Part 12

846 42 0
                                    

KAAGAPAY ni Travis si Ariel papunta sa parking area ng NAIA, nakabihis ng uniporme nila bilang mga piloto at hila-hila ang mga maleta nang sabihin niya sa kaibigan ang desisyon.

"What? Are you out of your mind?"

Inaasahan na ni Travis ang ganoong reaksiyon mula sa kaibigan. Alam niyang hindi ito sasang-ayon sa desisyon niyang mag-resign sa trabaho at manirahan na sa ibang bansa.

"You know why I need to do this," sabi niya. "I need to go somewhere far away where no one knows me. Bago pa matuklasan ng mga kakilala ko 'tong problema ko. I would die in shame if anybody finds out about this."

"Bakit naman nila malalaman?"

"Pare, ilang babae na ang sinabihan ko ng palusot ko na papasok ako sa seminaryo. Lately, I even had to stay away from women. Our other friends and workmates would soon start to wonder why I'm not going out with women anymore. I don't attend to parties anymore because of fear that girls would approach me and I'd have to reject them because I can't perform in bed. This is torture. I can't take this anymore. Kailangan ko na lang lumayo. Kailangan kong tumira sa isang lugar na hindi ko kailangang ingatan ang image ko dahil walang nakakilala sa akin, 'yong wala akong kailangang panindigan. Babalik na lang ako kapag magaling na 'ko."

Bumuntonghininga si Ariel. Alam niya tutol ang kaibigan sa desisyon niya dahil magkakalayo sila pero naiintindihan din nito ang paghihirap niya.

"Saan mo balak pumunta? Kailan mo balak na umalis?"

"Probably next month. Aasikasuhin ko na muna 'yong resignation ko. Iniisip ko pa rin kung saan ako pupunta. But definitely, doon sa lugar na walang masyadong seksing babae para hindi na masyadong ma-torture si Jun-jun. Don't worry, we'll stay in touch. Ayokong ma-miss mo 'ko. Kapag nagkabiyahe ka roon, puntahan mo 'ko. Let's hang out."

Nang makarating sila sa parking ay ipinasok na nila ni Ariel ang mga maleta sa likod ng kani-kaniyang kotse.

"Sa pad ko muna ka dumiretso," pagyayaya ni Ariel. "Buksan na natin 'yong alak na matagal mo nang gustong buksan."

Ngumisi siya. "'Langya ka, p're. Kailangan ko lang palang umalis para buksan mo 'yong alak na 'yon. Gawin natin sa ibang araw. I'm tired. 'Saka dadaan pa 'ko sa pad ni Romeo. Kukunin ko 'yong mga naiwan kong golf clubs doon. Bukas kasi ng maaga, may maggo-golf kami ni Uncle Dan. Ang tagal ko na rin palang hindi nakapag-golf."

Parang biglang may naalala si Ariel. "Speaking of Romeo, nakita raw ni Maggie 'yong pinsan mo na may kaabriseteng lalaki palabas ng Unplugged Bar."

"Huh?" Nakita ng girlfriend ni Ariel si Romeo na may kaharutang lalaki?

Ano ang nangyayari sa pinsan niya? Nagiging careless na yata ito. Bakit ba kasi kailangan pa nitong bumalik sa Pilipinas kung alam na may kailangan itong itago?

Lingid kay Romeo ay alam niya ang sikreto nito. Natuklasan ni Travis nang hindi sinasadya na isa itong closet gay pero pinili na lang niyang ilihim iyon. At wala siyang balak na ipagsabi iyon sa iba kahit sa best friend.

"So? He's probably drunk kaya nakakapit sa kainuman." Nagbuga siya ng hangin. "Bakit ba iniisip ng girlfriend mo na closet gay si Romeo?"

"Ewan ko ba do'n. Malakas daw ang gaydar niya. Don't mind her. Anyway, pare, i-text mo na lang ako kung kailan ka pupunta sa bahay."

Tumango na lang si Travis at pumasok na sa kotse. Hinubad muna niya ang pang-itaas na uniporme at nagpalit ng preskong t-shirt bago pinaandar ang sasakyan paalis.

The Naked RuthHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin