Chapter 21

74 5 0
                                    

Don't forget to vote, follow me for more updates and share this to your wattpader friends who likes a vampire fiction, rom-com, etc. Thank you!

Chapter 21: Queen Bee

Sabrina's P.O.V.

May mga natitira pang mga fans nya dito sa loob ng room kasama na rin si Bee. I mean, Queen Bee.

"You bitch! Why did you do that to my king!" She shouted thus she instantly grabs my hair. Nakaka sakit kanang bubuyog ka!

"Your King? Did he even mention that you're his queen?" Madiin kong sagot at kinuha ko naman yung kamay nya mula sa buhok ko at pinulupot ito. Akala nya siguro hindi ako marunong mag self-defence well may magaling akong tutor.

"Ouchhh, m-my a-arm!" Halos naiiyak na nyang sabi. Tss.

Binitawan ko nalang yung kamay nya at sabay na kaming umalis ni Kim.

"Galing ng best friend ko! Cail lang ang galawan!" Papuri nya sa akin. Speaking of Cail. Miss ko na silang dalawa.

"Akala nya kasi kung sino sya. Reyna lang naman sya ng mga bubuyog." Tawang tawa talaga ako sa expression ng mukha nya kanina.

Pinuntahan na muna namin sila Cail at Layt sa kabilang building.

"Ang dami paring tao Sab." Sabi sa akin ni Kim. Hindi naman talaga yung sobrang dami. Sadyang first day of school ngayon.

Tinanguan ko nalang sya habang paakyat palang kami ng hagdan. Second-floor nga pala ang room ni Cail.

"Girls! Dali!" A girl spoken.

"Bakit ba ang bibilis nyong mag lakad?" Tanong naman nung isa.

"Wala lang. Kikitain ko na kasi yung boyfriend ko. Nasa baba na sya!" Ayun... mag bre-break lang naman kayo. Hahahaha! *evil laugh.

"Ito na 'yun." Sabi ko at sumilip sa may bintana.

"Wala dito si Cail," Kim said. Saan naman 'yun pupunta. Huwag mong sabihin na nakipag away na agad sya?!

Si Cail kasi yung tipo ng babae na hindi mo gustong kaawayin. Bad girl kung umasta pero sa mga masasama lang daw sa kanya sya ganun. Mabait naman yan si Cail. Maalaga sa maalaga. Mabait sa mabait.

"Ohh, wait. Si Layt ba yun?" Tanong sa akin ni Kim na habang may tinuturo.

Si Layt nga!

"Layt!" Tawag namin sa kanya.

Lumapit naman sya sa amin na hingal na hingal pa. Anong nangyari?

"Bakit hingal na hingal ka dyan Layt? Is there something wrong?" I asked.

Napa hawak na muna sya sa kanyang dibdib. "S-si Cail. Nasa clinic!"

Bigla akong kinabahan. "What?! Anong nangyari?!"

"Hindi ko pa alam. Tara sa clinic." Sabay sabay naman kaming tumakbo papuntang clinic. Ano nanaman ba ang nangyayari?

Malapit na kaming makarating. Bakit na ang dami paring tao?

Pumasok nalang kami sa loob at hinanap sya. "Ano ang pakay nyo?" Isang boses ang humuli ng aming atensyon.

Pagtingin ko naman sa harapan ay isang nurse lang pala. Bakit kasi ang arte ng boses nya?

"Saan po dito si Ares Cail Crúz?" Tanong ni Layt. Sana naman okay lang sya...

Ang malas naman ng pagpunta namin dito sa Manila. First, muntikan na akong... Yung alam nyo na, I don't want to talk about it anymore. Second ito namang nangyari kay Cail. Sana matapos na itong kamalasan na nangyayari sa amin.

Strange Love (Vampire Series #1)Where stories live. Discover now