Part 5

969 45 1
                                    

UM-ARAY si Ruth nang hampasin ni Joyce ang kanyang ulo pagkatapos niyang sabihin dito na feeling niya ay attracted na naman siya kay Romeo.

"Ipatingin mo na 'yang ulo mo," asik ni Joyce. "May sira, baks! May sira 'yang ulo. Hindi normal 'yang ganyan. Hindi normal na ma-attact ka sa bakla. Ni wala ngang tawag sa isang katulad mo, eh. Kapag ang babae, nagkagusto sa kapwa niya babae, lesbiyana. Kapag ang lalaki nagkagusto sa kapwa niya lalaki, bakla. Kapag ang isang lalaki o babae, nagkagusto sa parehong babae at lalaki, bisexual. Pero kapag ang isang straight na babae, nagkagusto sa bakla... baliw. Baliw ang tawag do'n. Kaya magpatingin ka na sa psychiatrist. At baka sa susunod, makita na lang kitang nangre-rape ka na ng mga bakla."

"Ang OA mo." Inagaw ni Ruth mula sa kaibigan ang throw pillow na kulay apple green at nilagay sa kandungan niya. Buong apartment ni Joyce ay iisa lang ang kulay—green. Iba-iba lang ang shades. "Kahit naman ikaw, 'di ba, naglaway no'ng nakita mo siya sa photoshoot noon? Lalaki pa rin siya. Hunk. Guwapo. May etits..."

"At gusto rin ng etits." Nag-roll ng mga mata si Joyce. "Hindi ko alam na closet gay siya kaya pinagnasaan ko nang slight. Pero noong sinabi mo sa akin na siya si Romeo na first love mong beki, naglahong parang bula 'yong pagnanasa ko. Gano'n ang nangyayari sa normal na tao. Kaya ikaw, hindi 'yan normal. Alam mong beki siya pero nagnanasa ka pa rin."

Nagpakawala ng frustrated sigh si Ruth. "Hindi ko nga rin maintindihan 'tong sarili ko. Alam ko namang hinding-hindi niya ako papatulan. Pero totoo yata talagang love has no gender."

Ngumanga si Joyce. "So, in love ka ulit?"

Sa nakalipas ng mga araw, madalas silang magkita ni Romeo. Nag-kape sila minsan habang nagtsitsikahan sa naging buhay ng isa't isa sa nakalipas ng labing-isang taon. Nag-dinner din sila minsan at dinala na siya ng beki sa condo unit nito. Sabay silang nagpunta sa fitness gym noong isang araw. Kahit panay ang lihim na pagsipat ng bakla sa puwit ng mga machong lalaki sa gym, nagawa pa rin talagang ma-turn on ni Ruth nang ngitian at kindatan siya ni Romeo habang sabay silang naglalakad sa treadmill.

Pakiramdam ni Ruth, bumalik ang dating feelings niya para sa beking first love. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa baklang iyon at kayang-kaya nitong bihagin ang puso niya kahit mas babae pa ito kung kumilos kaysa kapag silang dalawa na lang.

"Gano'n na nga yata. Bumalik yata 'yong feelings ko para sa kanya noon."

Ginulo ni Joyce ang red na buhok. "Maloloka ako sa 'yo!"

"Mars, ano'ng gagawin ko?"

"Ano'ng gagawin mo? Gaga, eh 'di, layuan mo siya. Hindi kayo talo. Alam mo 'yan. Sigurado, kapag nalaman niyang pinagnanasaan mo siya, mandidiri 'yon at lalayuan ka rin naman. So, mas mabuti nang ikaw na lang ang lumayo para hindi ka masyadong ma-hurt kapag binasted ka ng bakla."

Natahimik si Ruth. Kaya ba niyang layuan ang guwapong baklang iyon? Noong nakasama ulit niya si Romeo, na-realize niya kung gaano niya na-miss ito. Kaya baka hindi niya mapangatawanan na layuan ito. Ngayon pang "beshie" na ang tawag ng beki sa kanya? Mukhang wala na itong balak na layuan ulit siya. 

The Naked RuthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon