Chapter 1

3.7K 172 29
                                    


Chapter 1


"Aria!!" sigaw niya galing sa labas at bigla na lang pumasok sa kwarto ko. She didn't even knock. What should I expect, she doesn't know the basics of privacy.

Tiningnan ko lang siya at nagfocus ulit sa binabasa ko. Alam ko naman ang sasabihin niyan. Aalis kasi kami, magcacamping. Kaming tatlong magkakakaibigan lang. Ang alam niya ay hindi pa ako nag eempake but the truth is, may gamit na ako na naka empake sa bag. Well, sila lang naman talaga ang nagplano nito. Hindi kasi ako mahilig lumabas. I don't like going out to places where people are hanging out. Maingay kasi. Mas gusto ko pa dito sa loob ng bahay at magbasa buong araw. I feel tired when I go out, sabi nila, tamad lang daw talaga ako.

What can I do? Napapagod talaga ako kapag lumalabas.

"'Di ba sabi ko sayo kahapon na mag empake kana?! In any minute aalis na tayo!" Exaggerated na sabi niya. Wow, ha. Kung makasigaw parang ang importante ng pupuntahan namin. Naglakad lakad ito paikot. Mahihilo ata ako kakapanuod sa kaniya.

Tumigil ito sa kakaikot nang may bumusina sa labas ng bahay.

"Oh my! Nandyan na si Tin!" sigaw nya ulit. Siya si Ella, One of my best friends.

Mikaella Morris, 18 years old. Ella for short. Best friend ko siya since grade school pa ako pero umalis sila ng pamilya niya dahil sa business nila at doon na siya nag high school sa Paris. Bumalik siya ng mag-college na sya. Half Filipino and half British. Siya ang girly, maingay at makulit ko na best friend, mahilig siya sa mga sweets at favorite niya si happy (sa fairy tail: anime). She tends to be so exaggerated on things that are, well, should I say, useless and nonsense?

"Hi Guys! Ready na ba kayo?" tanong ni Tin, ang isa ko pang kaibigan.

Christine Jem Hudson, 19 years old. Nakilala namin siya ni Ella, nang masangkot kami sa gulo ng first day of school namin, sa university na aming pinapasukan. Half Filipino at half Spanish. Siya naman ang mama/papa sa amin na mag best friend. She's very protective when it comes to us. Seryoso at mahilig sa mga maanghang at ayaw nya ang mga girly stuff. May pag ka tomboy kasi siya pero hindi naman siya nagkakagusto sa babae. People usually call it 'boyish'. But their are times where her girl self comes out.

"Tin, hindi siya nag empake kahapon!" sumbong ni Ella sa 'kin kay Tin. I want to roll my eyes. She is really annoying. Whatever.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at lumabas na sa bahay. Sumunod din naman sila sa akin. Nauna akong maglakad patungo sa sasakyan ni Tin. I sat on the backseat.

"'Yan lang ang gamit mo?" tanong ni Tin sa akin.

Tumango lang ako at isinout ang headphone ko at nag wattpad sa phone ko. Ayaw kong magsalita kasi sasabihin na naman nila na ang cold ng boses ko. Not that it's really cold, they said that it sounds like a dead person's voice. Walang buhay. Tumingin ako kay Tin ng narinig ko siyang kumanta ng eyes nose lips ni Taeyang.

"Mianhae mianhae hajima

Nega chorahe jijana
palgan yepun ipsulo
oso narul jugigo ga
Nanun gwen chana
Maji maguro narul bara bajwo
Amurochi an nandut usojwo
Niga bogo shi pute
Giokal su itge
Naye morisoge ni ogul guril su ige~"

Every kanta niya sa isang stanza ay feel na feel niya talaga. May papikit effect pa siya. Pumipiyok pa talaga siya. Baka mamaya mabangga pa kami neto. Unti unti ay napapatulala ako habang nakikinig sa kaniya na kumakanta.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now