Part 3

1K 48 2
                                    

"GIIIRL, I still can't believe we'd see each other again this way! Oh my god!"

Alanganin ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Ruth habang pinapanood si Romeo na tumatalun-talon habang pumipilantik ang mga daliri.

Kanina, sa photoshoot, lalaking-lalaki ito kung magsalita at kumilos. Nag-ilusyon pa nga si Ruth na naging straight na si Romeo nang maghiwalay sila ng landas. Pero nang makapasok na sila sa dressing room—nang silang dalawa lang ang nasa loob—nagtitili ito nang mahina at niyakap siya nang wala ni katiting na pagnanasa.

Beki pa rin si Romeo. Isa na itong borta. Pa-mhin pa rin ang lintik. Walang nakaamoy rito sa studio kanina ni isa. Lahat ay takam na takam dito.

Totoo pala talaga na may mga baklang sadyang nagpapalaki ng katawan. Nagulat si Ruth dahil hindi iyon ang alam niyang #bodygoals ni Romeo noon. Nangarap itong magkaroon ng boobs at balakang, hindi biceps at pectorals.

"Girl?" tanong ni Romeo na mukhang nagtataka dahil nakangiti at nakatitig lang siya sa bakla. "Are you mad at me?"

Tumikhim si Ruth. "Nakalimot ka na kasi. No'ng pumunta ka sa ibang bansa, pinutol mo na rin 'yong connection mo sa 'kin."

Lumabi si Romeo. "I had to. Kasi 'di ba, ang alam nila, dyowa kita? Alam nila, nag-break na tayo kaya, naturally, wala na dapat tayong communication. I'm sorry, girl. Ayoko lang kasing mabuking. Alam mo na... Kaya I had to make things as realistic as possible. I know I'd been selfish. But you have other friends naman kasi kaya naisip kong hindi naman ako kawalan sa 'yo. Wala rin naman kasi akong ginawa kundi ang gamitin ka as a cover up kaya naisip ko na naging pabigat lang ako sa 'yo."

Nagtatampo pa rin si Ruth dahil ganoon lang kadali para rito na kalimutan siya pero hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magalit dito.

"Hindi ka naman naging pabigat. Baklang two! Ginusto naman kitang tulungan."

Bumalik ang saya sa mukha ni Romeo. "I'm really so happy to see you again, Ruth." Hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. May satisfaction sa mga mata ng bakla. "Look at you now. Pak! You're gorgeous. Hindi ka naman ganyan ka-hot noon. Pero nag-boom ka. I'm sure, may boyfriend ka ngayon."

"Wala akong boyfriend."

"What?" Mabilis na nagtakip ng bibig si Romeo nang ma-realize na napalakas ang boses. Mabilis itong sumulyap sa gawi ng pinto. "What?" ulit nito sa mahinang boses. "Are you serious? Sinasayang mo 'yang ganda mo. If I were you, oh my god... nakailang boys na 'ko."

"Nagka-boyfriend ako. Twice. Pero sa ngayon, wala." Tumikhim siya. "Eh... ikaw?"

"Are you asking me kung naka-ilang boyfriends na 'ko?"

"Alangan namang girlfriends, 'di ba?"

"Ewww, girl. Mukha lang akong lalaki pero, babae pa rin ang puso ko. I had three boyfriends when I was in the States." Naka-smile pa rin si Romeo pero napansin niyang biglang lumungkot ang mga mata nito. "One of them was a long-term, serious one. But it ended. It recently ended."

So, kakagaling lang sa isang failed relationship ni Romeo?

"'Sorry to hear that."

Ngumiti lang si Romeo pero nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

"Sigurado naman na makakakita ka pa ng ibang... lalaking magmamahal sa 'yo."

"Ikaw din... I'm pretty sure, andaming lalaking naglalaway sa 'yo ngayon. Anyway, girl, I want to ask you a favor. Apparently, nobody here knows that I'm gay. So, sana... just like before, please keep it. Please keep my secret."

"Ibig sabihin, hindi pa rin alam ng family mo na bading ka?"

"My sisters knew and my mom, too. Pero si Dad, hindi pa rin. Lahat sila, pinagtatakpan ako until now. That's why I ended up with this body. I still have to pretend to everyone around that I'm straight. Otherwise, makakarating sa daddy ko. Anyway, I have to sneak out na. If somebody catches us here together, iisipin nilang may ginagawa tayong milagro. Ewww." Humagikgik si Romeo at nagpaalam na pagkatapos makipagpalitan ng mobile number sa kanya.

Nanlalatang ibinagsak ni Ruth ang pang-upo sa silya sa harap ng dresser. Masaya siya na nakita ulit si Romeo pero hindi niya alam kung para saan ang bigat sa dibdib. 

The Naked RuthWhere stories live. Discover now