Part 27

586 23 0
                                    

HINDI napigilan ni Travis ang mapangiti sa mabilis na pagpapapalit-palit ng ekspresyon ng mukha ni Ruth. Nakangiti ito kapag titingin o babaling si Romeo rito pero kapag hindi nakatingin ang pinsan niya ay parang nagliliyab ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Well, he could understand why she was upset. It looked like she was planning something for Romeo tonight but she would not be able to do it because Travis came. Tinawagan niya si Romeo kanina para yayain itong uminom sa bar pero sinabi ng pinsan na hindi ito puwedeng lumabas dahil nasa pad nito ang "girlfriend" at ipinagluto ito ng dinner.

Gusto na kasing sabihin ni Travis sa pinsan na alam niya ang sikreto nito. Tuloy ay papayuhan niya itong umamin na sa ama para makawala na si Ruth sa panggagamit nito. Nang dahil sa paglilihim ni Romeo sa tunay na sekswalidad ay hindi nito sinasadyang bigyan ng pagkakataon si Ruth na mapikot ito.

Pagkatapos tawagan si Romeo kanina ay naalala ni Travis ang binitiwang mga salita ni Ruth noong pinuntahan niya ito sa isang coffee shop. Parang kampanteng-kampante ito na magagawa talagang straight si Romeo. Bigla niyang naisip na posibleng hindi mismo iyon ang gustong gawin ng babae. She could resort into forcing Romeo into marrying her. Kung mabubuntis si Ruth ay posibleng ipakasal ni Uncle Dan ang anak sa babae dahil hindi papayag ang tiyo niya na magkaroon ng apong bastardo.

Napatingin si Travis sa mga pagkaing inihain ni Ruth sa dining table. May pork adobo, chopseuy at baked stuffed fish. May aphrodisiac bang inilagay roon ang babae? Tumigil ang tingin niya sa brownies na nakalagay sa isang maliit na plato. O baka sinamahan na rin ng drugs. A gay man would not probably mind screwing a woman when stoned.

Puwede rin namang hindi na itinuloy ni Ruth ang paghahalo ng kung anuman sa kakainin ni Romeo dahil nalaman nitong darating siya at hindi na magagawa pa ang kung anumang pinaplano sa pinsan niya. Kaya siguro ganoon katalim ang tingin sa kanya ng babae dahil mauunsiyami ang pamimikot nito kay Romeo.

"Why aren't you eating yet?" tanong niya at sinimulan nang damputin ang serving spoon ng adobo dahil mukhang walang balak magsimula ang dalawa sa pagkain. Ruth was busy glaring at him and Romeo was probably still wondering why Travis had to join a "couple's" private dinner.

"Don't do this again, Travis," bilin ni Romeo sa pinsan sa lalaking-lalaking tono. "Don't barge into a couple's private time again."

Natigil sa pagsandok ng ulam si Travis at tinitigan ang seryosong mukha ng pinsan. Mukha talaga itong boyfriend na nabitin sa private moment kasama ang girfriend. He could pass for a great actor. Bakit hindi nag-artista ang pinsan niya?

Umangat ang isang sulok ng mga labi niya. "Ah, dude... don't be upset. Gusto ko lang namang tikman ang luto ng girlfriend mo. No'ng sinabi mo kasi sa 'kin sa phone na ipinagluto ka ni Ruth, parang sobrang proud ng tono mo. Kaya naisip ko, ang sarap sigurong magluto ng girlfriend mo. Na-curious ako. Plus I was hungry."

Lumarawan ang pagka-proud sa mukha ni Romeo. "Oo naman. Sobrang sarap niya magluto. Kaya kapag cheat day at siya ang nagluluto, napaparami ang kain ko." Bumaling ito sa katabi.

Tinapunan ni Travis ng tingin ang braso ng kanyang pinsan na awtomatikong sumampay sa balikat ni Ruth. Nakangiti ang babae habang magkaharap ang mukha ng dalawa. Ah, they looked like a real couple. May pakiramdam siyang maaalibadbaran na naman siya sa pag-arte ng mga ito. He had enough of it at the golf club and in the fitness gym.

"Kaya mahal na mahal ko 'to, eh," patuloy ni Romeo nang humarap na ulit sa kanya. "She's good at everything. I'm so lucky to have her."

Humagikgik si Ruth na mukhang hindi umaarte para sa kanya kundi para kay Romeo. "Honeybunch naman. You're overrating me."

Travis groaned in disgust. "Stop it. You're cringey."

Ngumisi si Romeo. "You should start falling in love, dude. Para naman maka-relate ka sa sweetness namin."

The Naked RuthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora