Part 13

866 44 13
                                    

TULALA si Ruth habang pinagmamasdan ang sarili sa full-length mirror. Halos hindi niya nakilala ang sarili sa salamin nang humarap siya roon. Mukha siyang pornstar sa see-through lacy string lingerie na suot. Wala siyang anumang suot na panloob kaya hapit na hapit at kitang-kita ang mga "papaya" niya at kaka-Brazillian wax lang na "flower."

Naroon siya sa condo unit ni Romeo nang mga oras na iyon. Wala ang beki pero alam niya ang oras ng dating nito. Dahil close na sila ay sinabi nito sa kanya ang door passcode ng condo unit nito kaya madali siyang nakapasok para isuot ang napakalaswang lingerie na iyon bago pa dumating ang aakitin niya.

Hindi makapaniwala si Ruth na hahantong siya sa ganito. Well, she had fantasized this scene before but she never dared to do this kind of stunt or even wear something like this. Hindi ganito ka-adventurous sa kama ang dalawang ex niya. Ang isa ay medyo conservative dahil nagmula sa relihiyosong pamilya at ang isa naman ay tipong no-nonsense. Kung sex, vanilla sex lang at hindi na kailangan pa ng kinky foreplay, sexual roleplay, sex toys, BDSM o kung ano-ano pang kalokohang naiisip gawin ng ibang perverted couples.

Kaya naman ang lakas ng kaba ni Ruth sa mga oras na iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mangse-seduce siya ng isang lalaki... or in this case, isang gay.

Matapos patayin ang main lighting ng living room at sindihan ang dim lights ay lumapit siya sa coffee table kung saan may inihanda siyang isang bote ng red wine at dalawang wine glass. Mukhang dapat na niyang buksan iyon. Kailangan niyang pahupain ang kaba sa dibdib at mukhang espiritu lang ng alak ang makakapagpakalma sa kanyang nerves. Kailangan din niya ng lakas ng loob para makapag-"get, get, aww!" sa harapan ni Romeo.

Ang kaso ay hindi namalayan ni Ruth na napaparami na pala siya ng inom hanggang sa mapuna na lang niyang nanlalabo na ang paningin niya. Nang tangkaing tumayo ay muntik na siyang mabuwal dahil pakiramdam niya ay umikot ang paligid.

Nang ma-realize na tinamaan siya ng alcohol ay parang gusto niyang maglupasay. Paano siya makakapagsayaw ng Sexbomb kung nasira na ng alak ang balanse niya? Baka habang inaakit niya si Romeo ay bigla na lang siyang magsuka. May maaakit ba sa isang babaeng lasing?

Namalayan na lang ni Ruth na nakahiga na siya sa couch na nakatalikod sa pinto ng condo. Siguro ay dapat na siyang magbihis at mag-abort mission. Sa ibang araw na lang niya gagawin ang plano. Pero bago pa siya makabangon para kunin ang dress ay narinig na niya ang tunog ng electronic door lock.

Dumating na si Romeo!

Napabangon si Ruth paupo at pumaling sa maikling hallway kung saan manggagaling si Romeo sa oras na pumasok na ito sa pinto. Oo, medyo lasing siya pero at least ay wala siyang kakaba-kaba sa mga oras na iyon. Tutal ay naroon na lang din ang hinihintay niya, gagawin na niya ang plano.

Matapos marinig ang pagbukas at sara ng pinto ay namataan na nga ni Ruth ang malabong imahen ni Romeo na naglalakad sa hallway. Bukas ang ilaw sa hallway pero madilim sa living room dahil dim lights lang ang nakabukas kaya sillhoutte lang ng beki ang nakikita niya. Hindi niya nakita ang reaksiyon nito nang mapunang may taong nakaupo sa couch pero mukhang nabigla ito dahil napahinto sa paglapit.

"Nandito ka na pala," sabi niya sa mapang-akit na tinig. "Kanina pa kita hinihintay."

Tumayo si Ruth para sa wakas ay makita ni Romeo kung ano ang naghihintay rito. 

The Naked RuthWhere stories live. Discover now