Chapter 11

4.9K 78 0
                                    

"Bakit hinatid ka ni sir Harvin? Hmm." Pang aasar pa sa akin ni Kathleen.


"Magkasama kami, hinanap niya kasi ako tapos nakita niya ako." Simple kong sagot at halos maluwa niya na kaluluwa niya kakapalo saakin sa kilig.


"OMG sabi ko sayo eh! Seryoso talaga sayo yan, galing mo girl kasi nakalimutan niya yung first love niya dahil sayo!" Sabi ni Kathleen.


Sana hindi ganon, sana nakalimutan niya na talaga bago ako. Ayokong ginawa akong instrumento sa pag mo move on!!



"Gusto ko sanang bumisita sa CG kaso mukhang malapit na rin naman akong umuwi kaya wag nalang." Sabi ko at tumango tango pa siya.



"Hindi na talaga mag babago isip mo? Aalis kana talaga? Paano kayo ng ultimate crush mo?" Tanong sa akin ni Kathleen.


"Hindi ko naman kailangang matakot kung mahal niya talaga ako." Sabi ko pa at ngumiti siya.



Natulog na rin kami kaagad para maagang magising dahil mayroon pa kaming trabaho bukas, at syempre excited na ako makita yung panget king manliligaw.



Nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong may ig post si Harvin.


Picture naming dalawa yon na may captiong.



"The girl i'll be spending the rest of my life with"



Feeling ko aatakihin ako sa sobrang kilig. Halos hindi ako maka tulog kakatingin sa ig post niya na iyon!!!



MASYADO KANANG PATAY NA PATAY SA AKIN AH, KAWAWA KA NAMAN HINDI KASI KITA BET EH......



Tawang tawa ako sa sarili ko dahil andami ko nanamang naiisip na trip.



Hindi ko alam kung paano ako naka tulog kahit na sobrang kilig ang nararamdaman ko.



"Huy ano palit parin ba tayo ng floor?" Tanong sa akin ni Kathleen at tumango ako.


"Hah? Bakit naman? Di ba okay naman na kayo ni Harvin mo!" Pang aasar niya sa akin pero dahil mas mapang asar ako ay hindi ako don mag mop sa office ng panget kong manliligaw.



Tumuloy na ako sa 15th floor para roon mag mop , napansin kong ang lahat ng empleyado roon ay naka tingin sa akin.


WOW NAKAKITA BA KAYO NG ARTISTA? OH WELL SA GANDA KONG TOH KAHIT AKO DI AKO MAKAPAG SALITA EH.



Nag mop nalang ako ng nag mop at nagulat akong may empleyado na lumapit sa akin para hilain ako.



"Bakit po?" Tanong ko at humarap ako sa tinitignan niya , nagulat akong naroon si Kendra.




"Alam mo hayop ka!" Sigaw niya at sinabunutan niya ako ng sobrang lakas.



"Aray tama na! Tama na po!" Sabi ko dahil nasasaktan na talaga ako.



Punyeta pasalamat siya hindi ko siya pwedeng labanan. Kailangan ko muna mag paawa effect, tangina.


"Ang landi landi mo! Ang hayup hayup mo! Hindi mo ba alam na saakin si Reigner! Saakin siya , mang aagaw kang malandi kang janitress ka!! PULUBI" Sigaw niya pa habang sinasabunutan ako at pinipigilan ko ang kamay niya.



TANGINA KAYA KITANG BILHIN! WAG MO AKONG MAHIRAP HIRAP DAHIL KAYA KO KAYONG BILHIN LAHAT.


Alyanna , stay cool.



"Wag mo akong tignan ng masamang malandi ka!" Sabi niya pa at mas lalo niyang sinaktan ang pag kaka sabunot niya sa akin.



"Tawagin niyo si sir!" Narinig kong bulong ng mga empleyado.

Hinarap ako ni Kendra at malakas niya akong sinampal.


"ARAY KO NAMAN! ANG SAKIT NA NON AH!" Sigaw ko

"Dapat kalang masaktan dahil Malandi ka pokpok!" Sigaw niya at sasampalin niya pa dapat ako pero merong humarang.


"Kendra!!!" Malakas na sigaw ni Harvin at napangiti ako.


Oh Well ako lang toh duh....


"Reigner yang babae na yan!! Malandi yan!! Sinaktan niya ako!!" Sabi niya pa at umiyak iyak.


"Tumigil ka nga! Ang daming naka kita kung anong ginawa mo sa akin! Damn it!" Sigaw ko dahil hindi ko na napigilan ang inis ko.


"Tignan mo oh sinisigawan niya ako! She's hurting me, love!" Sabi pa ni Kendra.






"Love--" Nagulat ako sa sinabi ni Harvin na iyon at tinignan ko siya ng masama.



"Damn it KENDRA!" sigaw ni Harvin at umalis na ako dahil sa harap ko pa talaga niya ako tinawag si Kendra ng love??


Hah, tangina lang.



Nag madali na akong pumunta ng elevator at pag ka labas ko ay sakto naman na naroon si Ivan.



"What the heck! Alyanna anong nangyare!" Tanong ni Ivan sa akin , ang kakambal ni Janine.



"Umalis na tayo dito!" Nanginginig kong sabi sakaniya at hinila niya ako palabas ng building.



Sumakay kami sa kotse niya at doon ko na nga nalabas lahat ng sakit na naramdaman ko simula kanina.


"Anong nangyare? Alyanna?" Tanong saakin ni Ivan at tumulo na nga unti unti ang luha ko.


"Hindi ako lumaban , hindi ako nakipag away dahil tangina ayokong masira image ko sakaniya dahil kahit onte ay nirerespeto ko siya dahil ex niya yon at ayaw kong hindi professional lalo na nasa opisina pero tangina akala ko ba ako na yung mahal??" Umiiyak kong sabi habang nag da drive si Ivan.


"Akala ko ba ako na? Pero bakit? Tangina!" Humihikbi na ako.


"Nag mahal lang naman ako diba, nag mahal lang ako pero bakit naman ganito!!? Bakit kailangang saakin gawin toh!!"


"Ginawa ko naman lahat ah! Minahal ko siya! Kung tutuusin mahal na mahal ko siya eh! Tinanggap ko siya kahit alam kong lugi ako dahil may ex siya na di makalimutan pero tangina bakit naman ito yung ginawa sa akin??" Umiiyak at tuloy tuloy ko pang rant.


"Alyanna , stop crying."


"Paano?? Paano ako titigil kung sobrang sakit ng nararamdaman ko?? Paano ako titigil kung hindi ko matanggap sa sarili ko na kasalanan ko rin naman kung bakit nangyayare sa akin to!!? Kung sanang hindi ako nag padala sa emosyong toh! Edi sana  okay ako, kung sanang hindi na ako nag punta dito at nagpapansin sakaniya edi sana hindi ako umiiyak ngayon! Kung sanang minahal ko na lang siya sa malayo ay hindi mangyayare saakin toh!"



"Ako si Alyanna eh, pero hindi ako lumaban kahit alam kong kayang kaya kong supalpalin yung babae na yon! Ang sakit sakit , akala ko mahal niya na talaga ako pero niloko niya ako. Pinaniwala niya akong ako na ang mahal niya, ang babaw ko na narinig ko lang na tinawag niyang love si Kendra pero tangina ang sakit eh! Ang sakit sakit! Yung puso ko literal sobrang sakit ng dahil sa iisang salita na yon." Sabi ko at hinayaan ang sarili kong lumuha sa kotse.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now