Chapter 07

5K 78 5
                                    

"A-anong ginawa mo?" Nauutal kong tanong sa kaniya.


"Mina-markahan lang kita." Sabi niya at ngumiti sa akin.


TAPAKAN NIYO AKO PLEASE NGAYON NA WAAA ANO BA I DO NA AGAD TARA NA SA SIMBAHAN BAKA MAG BAGO PA ANG ISIP KO NGI HAHA.



"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sakaniya.



"Hindi pa ba halata? Hinalikan kita so now you're mine." Sabi niya at iniwan niya akong naka tunganga sa office niya.



Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa nangyayare dahil feeling ko may something. Alam kong patay na patay ako kay Harvin pero alam ko kung ano ang worth ko as a woman.



Sana hindi niya ako gawing panakip butas dahil excited na ako sa mga susunod na pangyayare.


Hindi ko nalang pinansin ang iniisip ko kanina at ngumiti ngiti nalang habang pababa.



"Tara na uwi na tayo!" Sabi ni Kathleen at mukhang pagod na pagod pa siya.



"Tara kain tayo sa restaurant diyan, libre ko!" Sabi ko at bigla namang lumiwanag ang itsura niya.



"Oh my ghosh, tara na baka mag bago pa ang isip mo!" Sabi niya at tumango ako.




Umupo kami sa unang lamesa na nakita namin at kitang kita ko ang excitement kay Kathleen.




"Alam mo ba? Syempre hindi pero ito ang unang beses ko na makaka kain sa mamahaling kainan!" Sabi niya at ngumiti ako sakaniya.



"Hayaan mo, kapag umuwi ako saamin kukunin kita agad at doon ka nalang mag trabaho sa restaurant ko." Sabi ko sakaniya pero umiling siya.



"Matagal na akong nag ta trabaho sa kumpanya nila at ayaw ko namang umalis dahil yung trabaho kona yon ang nag bigay pang kain at nag pa tapos sa akin sa pag aaral" sabi niya at tumango ako.


Dumating na ang order naming steak at sabay na kaming kumain.


Nag Vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon.



K.Esguerra Accepted your follow request


Hmm parang ang unusual pero sige para may balita ako sayong bruhilda ka.


Nakita ko na may Instagram story nanaman si HRvelez kaya naman tinignan ko iyon.



Pader iyon , doon niya ako....



Teka nga,,,,


SO YUNG NGA IG STORY NIYA NA MGA LUGAR AY DOON NIYA AKO NAKITA , YUNG UNANG STORY NIYA NUNG UNA KONG DATING IS YUNG LABAS KUNG SAAN KO NASABI NA MAPAPANG ASAWA KINEME TAPOS YUNG KUNG SAN AKO NAGLILINIS AT ITO NAMAN...


Ikaw ah patay na patay ka na rin sa akin! Charot lang po..



Umuwi na rin kami kaagad para makapag pahinga na dahil tomorrow is another day.



Maaga kaming nagising dahil masaya kami at excited na akong pumasok dahil feel ko may magiging sweet dahil ako ay isang dakilang ASSUMING.


Habang nag lalakad sa daan ay may nakita akong ig story si Kendra kaya naman pinindot ko iyon, pake nya ba kung abangers ako ng story niya. Kalabanin niya ako pag mas mayaman na siya saakin CHOZ.


Noong naka rating nakami sa building ay nag palit na kami kaagad ng uniform pang trabaho.


Nag simula na kami sa morning routine namin na pag lilinis kaya naman nag hiwalay na kami kaagad.



Nabagabag ako sa ig story ni Kendra pero wala naman akong pakelam sakaniya , para namang mag papatalo ako sakaniya.


Nag mop nalang ako ng nag mop dahil nasa meeting daw si crush kaya hindi rin ako makakapag pa pansin.



Ihh parang gusto kong mag inarte HAHAHAHAHA okay OPLAN INARTE SI ALYANNAVERSE.



