Part 11

874 45 2
                                    

PINARARAANAN ni Ruth ng tingin ang mga naka-display na nightgowns sa isang lingerie outlet nang maramdaman niya ang paglapit ng saleslady.

"Hi, ma'am!" nakangiting bati nito. "Are looking for anything specific?"

"Huh?"

Specific? Gusto sana niyang tanungin sa saleslady kung mayroon doong lingerie na pang-akit sa bakla para biglang maging straight ito pero pinigilan niya ang sarili.

Napadpad si Ruth doon matapos makausap si Ramoncito. Hindi kasi siya nakatiis at sinadya talaga niya ang dating kaklase para humingi ng advice kung ano ang kailangang gawin ng isang babae para maging straight ang isang bakla. Siyempre ay hindi niya sinabing siya ang nangangailangan ng impormasyong hinihingi niya. "Asking for a friend" ang sinabi niya.

Na-shock siya sa revelation na sinabi sa kanya ng dating gay tungkol sa babaeng napangasawa. Hindi iyon sinabi ni Ramoncito sa vlogs nito dahil rated SPG daw.

"Inakit niya ako. Naratnan ko na lang siya sa apartment ko na nakasuot ng sexy lingerie na see-through. She was basically naked. 'Tapos sumayaw siya nang sexy sa harapan ko sa saliw ng Sexbomb. Nagtaka ako sa reaksiyon ko. Dapat nasusuka na ako sa nakikita ko dahil babae siya pero nagulat ako dahil naramdaman ko na lang na unti-unting tumatayo ang alaga ko..."

Na-excite si Ruth sa sinabi ni Ramoncito kaya naman napasugod agad siya sa isang lingerie store para bumili ng see-through lingerie. Willing siyang maghubad sa harapan ni Romeo kung iyon na lang ang natitirang paraan para maakit niya ang beki at maging straight ito.

Halos dalawang linggo na niyang pasimpleng inaakit si Romeo sa tuwing nagkikita sila o napapadpad siya sa condo unit nito pero walang kaepe-epekto sa beki. Mukhang ni hindi nga nito nare-realize na inaakit niya ito. Iyong pagtuwad-tuwad niya habang nakasuot ng micro-mini shorts habang may dinadampot sa sahig at pagdukwang-dukwang para makita nito ang view ng kanyang cleavage sa ganoong posisyon ay ni hindi nito tinitingnan.

Sa tuwing nagdyi-gym sila ay sinasadya niya ang hindi pagsusuot ng sports bra para umalog nang husto ang dibdib pero walang pakialam si Romeo. Busy pa rin ito sa pasimpleng pagtsi-check out sa biceps at puwit ng lalaking nakakasabay sa pagdyi-gym. Ang mga manyak na lalaki sa gym lang ang nag-e-enjoy ng view na hindi naman para sa mga ito. Na-realize ni Ruth na useless ang pinaggagagawa niya. Kaya naisip niyang magsadya mismo kay Ramoncito para malaman kung paano nagawa ng napangasawa nito ang gawing straight ito.

"Pangtulog lang po ba?" patuloy ng saleslady. "Pang-honeymoon? O pang-Fifty Shades?"

Natameme si Ruth sa huling binanggit ng saleslady. Napalingon-lingon siya para tingnan kung ay ibang tao sa paligid na nakarinig ng sinabi nito.

"Nagbebenta talaga kayo ng pang-BDSM dito?" mahinang tanong niya.

Ngumiti ang saleslady. "Yes, ma'am. Kailangan n'yo ba ng handcuffs?"

Sandaling na-shock si Ruth pero kaagad na nakabawi. Kailangan ba niyang bumili ng handcuffs? Just in case lang na mag-alinlangan siyang baka tumakbo si Romeo kapag nakita siyang nakahubad.

"Ah... hindi ko kailangan ng handcuffs. Kailangan ko lang ng... see-through lingerie."

Nagliwanag ang mukha ng saleslady. "I knew you would say that, ma'am. Bestseller kasi namin ang see-through lingeries."

"Ah, talaga? Ireregalo ko kasi sa friend ko. Ikakasal na kasi siya. You know, para sa honeymoon nila," pagdadahilan niya.

Nahalata ni Ruth sa tingin ng saleslady na iniisip nitong nagdadahilan lang siya pero para sa kanya talaga iyon. Bakit nga naman kasi kailangan niyang maging defensive? It was not as if conservative siya. Nagpo-pose nga siya nang naka-bra at panty lang sa underwear section ng brochures ng Avon. Baka guilty lang siya dahil sa pang-aakit ng bakla niya gagamitin ang lingerie na hindi normal na dapat ginagawa ng isang babae. Siguradong mamamatay sa katatawa ang saleslady kung malalaman iyon.

Dinala siya ng saleslady sa parte ng store kung saan naka-display ang hinahanap niya. Nanlaki ang mga mata niya sa mga nakita. Napakalalaswa! May babydoll nightgown na may ternong lacy panties, mesh lingerie, string lingerie, et cetera, na lahat ay see-through at wala na talagang itinago. Dalawa na ang naging boyfriend niya pero hindi pa siya nakapagsuot ng ganoon. How ironic na para sa isang beki pa niya maiisipang magsuot ng ganoon kalaswang undergarment.

Kapag ito hindi pa rin tumalab, mukhang kailangan ko na lang talagang maghanap ng gayuma.

The Naked RuthWhere stories live. Discover now