Part 26

1.9K 60 10
                                    

'SABI NILA, the best way to a man's heart was through his stomach. Kaya naman nang pumunta si Ruth sa pad ni Romeo ay nagprisinta siyang magluto ng dinner nito. Kasama iyon sa naisip niyang paraan kung paano makukuha ang puso ng beki. Ang goal niya sa ngayon ay maging super attached sa kanya ito. Iyong tipong ma-realize ni Romeo na hindi na nito kayang mabuhay nang wala siya. Kung magugustuhan nito ang luto niya ay hahanap-hanapin siya nito.

Habang abala sa kitchen area ay lumapit ito sa kanya at nag-alok ng tulong.

"No, just sit there. Noon ka lang muna ng TV habang naghihintay."

"No, I want to help. Konti pa lang ang alam kong lutuin until now. I need to learn more recipes. Para kapag nag-asawa na 'ko, marunong na rin akong magluto."

Natigil si Ruth sa paghihiwa ng carrot at napatingin sa beki sa nanlalaking mga mata. "May balak kang mag-asawa?"

"Oo naman! Basta kapag nahanap ko na si Mr. Right, aamin na ako sa daddy ko. Then magtatanan kami ng dyowa ko kapag hindi ako natanggap ni Daddy."

Nalaglag ang mga balikat niya sa narinig. Hindi nga naman limited sa magkaparehang may opposite sex ang pag-aasawa. In fact, kung aalis uli ng bansa si Romeo ay puwede pa itong makapagpakasal doon. At saka sa lamya ng boses nito ngayon, naisip talaga niyang posibleng mag-asawa ito ng babae?

"Ikaw?" tanong ni Romeo habang binabalatan ang patatas na nakita sa counter. "Kailan ka mag-aasawa? 'Di ba, next year, thirty ka na? Baka need mo nang mag-asawa. 'Di ba dapat nasa mid-twenties until late twenties, may-asawa na ang girls?"

Bumuntunghininga si Ruth. Mukhang malabo ang makapag-asawa siya kaagad dahil wala siyang karelasyon sa kasalukuyan. Maliban na lang kung mapikot niya ang baklitang ito.

"Okay lang 'yon. Iba na ang normal marrying age ngayon dahil marami nang career woman ngayon kaysa noong panahon ng mga nanay at lola natin na sa pagiging misis lang ang bagsak ng lahat ng mga babae kaya hindi kailangang patagalin pa bago mag-asawa."

"Hindi mo pa rin naaakit 'yong first love mo?"

"Hindi pa." At mukhang mahihirapan talaga siyang maaakit ito. Iniisip pa rin niya kung dapat niyang ipagtapat ang damdamin kay Romeo o ipagpatuloy ang subtle na pagpapaibig dito.

"Ang hina mo, girl! Kung ako ang may katawang ganyan, nakuha ko na siya."

Kung alam lang nito ang ginawa niya two weeks ago sa pad nito. Ginamit niya ang katawang iyon pero iba ang nakakita ng kahubdan niya at ngayon ay parang asong nabitin sa butong binubuntutan siya ng pinsan nito.

"Sino ba 'yon? Bakit parang ang choosy niya masyado para walang talab ang beauty mo sa kanya? Ano'ng pangalan? Patingin nga ng face niyan."

"'Wag na muna. Baka ma-type-an mo din. Ayokong pagnasaan mo rin siya."

"Gaga! As if naman makukuha ko 'yon. Ikaw ngang maganda at may pechay, dine-deadma, ako pa kaya?" Biglang suminghap ito. "Oh my god... hindi kaya closet gay din siya like me kaya deadma sa beauty mo?"

Closet gay nga talaga siya at ikaw mismo 'yon, gaga, sabi niya sa isip. "Hindi, no!"

"Well then, I think you need to work hard, girl."

