Part 15

1.1K 65 5
                                    

BAGAMAN medyo madilim ay napuna ni Ruth—habang sinisimulang i-undo ang belt ni Romeo—na sumisikip ang white pants nito. Suddenly, there was something poking out of his pants. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize na erection iyon.

Tinayuan si Romeo sa kanya! Hindi na pala niya kailangang sayawan ng "spaghetti pababa" ito para ma-arouse sa kanya. Kailangan lang talaga niyang maghubad at himasin ito para magkareaksiyon ang katawan para sa kanya.

Ibig bang sabihin nito ay magiging straight na si Romeo na tulad ni Ramoncito? So... puwede na siyang mahalin nito? Napuno ng excitement ang dibdib niya.

Nag-angat ng mukha si Ruth para tanungin si Romeo tungkol sa reaksiyon ng katawan nito sa kanya pero hindi na niya nagawa pang makapagsalita dahil hinapit na siya nito at sinakop ang mga labi niya. Hindi niya akalaing ganoon pala kagaling humalik ang beki. Mas masarap pa itong humalik kaysa sa mga straight na lalaking nakahalik na sa kanya!

Kung makalamukos ito sa mga labi niya, parang wala nang bukas. Pero hindi naman siya nagrereklamo. She liked it. She liked how he seemed to want her so much. Wala rin siyang angal nang kubkubin ng malaking palad nito ang dibdib niya.

While kissing her, he grabbed a cheek of her buttocks and pushed her lower body towards his. Sa ginawa nito at naramdaman niya sa puson ang matinding pagkapukaw nito!

Napaka-effective naman pala ng method na itinuro ni Ramoncito! Kung lahat ng babae ay gagawin iyon sa bawat bakla, mauubos ang beki sa mundo!

Naramdaman na lang ni Ruth na iginigiya na siya ni Romeo papunta sa couch habang patuloy sa paghalik sa mga labi niya. Inihiga siya nito sa couch at naghubad ng shirt. Tumambad sa kanya ang chiseled trunk nito. Nang umibabaw ito sa kanya ay nag-landing kaagad ang mga labi nito sa kanyang leeg.

"Ah, baby... you're so hot..." sabi nito habang pababa nang pababa ang mga labi. "Tell me your name."

Sukat sa sinabi nito ay napadilat si Ruth. Bakit tinatanong ni Romeo ang pangalan niya kung kilala naman siya nito? At saka bakit parang iba ang tunog ng boses nito?

Bago pa mag-landing sa dibdib niya ang mga labi nito ay hinawakan ni Ruth ang mukha ng lalaki at inangat iyon para dalhin sa paningin. Gamit ang ilaw mula sa hallway ay pinakatitigan niya ito at ganoon na lang ang gulat niya nang makitang hindi si Romeo ang lalaking nakadagan sa kanya.

And yes, she knew him! Travis!

"Shit!" lumabas sa bibig ni Ruth. Pakiramdam niya ay bigla siyang naging sober. Itinulak niya palayo ang lalaki at mabilis na bumangon.

Muntik na siyang makipagtalik sa playboy na pinsan ni Romeo!

Nakaharap na si Travis sa ilaw kaya kitang-kita na niya ang mukha nito. Halata ang pagtataka nito sa ginawa niya. Gusto sana niyang pagsalitaan ang lalaki sa muntik nang magawa sa kanya pero siya naman ang may kasalanan. Inakit niya ang lalaki sa pag-aakalang si Romeo ito.

"Why?" halatang naguguluhang tanong ni Travis. "What's wrong?"

"This is a mistake!" sabi na lang ni Ruth at nagmamadaling kinuha ang damit.

"What?" maang na tanong ni Travis.

Mabilis siyang nagbihis. "Hindi ikaw ang inaasahan kong darating."

Mukhang natigilan ang lalaki. Baka na-figure out nang inakala niyang si Romeo ito dahil madilim at nakainom siya.

Nang maisuot ang sapatos ay dinampot ni Ruth ang bag at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon sa kabila ng pagtawag ni Travis.

Nang makalabas sa condo unit ay sinabunutan niya ang sarili. Muntik na siyang magpa-jugjug sa lalaking kinaiinisan niya mula pa noong high school! Sa loob ng elevator ay pinakawalan niya ang pinipigilan na pagtili.

AUTHOR'S NOTE: Please like my FB page: facebook.com/heartyngrid. You can also visit ny website: heartyngrid.com to buy my latest books. Thank you!

The Naked RuthOnde as histórias ganham vida. Descobre agora