Part 18

969 66 2
                                    

PARANG gustong bumalik ni Ruth sa ladies room nang sa paglabas niya mula roon ay maratnan si Travis na nakasandal sa pader sa hallway habang nakapamulsa sa suot na white pants ang mga kamay. Wala na itong suot na golf visor.

It was too late to go back inside. Nakita na siya nito. At ang walanghiya ay ngumiti pa sa kanya, as if enjoying their awkward situation.

Nagtuloy-tuloy si Ruth sa paglakad at nilampasan ang lalaki pero humarang si Travis sa kanya nang nakapamulsa pa rin. Ganoon lang ka-chill ito na para bang normal lang sa lalaki ang makipag-make out sa girlfriend ng kamag-anak kaya parang balewala lang dito?

"Ano'ng kailangan mo?" malamig na tanong niya. Hinding-hindi niya ipapahalata rito ang awkwardness na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"Don't you think we have something to talk about?"

Pinilit ni Ruth na hindi ipakita ang pagkataranta. Mabilis niyang inilibot ang tingin sa paligid. Wala namang tao. Miski sa loob ng ladies room ay wala ring tao.

Right. Siguro ay kailangan nilang pag-usapan ang nangyari kagabi para maipamukha niya sa lalaking ito na hindi talaga ito ang gusto niyang makatsuktsakan kagabi. Pero hindi sa lugar na iyon dahil baka may makarinig sa kanila o kaya naman ay biglang lumitaw ang sinuman sa mag-ama habang nag-uusap sila.

"'Wag dito." Puwede naman silang mag-usap sa ibang lugar at araw.

"Okay," mabilis na pagsang-ayon nito.

Nabigla si Ruth nang hagipin ni Travis ang braso niya at igiya siya paalis sa hallway. "Saan mo 'ko dadalhin?" sikmat niya sa lalaki sa mahinang boses.

"To a private spot."

Sinubukan ni Ruth na bawiin ang braso pero hindi nito pinakawalan iyon hanggang sa makarating sila sa isang tagong spot sa golf club na iyon. Mukhang kabisado nito ang lugar.

"Now, tell me what happened last night," utos nito sa chill na tono.

"Hindi mo pa rin ba na-figure out kahit nalaman mo nang girlfriend ako ng pinsan mo? Siya ang ine-expect kong darating kagabi kasi condo niya 'yon. Napagkamalan lang kitang siya kasi madilim at saka nakainom ako kaya ang hazy ng paningin ko. Isa pa, may hawig kayo, pati sa body built. Sa madaling salita, it was a mistake."

Saglit na tumitig sa kanya si Travis bago nagbuga ng hangin na nauwi sa pagtawa. Pagkatapos ay bigla na lang itong sumeryoso. "Girlfriend, my ass."

Kumunot ang noo ni Ruth sa reaksiyon nito.

"Alam kong hindi ka girlfriend ni Romeo. And for the second time, pinagpapanggap ka na naman niyang girlfriend niya."

Pinigilan ni Ruth ang magpakita ng pagkabigla sa sinabi ni Travis. Bakit nito alam iyon? Sinabi ba ni Romeo sa pinsan ang tungkol sa pagpapanggap nila noon at pati ngayon? Bakit nito gagawin iyon?

"Ano'ng pinagsasasabi mo?" Pinili na lang niya ang magmaang-maangan.

Nakita na naman ni Ruth ang pagkaaliw sa mga mata ng lalaki. "I know that my cousin is gay," sabi nito sa mahinang boses.

Hindi na niya naitago ang pagkabigla. Alam ni Travis na beki ang pinsan nito!

Kaya pala kanina ay ilang beses niyang nahuli si Travis na nangingiti sa tuwing sumusulyap sa kanila ni Romeo habang tinuturuan siya ng huli na mag-golf. "Sweet na sweet" kasi sila kanina ng "boyfriend" niya habang igina-guide siya sa pagtira ng bola. Niyakap pa siya ni Romeo mula sa likod habang nakahawak sa kamay niyang may tangang golf club. Kailangan kasi nilang ipakita kay Tito Dan na sweet sila.

Pinagtatawanan pala ni Travis nang lihim ang ginagawa nila dahil alam nitong nagpapanggap lang silang magdyowa.

"P-Paano mo nalaman 'yan?"

The Naked RuthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon