Part 4

988 52 4
                                    

PINAGMASDAN ni Ruth kung paano dumampot ng coffee cup si Romeo at kung paano nito iyon idinikit sa mga labi. Lalaking-lalaki ang boses at paraan nito ng pagsasalita. Deep inside, mangha-mangha siya. Wala talagang ka-trace-trace na isa itong beki. Kung hindi lang niya nakausap ito sa loob ng dressing room noong photoshoot, inisip niyang nagmilagro ang langit at bigla itong naging straight.

Nasa kasulok-sulukan sila ng isang coffee shop. Malungkot ang mga mata ni Romeo. Dapat ay nakikisimpatya si Ruth sa pait na nararamdaman nito habang ikinukuwento sa kanya ang tungkol sa recent ex pero nakaka-distract kasi ang mga kilos nito. Pati pag-e-emote naman kasi, barako style. Kahit kung sakaling may lumapit sa kanila sa sulok na iyon, hinding-hindi maiisip na lalaki ang ex na tinutukoy ni Romeo.

Guwapo na ito noon. Pero ngayon, three times yata ang iginuwapo ng bruha.

Habang malungkot na ikinukuwento ni Romeo kung paano ito pinagtaksilan ng ex, pasekretong naglalandas ang paningin ni Ruth sa umbok ng biceps nito. Sino'ng mag-aakala na magkakaroon ito ng ganoon kalalaking mga braso? Ng ganoon ka-yummy na abs? Ng ganoon kalalaking biceps at katambok na pectorals?

Napabuntunghininga si Ruth. Bakit kasi kailangang maging Barbie pa si Romeo? Kung naging straight lang ito, baka hindi niya napigilang dambahin ito ngayon at sibasibin ang sexy lips nito.

"Ruth!"

Napapitlag siya. "Huh?"

"Are you listening?"

What the heck was she thinking a while ago? Gusto niyang lamusukin ng halik ang mga labi ng baklang ito?

"O-oo naman."

Nagbuga ng hangin si Romeo. "Aminin mo. Hindi ka nakikinig."

"S-sorry."

"Naisip mo rin ba 'yong ex mo?"

"Hindi. Wala na akong pake sa mga ex ko."

"Eh, nasa'n ang isip mo kanina? Halatang nagpa-fly-laloo a while ago." Tumikhim si Romeo. Siguro ay na-realize na hindi dapat ito gumagamit ng beki lingo in public dahil kailangang lalaking-lalaki ito. "Lumilipad 'yong isip mo."

"Huh? Uhmm..." Dinampot ni Ruth ang coffee cup at uminom muna bago sumagot. "Iniisip ko kasi 'yong guy na crush na crush ko dati. Recently kasi... nakita ko ulit siya." Humigop ulit siya ng kape.

"Na-realize mong crush mo pa rin siya until now?"

Muntik nang maibuga ni Ruth ang kapeng hinigop. "P-paano mo... nasabi?" Inilapag niya ang baso sa mesa.

"Eh, kasi iniisip mo siya. Guwapo ba?"

Napatitig siya sa guwapong mukha ng beki. Tumango siya. "Sobra."

Mukhang na-excite si Romeo. Wala itong kamalay-malay na ito ang tinutukoy niya. "Single?"

Tumango ulit siya.

"Eh, ano pa'ng hinihintay mo? Go get him!"

Napatanga si Ruth. "Huh?"

"Obviously, hindi ka niya pinansin noon pero puwedeng iba na ang sitwasyon ngayon. Sa ganda at sexy mong 'yan, siguradong hindi ka niya tatanggihan kapag nagpakita ka ng interest." Tinapunan nito ng tingin ang bandang dibdib ni Ruth. "Babaan mo lang nang kaunti 'yang neckline ng suot mo. Walang lalaking hindi naaakit sa deep cleavage."

"Talaga?" Na-imagine niya na pinapakitaan niya ng deep cleavage si Romeo pero kahit sa imagination, nakita niyang nagsususuka ang bakla.

Tumango ito. "Kapag hindi nakuha sa deep cleavage, ibang 'deep' ang i-offer mo." Ngumisi ito. "Siguradong bibigay na 'yon."

"Ano'ng 'deep' 'yan?"

"Deep throat."

Napanganga siya. Muntik na niyang hampasin ang beki. Ganoon ba ang ginagawa ni Romeo sa mga lalaking inaakit nito?

"'Yan." Itinuro siya ni Romeo. "Lakihan mo pa ang buka. 'Tapos kahit habang subo mo, don't forget to combine it with a hand job. That's the rule of thumb."

Parang gustong mapaluha ni Ruth sa mga naririnig. Ilang "hotdog" na ba ang na-deep throat ng baklang ito? Ilang "saging" na ang na-hand job nito?

Hindi na niya kaya pang marinig ang mga pinagsasabi ng beki. Mukhang nagulat si Romeo sa bigla niyang pagtayo.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Ano'ng nangyari sa 'yo?"

"Naiihi ako!" Lumakad siya papunta sa ladies room kahit hindi naman siya totoong naiihi.

Sa banyo ay pinagtatampal ni Ruth ang mga pisngi habang nakatayo sa harap ng bathroom mirror. Ano'ng nangyayari sa 'kin? Pinagseselosan ko ba 'yong mga hotdog at saging na iyon?

Paglabas niya mula sa banyo ay natanaw niya ang ilang kababaihang nakakumpol sa mesa nila ni Romeo. Kilig na kilig ang mga babae habang nakikipag-selfie sa beki na alam niyang umaakto lang na nag-e-enjoy sa atensiyon ng chicks pero ang totoo ay malamang na gusto nitong sabunutan ang mga babae at bugawin paalis dahil nandidiri ito sa kanila.

Napabuntunghininga si Ruth. Kung malalaman ng mga babaeng iyon na kanina lang ay pino-flaunt pa sa kanya ni Romeo ang blow job expertise nito, baka magsihimatayan ang mga buwitre.

The Naked RuthWhere stories live. Discover now