Part 10

900 40 2
                                    

"UMPISAHAN na natin," udyok ni Ruth kay Romeo na on diet daw pero kanina pa nilalapang ang laman ng pizza box.

"Ang alin?" tanong nito habang naka-crosslegs sa couch sa tabi niya.

Nanghinayang siya nang magsuot na ito ng puting T-shirt. Pero naisip din niyang madi-distract siya nang husto kung sakaling nanatiling half-naked si Romeo habang naroon siya sa condo unit nito. Baka magkatotoo ang sinabi ni Joyce na baka humantong na siya sa pangre-rape ng bakla.

"'Yong lessons in Seduction 101."

"Seryoso ka talaga diyan? Naka-dalawang dyowa ka na pero hindi ka pa rin marunong mang-seduce ng lalaki? 'Tapos sa bakla ka pa magpapaturo? Gagang 'to, lakas ng trip."

"Hindi ko naman kasi kailangan pang seduce-in sila. Sila na 'yong kusang nase-seduce. Kaya hindi talaga ako marunong kung paano mang-akit ng lalaki."

"So, you're saying this guy... your first love, hindi siya kusang naaakit sa 'yo kaya gusto mong mag-effort to seduce a guy this time."

"Mismo!"

"I see. " Umaktong nag-iisip ito. "First of all, alamin mo muna kung ano'ng type niya sa girl. Baka may specific looks and traits siya na hinahanap kaya hindi siya nagkakainteres sa 'yo."

Specific looks at traits daw? Doon pa lang ay tablado na si Ruth. Obviously, ang gusto ni Romeo ay may six-pack abs ding tulad nito, may malalaking biceps, guwapo at higit sa lahat ay may etits. Wala siya ng lahat ng iyon.

"But," patuloy ni Romeo, "the good news is... you can definitely make him want you."

Nabuhayan ng loob si Ruth. "How?"

Bumaba ang tingin nito sa blouse na suot niya at lumarawan ang disappointment sa mga mata ng beki. "I told you to wear tops that would show cleavage." Muli itong kumagat ng pizza pero malaking parte ang sumama sa ngipin nito.

Niyuko ni Ruth ang dibdib. Pinaghandaan talaga niya ang sandaling ito. Mukhang nabigla si Romeo nang hubarin niya ang blouse at tumambad dito ang white fitted top niyang may manipis na straps at mababang neckline. Bigla ay luwang-luwa na ang dibdib niya sa harapan ng beki.

Bumagsak mula sa bibig ni Romeo ang kagat-kagat na pizza habang nakatuon ang tingin sa mga "papaya" niya. Halatang natitigilan ito habang nakatitig doon. Lihim na na-excite si Ruth sa idea na posibleng naapektuhan ito sa tanawing nakahantad dito.

Nang iliyad pa niya nang husto ang dibdib ay bahagyang lumaki ang mga mata ni Romeo. Tama ba ang basa niya sa reaksiyon nito? Naaakit ba ito sa boobs niya? Nag-uumpisa na bang makadama ng pagnanasa ang beki sa isang babaeng tulad niya? Magiging tulad na ba ito ni Ramoncito na unti-unting naging straight matapos magsimulang magnasa sa isang babae?

Biglang bumuntunghininga si Romeo. "Sana all may boobs."

Unti-unti ay nakita ni Ruth sa mga mata ng bakla ang pagkainggit. Nagpatuloy ito sa pagnguya matapos damputin ang nahulog na piraso ng pizza.

"Naalala mo dati," patuloy ni Romeo, "sabi ko, balang-araw, magkaka-boobs din ako? Mukhang 'di na mangyayari 'yon. It seems I will forever be trapped in this muscular body."

Bumagsak ang mga balikat ni Ruth. Pati ang perky breasts niya ay nalaglag sa disappointment.

The Naked RuthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon