Chapter 17

57 5 0
                                    

Don't forget to vote, follow me for more updates and share this to your wattpader friends who likes a vampire fiction, rom-com, etc. Thank you!

Chapter 17: Is He That?

Sabrina's P.O.V.

Narito pa rin kami sa kotse ni Luke. Malapit na daw sabi kami sabi nya ngunit parang late na kami. Kanina pa kasi kami ditong pasikot sikot. Nakakabwisit kana Luke! Joke lang.

"Alam mo Boy, nag hihinala na akong nililigaw mo talaga kami. Tingnan mo oh! Anong oras na. Baka wala na kaming maabutan doon." pagsisigaw ni Cail. Tumango tango naman ako.

Speaking of time... 8:35 A.M. na. Biruin nyo yun, 7:00 kami umalis tapos anong oras na kami makakarating. Baka nasira lang yung GPS nya kaya ito, naliligaw kami.

"Okay! Okay, wait magtatanong na talaga ako." Sabi naman ni Luke habang ipinaparada ang kanyang sasakyan.

"Excuse me lang po, saan po dito yung Manila International School po?" Tanong nya sa isang lalaking parang 30's na.

"Ahhh yung malaking paaralan ba iho? Malayo na yun dito. Nalagpasan nyo na yun." Sagot naman ng lalaki na napakunot ng noo ko. Nalagpasan? Eh puros mga buildings lang naman ang nadadaan namin kami.

"Ha? Talaga po. Uhmm sige po. Maraming salamat po." Sabi ni Luke at ipinaandar ulit ang makina.

"Oh? Nalagpasan na daw natin. Bilis! Bumalik na tayo!" Sigaw ni Cail. Parang dragon na ito sa galit. Hindi ba sya naaawa kay Luke? Pero sa totoo lang, late na talaga kami. 8:00 A.M. mag sisimula ang enrollment. 40 minutes na kaming late.

Huminto naman itong sinasakyan namin kotse at dahil dun ay nauntog tuloy ako.

"Aray! Grabe ka Lucas ha. Ang sakit." I proclaim. Hinihimas himas ko naman ang noo ko. Masakit nga.

"Sorry, sorry. Parang ito na kasi yung school. Labas nga tayo."

Isa isa naman kaming lumabas ng kotse at wow. It's so big. As in BIG!

"Montefalcon International School." basa ko sa taas ng gate

"Ito na yun guys! Tara na." Sabi ko.

"So, paano ba yan Luke. Dito nalang kami. 50 minutes late na kami. Salamat parin sa pag hatid." Ani Cail habang tinatapik tapik pa ang shoulder ni Luke.

"Sige, pero malay ko bang eskwelahan pala itong nagtatayuang buildings. Good luck nalang."

Nagpasalamat nalang kaming lahat sa kanya. Papasok na sana kami nang biglang mag salita ulit sya.

"Wait! Gusto nyo bang sunduin ko ulit kayo?" Tanong nya. Sasangayon na sana ako.

"Hindi na. Marami kana din na naitulong sa amin. Salamat nalang Boy! Ingat sa pagmamaneho." Sabi ni Cail at sinabihan na kaming pumasok.

"Okay. Good luck ulit." At dun nya na ulit pina andar ang kanyang kotse.

Papasok palang sana kami nang harangin agad kami nang dalawang gwardya.

Psh! Like hell! Hindi naman kami mukhang mag nanakaw para harangin.

"Ano pong pakay nyo?" Mahinahon na tanong ni Manong Guard. Mabait naman siguro.

"Mag papa-enroll lang po sana kami. For senior-high school po." Cail said.

"Ah, sorry po. Mahigpit po kasi kami dito. Sige po. Tuloy." Tumabi naman yung dalawang guard.

Nakapasok na rin kami sa loob ngunit, saan kami mag sisimula.

"Hoy! Cail! Saan naman tayo mag sisimula? Ang laki nitong eskwelahan na ito kung eskwelahan ba talaga ito." Sabi ko. Totoo naman talagang malaki itong paaralan.

Strange Love (Vampire Series #1)Where stories live. Discover now