Chapter 02

6.3K 99 2
                                    


"Hoy sabi ko sayo wag na wag kang mag papakita roon kay sir eh!" Bulong sa akin ni Kathleen noong nakita niyang hinihingal akong pumasok ng staff room.


"Hindi naman niya ako pinagalitan eh!!" Sabi ko sa kaniya. 


"Eh bakit hinihingal kang bumalik dito kung ganon?" Tanong niya sa akin.


"Nadulas kasi ako na sabi ko mapapang asawa ko siya," mahina kong bulong kay Kathleen.


"Ano?! Seryoso ka ba?? Ang epic naman non!" Sigaw niya pa at tinawanan ako.


"Kaya lang naman dito ako nag trabaho eh kasi crush na crush ko siya eh," sabi ko at bumuntong hininga siya.


"Wag kanang umasa kasi may hinihintay siyang bumalis, oh naalala ko lang na kaapelido mo yung hinihintay niyang bumalik." Sabi ni kathleen at nagtaas kilay ako sakaniya.


"Huh??" Parang kakailanganin ko ata ng chiSmis galing kay Kathleen ah.


"Bago ka nga pala kaya hindi mo kilala si maam Kendra! yun yung giirlfriend ni sir, siya nga ang una at mukhang siya rin ang huli kasi kahit iniwan na siya naghihintay parin. Martyr yan si sir kahit may pagka sama siya!" Sabi ni Kathleen at nalukot ang mukha ko.


So kaya pala tumigil sa pag re-reply sakaniya si sir Reigner sa instagram kasi iniwan niya ito?? Oh well kaya nga nandito ako diba dahil ako ang papalit sa kaniya sa puso ni boss Reigner mapagmahal_69, CHAROT.


"Alyanna! ikaw bata ka bakit tumakbo ka nalang bigla paalis sa harap ni sir reigner! May iuutos ata siya sayo nako ka!" Si inay Helen iyon.


"Hindi niya naman po ako tinawag eh!" Sabi ko at tumango naman siya.


"Hayaan mo na, saka pala wag kang aakyat don kapag office hours. Ayaw ni Sir ng may hindi kilalang itsura pag office hours kaya mga 7pm kana umakyat dahil sure ako wala na siya non!" Sabi ni inay Helen at yumuko ako.


Ano ba yan? Paano ko siya makikita kung aakyat lang ako kapag wala siya?? Kainis!


Nag mop ako ng ibang floor para masanay ako dahil sa tutuo lang hindi ako pinaglilinis sa bahay namin dahil may maids kami at sa resort naman namin ay ako ang nag ma manage ng mga restaurants kaya yung pag ma-mop ay ginagaya ko lang ang nakikita ko sa tv.


Mabilis ang naging oras sa trabaho dahil sa dami ng ginagawa, nag lunch kami ng sabay ni Kathleen sa karinderya sa labas at hindi naman masama ang pagkain kaya okay na rin mapag tsatsagaan na. Mas masarap ang luto ko!


Noong 7 na ay pumanik na ako sa floor ni sir Reigner at wala na nga siya hays!


"Nag trabaho ako dito para makilala ako tapos naman wala naman siya!! sabagay isang buwan lang naman, masaya na ako makita siya sa umaga!" Rant ko pa habang nag ma-mop.


Noong natapos ako ay bumaba na ako kaagad para mag ayos na pauwi.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now