nandito sya ngayon sa Western Hospital, stable naman po ang lagay nya." Sabi nang doctor na mas lalo pa naming ikina-abala.

"Okay po doc papunta na po kami. Salamat po." Pagtingin ko kaya Layt ay nag iba naman ang mood nya.

"Tara na Layt, gisingin mo na si Kim. Bilis!" Sabi ko na ikina-taranta nya.

"O-okay." Tumakbo naman sya papuntang kwarto.

Kinuha ko na ang mga kailan kong dalhin.

Gising narin si Kim ngunit to ay naka-pikit pa rin. "Bakit ang bibilis nyong kumilos?" Tanong nito.

"Wala na tayong oras. Kim mag mouth wash ka nalang doon at magpalit ng damit. Pupunta tayong hospital." 

"Bakit!? Sino ang nasa hospital?" Kinakabahan nyang tanong.

"Si Sab, kaya bilis na. Hihiramin ko nalang yung kotse nila Tita Cassandra. Bumaba nalang kayong dalawa kung tapos na kayo." Nakapag palit narin ako ng damit. Dali dali na akong lumabas ng room 115 at bumaba ng hagdanan.

Tumakbo ako ng mabilis pababa. Sakto namang nandoon na sila Tita Cassandra.

"Oh Cail, Bakit hingal na hingal ka dyan? May nangyari ba?" Tanong sa akin ni Tita Cassandra.

Strange Love (Vampire Series #1)Where stories live. Discover now