Chapter 19

794 72 0
                                    


Chapter 19


Tin's POV

Kakapasok pa lang namin sa silid-aralan. Maaga akong nakarating dito ngunit napatagal akong pumasok dahil nagkwentuhan pa kaming tatlo sa labas.

I don't know why both of them are not around earlier in the dorm. Nagluto pa naman ako ng marami tapos wala pa sila. Blaise left even before the food was cooked. Nagmamadali daw kasi ito. As much as she wanted to eat, may pupuntahan pa daw ito. Hinayaan ko na lamang dahil mukhang importante talaga ang pupuntahan nito.

Habang nagsasalita at nagtuturo ang mga propesor sa harap, nasa ibang bagay naman ang isipan ko, o mas mabuti na sabihing, ibang tao ang kanina pa tumatakbo sa isip ko.

Karl Arkain...

Hindi ko namalayan na natapos na pala ang unang klase. Argh, bakit ayaw mong tantanan utak ko, Karl? Hindi ka ba napapagod? Napapagod kakatakbo sa ulo ko?

Nababaliw na ata ako!

"Hoy, Tin. Ba't nakatulala ka kanina?" Tanong ni Ella sa akin. Napatingin ako sa gawi niya. Nakatingin rin sa akin si Ria, naghihintay ng sagot. Napansin pala nila. Am I that obvious?

Ano isasagot ko? Alangan naman, "Wala naman. Iniisip ko lang si Karl. Kung kumain na ba siya at kung okay lang ba siya."

Magtataka sila kung 'yan ang sasabihin ko. Besides, they don't know who Karl is. And they don't know that I've been outside.

Well, I'm not sure if it's outside. Napadpad ako doon without knowing the way.

"Wala, iniisip ko lang 'yong training." Napatango naman si Ella.

"Oo nga pala! May training tayo mamayang hapon 'di ba? Kapagod pa naman magtraining! Huhu." Tumango ng kunti si Ria bilang pag-sang-ayon. Kung sabagay, tama naman talaga si Ella. Sobrang nakakapagod 'yong training, Plus! Masakit pa sa katawan. Basic nga lang daw 'yong tinuturo nila. Paano na lang kaya 'yong totoo na labanan na talaga?

"Nakakapagod talaga pero kailangan nating magtraining," Sumang-ayon ulit si Aria sa sinabi ko. Nasa isang mundo kami kung saan kinakailangan na may kakayahan kang makipaglaban. Kung hindi, maaga kang mawawala. Wala kang kasiguraduhan na may magliligtas sa'yo sa oras ng kapahamakan. Hindi sa lahat ng oras, may magliligtas sa'yo.

"We need to train in order to protect ourselves," Sumang-ayon kami ni Ella sa sinabi ni Aria. Kaya dapat magseryoso kami sa pagti-train. Kahit mahirap, kakayanin.

"Yey! Lunchtime na!"

"Lower down your voice. Tinitingnan tayo ng ibang studyante!" Nag peace sign lamang si Ella.

"I'm hungry na! We should hurry up."

"Bakit ka ba nagmamadali? We have time to eat and wala namang pasok after lunch time," I said to her. Walang pasok kasi mag eensayo ulit kami. Sa ngayon raw, every morning will be classroom classes and every afternoon will be combat classes or magic classes. Hindi naman kami pwede sa magic class kasi wala kaming mga mahika kaya sa combat talaga kami mapupunta. And it's quite good that the rest of our group doesn't ask why we can't go to the magic class. Nakita rin siguro nila na hindi pa talaga namin alam kung paano gumamit ng mga armas.

"Gutom na nga ako!" Hindi ko na lamang pinansin ang kaartehan nito. Pagdating namin sa dorm, kaagad kaming kumain at nagpahinga. Nagkwentuhan kami bago nag kaniya kaniya. Magpapahinga raw muna sila bago pumasok. They knew that it will be tiring and sore to the body.

Naglalakad ako papunta sa likod. Inaalala kung saan ang daan patungo sa lugar kung nasaan ako napadpad nong mga panahong nakita ko si Karl. Nakakamiss 'yong ganda ng paligid doon! Kumusta na kaya 'yon?

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now