Chapter 6

1.7K 140 13
                                    


Chapter 6


Babe calling...

Sinagot ko kaagad ito, "Hello, babe! Napatawag ka?" masaya kong sabi ko sa kanya. I missed him!

"Magkita tayo," cold niyang sabi sa akin.

"Bakit? Anong pag-uusapan natin?"

"Basta pumunta ka na lang," parang nagtitimpi niyang sabi. Sinabi niya kung saan kami magkikita.

"Okay, pupunta na ako diyan," I changed my clothes and combed my hair. I need to be presentable in front of my boyfriend!

"Hi babe!" ani ko sabay kiss sa cheeks niya. He didn't move nor greeted me back. Hala, may problema ba 'to? Kinikiss naman niya ako pabalik dati, ah!

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya. He was staring at me.

"Alam kong maganda ako pero no need to stare at me," biro ko sa kaniya. I chuckled on what I said. Pero parang wala lang ito sa kaniya. He was still giving me a cold gaze.

"Let's end this."

"Ha? Anong sabi mo?" Parang nabingi ako bigla. Baka mali lang 'yong narinig ko. Baka kulang lang ako sa cotton buds.

"Let's break up," my chest tightened and it feels like something was pierced on it. Nagjo-joke lang naman ata siya, 'di ba? He can't be serious.

"Is this a j-joke? Baka naman may hi-hidden cam... camera dito..." Sana nga may hidden camera dito. "B-bakit? May n-nagawa ba a-akong mali? Am I not enough? Tell me," I ask as my tears started to fall. I can't help it! Naiiyak na talaga ako!

Kung kanina ay cold na cold ang mukha niya, ngayon naman ay parang lumambot. Tumayo siya bigla at hinila ako paalis ng coffee shop. Napunta kami sa may eskinita. Ewan ko lang kung bakit kami napadpad dito. He cupped my face and kissed me.

Omo! First kiss ko 'to!

Hindi ako marunong humalik!

Ang landi ah, parang hindi nagdrama kani-kanina lang.

"I'm sorry for making you cry. It's just that, kailangan ko lang talagang umalis," he said while his eyes are staring at mine intently. Hinagod niya ang pisngi ko.

"'Di ba pwede ka namang umalis ng 'di nakikipag break sakin?" I asked trying not to sob. "M-meron namang phone, skype, messenger, whatsapp, and many more. "Bakit kailangan pang makipaghiwalay sakin?" tanong ko sa kanya.

"You won't understand even if I tell you," sabi niya na parang nahihirapan.

"Edi ipaintindi mo sa akin," sabi ko sa kanya, almost pleading. I don't want to lose him. He may not be the best boyfriend but I love him. For me, he's the one, my soulmate, my Mr. Right. Kaya kung ano man ang sasabihin niya ngayon, I'll try to understand it.

He sighed and frustration is evident in his face.

Ganon ba kahirap sabihin sa akin ang dahilan niya? Bakit parang hirap na hirap siyang sabihin sa akin ang kung anumang dahilan niya? Will he die because of it? Will he vanish because of telling me? Will he be punished?

"I... I am.." he sighed, "not a n-normal person..." nagpipigil hininga niyang sabi. Na para bang biglang may sasabog kung sasabihin niya iyon sa akin—

What was that? Para akong naglo-loading. And when I was done processing it, I laughed so hard.

"Y-you can't be se-serious," I laughed again, "s-sorry for laughing..." I am having a hard time talking. Nakakatawa lang kasi ang reason niya. That's all? 'Yon ang kinakatakot niya? What the heck.

Sapphire Academy: the lost demon slayerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora