Chapter 28

651 53 5
                                    


Chapter 28

"Magandang araw po. Saan po ba pwedeng matagpuan ang pinuno ng bayang ito?" Aeron asked politely at the lady selling fruits. Nasa bayan na sila ng Kaji. Kanina ng marinig nila ang pag-amin ng dalawa, they couldn't believe it. Bakit ngayon lang ito nagpakita? At bakit sila nagpakita?

"Yes," sabay na sabi nila. Nagulat naman ang mga ito sa narinig. Kahit si Aidan ay nagulat.

"Totoo ba 'yan?" hindi pa ring makapaniwalang tanong ni Ella. Tumango naman ang dalawa.

"So, hindi na natin kailangan ipagpatuloy ang misyon?" tanong ni Tin sa mga kasama.

"No," nagtatakang tinignan nila si Grethel na nagsalita. "You need to continue your mission."

"Ha? Eh hindi ba kayo ang demon slayers? Edi—"

"No we're not—" pagputol ni Grethel sa sasabihin ni Ivy na pinutol naman ni Victoria.

"Ha?! Ano ba talaga?" naiiritang tanong ni Victoria.

"Woah, woah. Chill, Lady. Patapusin mo si Grethel sa sasabihin niya." ngunit ng makitang wala ng balak magsalita ang kambal, siya na lamang ang nagtuloy. "Yes, we are demon slayers, but no, we're not the demon slayer whom you are looking for."

"Paanong hindi kayo eh wala ng ibang demon slayer sa mundo!"

"There is."

"Wait. Wait. Too much information. So you mean, marami pa kayong demon slayer?" Victoria asked while holding her head. Naguguluhan na talaga siya.

"No, kunti lang. After the Krylenes curse to them was made, may mga nakaligtas. At kasali na roon ang Ina namin na isang demon slayer. Years after when she had us, a prophecy was made. 'Hold the hands of the one, and lift to the sun. By the guidance of the pair, the one won't be in despair'. Our mom knew that we are the pair. One of us can't be the one. We're half-blood. Hindi purong demon slayer ang dugo namin. That's why we had our training when we were young. For us to teach our knowledge to the one."

"Half-blood?"

"Our mom is a demon slayer. While our dad is an elemental user."

"That's why you need to continue your mission. Dahil kung kami lang, we can't kill the strongest demons. Tanging ang may purong dugo ng demon slayer lang." ani Leo.

"May alam ba kayo kung ano ang demon slayer na kailangan natin? You know? Babae? Lalaki?"

"No. But my mom said the one has an X mark on her skin."

"Bakit? Sino ba kayo?" nakataas ang kilay nito. Halatang maiinitin ang ulo. Nakapangko ang buhok nito at pinapaypayan ang mga tindang prutas.

"Kailangan lang po naming makausap," pilit ang ngiti na nasa mukha ni Victoria. Gusto na niyang makausap ang pinuno para may progreso na sa misyon nila.

"Busy ang pinuno ngayon," anito at tumalikod. Kunwari may inaasikaso.

"Magkano po itong prutas ninyo?" napatingin silang lahat kay Aria na siyang nagsalita. Kaagad naman na lumingon ang ale.

"Mura lang ang mga ito! Matatamis pa. Ano ba ang iyo?" nakangiting tanong nito. Nagulat naman ang iba sa bilis na pagbago ng mood nito. May mood swings pala si Manang.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now