Part 9

851 44 2
                                    

PIPINDUTIN na sana ni Ruth ang doorbell sa condo unit ni Romeo pero huminto siya at naisipang hugutin ang hand mirror mula sa bag para i-check ang mukha sa salamin. Okay pa naman ang makeup niya kahit halos isang oras siyang nag-drive papunta roon.

Kung naroon siguro si Joyce ay baka ingudngod nito ang mukha niya sa salaming hawak. Nagpaganda siya nang husto para sa isang bakla. Hindi siya nakinig sa advice nitong layuan na si Romeo o kalimutan na ang nararamdaman para sa beki.

Masyado kasi siyang napahinuhod ni Ramoncito. Habang pinananood ni Ruth isa-isa ang bawat vlogs nito, mas lalong nabubuhay ang pag-asa sa dibdib niya na puwede ring maging straight si Romeo na tulad nito. Kaya naman nakabuo siya ng isang desisyon. Susubukan niyang gawing tunay na lalaki ang kanyang first love!

Kaya siya napadpad sa condo unit ni Romeo ay dahil uumpisahan na niya ang kanyang plano. Ang alam ng beki ay magpapaturo lang siya rito kung paano maaakit ang first love niya. Walang kamalay-malay ang bakla na ito mismo ang tinutukoy niya. At habang tinuturuan siya ni Romeo kung paano mang-akit ay aakitin niya ito.

Siyempre ay hindi niya sinabi kay Joyce ang plano dahil siguradong eepal ito at baka sapilitan na siyang dalhin sa psychiatrist. Gusto lang naman niyang subukan at baka sakaling ma-reverse niya ang sexual preference ni Romeo. Wala namang mawawala kung susubok siya.

Nang masiguro na kaakit-akit ang hitsura ay itinuloy na ni Ruth ang pagpindot sa doorbell. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at bumungad si Romeo na shirtless at nakasuot lang ng boxer shorts. Pupungas-pungas ito na mukhang kagigising lang.

Napatunganga si Ruth sa nakatambad na abs. Of course, nakita na niya iyon noong pictorial sila pero na-mesmerize pa rin siya sa ripped body ng borta.

"N-natutulog ka pa?" tanong niya sa beki.

"Oo, eh," sagot nito sa baritonong boses. "Sorry, nakalimutan kong ngayon ka pala pupunta."

Diyos ko, ang puso ko. Parang tunay na lalaki si Romeo nang mga oras na iyon at napaka-yummy nito! Actually, ang inaasahan niya ay makikita niya ang beki na nakasuot ng pink spaghetti straps house dress dahil nasa bahay lang ito at hindi kailangang magpanggap na straight kaya hindi niya in-expect ang ganito kasarap na tanawin.

"Pasok ka na," sabi nito.

Pagpasok ni Ruth ay isinara nito ang pinto. Tumuon ang tingin ni Romeo sa dala niyang box ng pizza.

"Girl," malambot na sambit nito na nakapagpatigil sa kanya. "How dare you bring pizza when I'm on my diet. Gusto mo bang sirain ang figure ko? But, anyway, thankies!" Kinuha ng beki mula sa kamay niya ang box at naglakad na.

Naiwan si Ruth na nakatigagal. Ganoon kabilis mag-shift ni Romeo from being a barako to being pa-girl? Sumunod siya rito nang makabawi.

"Grabe 'yong transition mo," puna niya. "Kanina para kang lalaking-lalaki 'tapos biglang naging Barbie sa isang iglap?"

"Gaga, syempre, 'no? Pa'no kung may mapadaan sa hallway na neighbor, eh, di nahuli akong malamya?"

"I see." Mukhang sadyang alerto si Romeo. Takot na takot talagang may makabuking dito.

The Naked RuthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon