Part 2

1.1K 48 2
                                    

NAPANGIWI si Ruth nang masalubong ang nandidilat na mga mata ni Joyce nang makita ito sa hallway na papunta sa dressing room. Late siya ng twenty minutes kaya nagsa-halimaw na naman ang kaibigan niya. Ang bente minutong iyon na dapat ay nagamit niya sa makeup at dress-fitting ay ipinaghabol lang niya sa isang baklang brunette na hindi naman pala si Romeo.

Nakakahiya. Napagbintangan pa siyang lesbiyana ng impaktang beki.

"Nagtae ka na naman ba?" bulyaw ni Joyce.

Magkaibigan sila pero kapag trabaho, trabaho. Bilang manager ni Ruth ay may karapatan itong kagalitan siya kapag nagiging unprofessional siya.

"Hindi naman. Pero... may nakita kasi akong kamukha ni Romeo..."

"'Yong first love mong beki?"

Tumango siya. "Akala ko, siya. Hinabol-habol ko pa."

Umikot ang mga mata ni Joyce. Halatang imbyerna. "Hoy, Ruth Natalie Morales, 'wag mong sabihing hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa baklitang 'yon?"

"Hindi naman sa gano'n, mars. Kaya lang, siyempre, hindi mo maiaalis sa akin na ma-curious kung nasaan na 'yong bruhang 'yon, ano nang hitsura niya, kung nagpaputol na siya at may boobs na o married na sa kapwa niya. Gano'n."

"Inuna mo talaga 'yong curiosity mo kaysa sa kabuhayan. Ang suwerte mo dahil may mas unprofessional pa sa 'yo. Wala pa rin 'yong ka-partner mo sa photoshoot. Kaya 'yong asar ni Madam Felicia, mabubunton doon at hindi sa 'yo. Halika na nga." Hinila na siya ni Joyce papunta sa dressing room.

Nakaramdam ng relief si Ruth. Photoshoot para sa promotion ng isang fitness gym ang project na iyon. May kasama siyang isang male model sa pictorial.

"Sikat ba kaya pa-VIP?" curious na tanong niya.

"Bakit, ikaw? Sikat ka ba at nakukuha mong magpa-late?"

Hindi na sumagot si Ruth dahil alam niyang may kasalanan siya.

Mayamaya pa ay tapos na ang kanyang makeup at nakasuot na siya ng fitted gym bra na may logo at pangalan ng fitness gym at cycling shorts. Inumpisahan na ng team ang photoshoot kahit wala pa rin ang male model.

Imbyernang imbyerna na si Madam Felicia. Nakinita na niyang makakatikim ng gulpi de gulat ang kung sinumang nangahas na magpa-late nang isang oras.

"Madam," interrupt ng isang crew, "nandito na po 'yong male model."

Halatang umusok ang ilong ni Madam Felicia. Pero nang pumasok ang male model, parang nalunok ng intrimitidang director ang dila. Paano naman kasi, bumungad agad ang pagkaganda-gandang view ng six-pack abs ng matangkad na male model.

Doon din kasi unang nag-landing ang vision ni Ruth dahil masyadong pansinin. Sumunod sa umbok ng cycling shorts nito na hindi naman talaga niya sinadya. Huli na niyang tinitigan ang mukha.

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na dumbbell nang ngumiti ang guwapong lalaki na may sexy long hair. Ang mga matang iyon... at ang ngiting iyon...

Romeo?

The Naked RuthWhere stories live. Discover now