Tumunog ang cellphone ni Romeo na nasa sala kaya bumalik ito roon. Hindi niya naririnig kung sino ang kausap nito dahil maingay ang TV na kaharap ng beki pero lumingin ito sa kanya habang nakikipag-usap sa tumawag.

"Sino 'yon?" tanong ni Ruth nang bumalik ito sa kusina.

"Si Travis."

"Bakit daw?"

Mukhang hindi inaasahan ni Romeo na magtatanong siya kung ano ang pinag-usapan nila ng pinsan nito sa telepono. Hindi kasi dapat siya nag-uusisa nang ganoon tungkol sa personal calls nito.

"Nakahalata ba siya?" patuloy ni Ruth para i-justify ang pagtatanong.

"Huh?"

"Iba kasi 'yong tingin niya sa 'tin habang kasabay natin siyang mag-gym two days ago."

Suminghap si Romeo. "Beshie... ano'ng ibig mong sabihin?"

"Wala lang. Na-paranoid lang ako. Iba kasi 'yong tingin niya sa 'tin. Para bang may alam niyang nagpapanggap lang tayo."

Nanlaki ang mga mata nito. "No way..." Halatang nag-isip ang beki. "Hindi naman niya alam na mermaid ako so bakit niya maiisip na nagpapanggap lang tayo?"

Kating-kati ang dila niyang sabihin na mali ng iniisip si Romeo pero alam niyang wala siya sa posisyong sabihin ang tungkol doon.

"Kulang pa ba 'yong sweetness ko sa 'yo noong nasa gym tayo?"

Naalala ni Ruth ang ilang beses na pag-akbay at paghawak ni Romeo sa baywang niya noong araw na iyon. Nagpapunas din ito sa kanya ng pawis at nagpaasikaso na parang isang tunay na boyfriend. Somehow ay may naging pakinabang sa kanya ang unwelcome presence ni Travis nang araw na iyon.

"Baka nga kulang pa. Baka dapat ni-lips to lips mo 'ko sa harapan niya." Sinundan niya ng tawa ang sinabi para kunwari ay nagbibiro lang siya.

Umungol si Romeo na wagas ang lukot sa mukha. "Do we really need to go to that extent?"

Nagkibit lang ng balikat si Ruth habang nakangisi. Pumunta siya sa harapan ng stove.

"Pero hindi naman natin kaya 'yon. Sa cheek lang siguro."

Lihim siyang napangiti habang kumukuha ng frying fan sa ibabang cabinet. Ano kaya ang pakiramdam ng madampian ng mga labi ni Romeo sa mga pisngi?

Bigla ay bumalik sa isip ni Ruth ang pagdampi ng mga labi ni Travis sa leeg niya pababa sa kanyang dibdib nang gabing iyon. Nabitiwan niya ang hawak na frying fan nang maramdaman ulit ang pagguhit ng init sa bandang puson niya sa alaalang iyon.

"What happened?" tanong ni Romeo habang lumalapit sa kanya.

"Dumulas lang sa kamay ko 'yong handle."

Tumayo na si Ruth at inilagay sa stove ang kawali. Bakit kailangang bumalik sa isip niya ang sandaling iyon? At bakit parang naapektuhan siya sa pagbabalik ng alaala?

Tumunog ulit ang cellphone na hawak ni Romeo. "Huh? Why?" Mukhang nabahala ito sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. "Fine." Pinatay nito ang tawag at tumingin sa kanya. "Maybe you can kiss me on the cheek later if it's okay with you."

"Huh?"

"Travis asked if he could come over now. He'll join us for dinner. Hindi ako puwedeng tumanggi dahil baka isipin niya ngang may itinatago tayo."

Nanlaki ang mga mata niya. "What?!"

ANNOUNCEMENT: This novel is now available in print book!

0rder here➡️ heartyngrid.com/orderform

Also available in Shopee➡️  https://shp.ee/hip324a

Also available in ebook format. See the link on my bio.

The Naked RuthWhere stories live. Discover now