Noong narinig ko kay Kathleen na tapos na ang meeting ay kunwa kunware pa akong walang pakelam.


"Ui hindi ka ata excited na makita yung crush mo?" Tanong sa akin ni Kathleen at kinagat ko ang loob ng pisnge ko para mapigilan ko ngumiti.


"Hindi naman araw araw eh excited akong makita siya." Pag pa panggap ko pa pero ang tutuo ay sa loob looban ko ay naka ngiti na ako.



"Talaga ba? Kahit puntahan ka niya ngayon dito hindi mo na siya crush?" Tanong pa sa akin ni Kathleen.


"Oo," at humarap ako kung nasaan siya pero nagulat ako nung nakita ko si Harvin sa harap ko at masama ang tingin sa akin.



"Bahala kana diyan ah Alyanna!" Sabi ni Kathleen at umalis.


"Talaga ba hindi mo na ako gusto?" Tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay.



"Oo nga!" Sabi ko at hinawakan niya ang mukha ko



"Talaga ba?" Tanong niya sa akin at tumango ako.



"Kung hindi mo ako seseryosohin tumigil kana lang. Seryoso ako na gusto kita at ayaw ko na baka ginagamit mo lang ako." Seryoso ako sa sinasabi ko ngayon.



"Gusto kita, seryoso ako." Sabi niya at feeling ko mukha na akong mansanas.



"bakit ka namumula? Akala ko ba hindi mo na ako gusto?" Sabi niya at kinurot ko ang ilong niya.



"Joke lang yon!" Sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. Nag lakad kami papunta sa office niya.



"Sabay tayong mag lunch, nag pa bili ako ng pagkain natin!" Sabi niya at pina upo ako sa sofa.


"Harvin, pwede bang humingi ng favor?" Tanong ko at tumango siya.



"Sana wag mo akong gawing panakip butas kasi masakit yon. Hayaan mo akong magustuhan ka pero kung pinipilit mo lang sarili mo, hayaan mo ako. Kaya kong gustuhin ka lang. Alam ko ang worth ko as a woman, hindi okay sa akin na kinakaawaan mo lang ako kaya ka ganyan. Alam kong straight forward ako kasi ako yon eh. Sana gustohin mo ako na tapos kana mag mahal ng iba dahil kung hindi" Seryoso kong sabi at parang nanginginig siya.


"Kung hindi?" Namumutla niyang sabi.


"Kung hindi ay magsisisi ka , once matapos ako sayo baka lumuha ka ng ilog." Sabi ko sa pinaka seryoso kong boses.



"Nung hinalikan kita, seryoso na ako sayo. Kinakabahan ako kasi satingin ko kapag ikaw na ang nawala sa akin ay hindi ko na kayanin, alam kong ang speed ko sayo pero ayaw ko na mag paligoy ligoy pa. Gusto kita at hinding hindi ka magiging panakip butas." Sabi niya at tila ba nawala ang buhat buhat ko kanina pa.



Sabay kaming kumain ng lunch na binili niya. Kinikilig ako kasi dati pangarap ko lang naman ang magustuhan niya pero ito na nga.



Ang speed pero hindi ko alam bakit masaya pa rin ako , hindi ko naman hiniling na magustuhan niya ako pero ito yung binigay.


May kumatok sa pinto kaya naman kaagad akong tumayo para ako ang mag bukas , uutusan ko pa ba ang boss ko.



"Dito ka nalang sa tabi ko please!" Sigaw niya at tinarayan ko siya habang binubuksan ang pinto.



Kung kanina sobrang lake ng ngiti ko, ngayon ay parang unti unting nawala.



Tinulak ako ng babae at tumakbo palapit kay Harvin.



"OMG MY REIGNER I MISS YOU SO SO MUCH!! MISS ME NA BA? ANDITO NA AKO!!" Maligayang sigaw ni Kendra habang niyakap yakap si Harvin na naka tingin sa akin.


Unti unti na akong lumabas dahil sa hindi malamang kadahilanan ay masakit na literal ang dib dib ko.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now