Chapter 12

4.9K 83 1
                                    

"Alyanna, kumain ka naman na!" Si Janine habang hawak hawak ang tray ng pagkain.


"Magagalit si Tita Sachi sayo bahala ka!" Sabi niya pa at ngumiti lang ako ng mapait sa kaniya.


"Ibaba mo nalang diyan." Mahina kong sabi sa kaniya.



"Tapos ano? Iiwan mo nanaman diyan! Alyanna naman! Isang buwan kanang ganyan! Isang buwan na nung nangyare yon, tumigil ka naman na! Maawa ka naman sa sarili mo!" Sigaw niya at natawa ako.


"Galit ang nararamdaman ko sa sarili ko Janine." Madiin kong sabi.


"Tanginang!" Sigaw niya.



"Galit ako dahil hinayaan kong gaguhin ako, hinayaan kong ipahiya ako ni Kendra, hinayaan kong mahalin si Harvin hanggang sa mahulog na ako at hindi ko na kayang umangat uli. Kasalanan ko lahat dahil ako ang umalis , ako ang nagpapansin at ako ang umasa na makakalimutan niya kaagad si Kendra." Sabi ko at nagulat ako na niyakap ako ni kuya Cedrik.


"Alyanna, i know how it feels. Alam ko kung gaano kasakit but please be brave." Sabi ni kuya Cedrik at tumango ako.


"Puwede ba akong mag mall saglit?" Tanong ko at tinignan ako ni Janine at kuya Cedrik.



"Anong gagawin mo sa mall?" Tanong ni Janine sa akin.



"Mag sa-saya lang ako saglit, puwede naman di ba?" Tanong ko at ngumiti sila sa akin at tumango.



Nasa mall ako ngayon para mag shopping, baka kung sakaling bumili ako ng mga gusto ko ay mabawasan ng konte ang nararamdaman ko.



Habang nag lalakad ako ay napaka raming nakaka cringe na mag jowa at tila ba nasusuka ako sa nakikita.


Natawa ako matapos kong maisip na pinapangako niya pa ako na wag ko siyang iwan pero ginago naman ako.


Nag punta ako sa Department store dahil gusto kong bilhin lahat ng makita kong gusto ko.


Apat na paper bugs na ang dala ko at tumigil ako saglit sa bilihan ng tv dahil sa nakita ko.


Wow EK. Bakit kailangan i advertise niyo pa yang EK nayan?


Napa roll eyes nalang ako at nag tuloy na sa pag lalakad.


Kinuha ko ang bagong cellphone ko dahil tinapon ko na yung luma kong cellphone.



Nagulat ako noong may humawak sa aking kamay at nakita kong si Kathleen iyon!



Nanlake ang mata ko noong biglaan niya akong niyakap!!



"Alyanna!!! Miss na miss na kita!" Nabasag ang boses niya at niyakap ko rin siya.


"Kain tayo?" Tanong ko sa kaniya at pumunta kami sa Maxs Restaurant.



"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kaniya.




"Ang tutuo ay gusto lang kitang hanapin, nalaman ko yung nangyare nung araw na yon at alam kong hindi kana babalik sa bahay non." Sabi niya pa.



"Kamusta ka na? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakaniya habang pilit na ngumingiti.



"Hinahanap ka ni sir Reigner." Sabi niya at nag roll eyes lang ako.


"Hinahanap niya ako? Ah dahil ba sinigawan ko yung Kendra niya?" Tanong ko at umiling siya.


"Galit na galit siya noong araw na yon, pinahiya niya si Kendra at naitulak niya. Hinahanap ka niya pero hindi naman kita ilalaglag kung taga saan ka dahil alam kong nasaktan ka lang pero gusto kong sabihin sayo na palagi ka niyang hinahanap, hinahantay ka niya at palagi siyang sobrang sawi." Kwento pa ni Kathleen pero natawa lang ako.



"Ang funny mo pala Kathleen! Pwede kanang clown!" Sabi ko at tinignan niya ako.





"Alyanna bumalik na sa dati si sir na cold sa lahat, lahat pinapagalitan niya na at wala na ulit nakakalapit sa kaniya. Mahal ka niya Alyanna, kitang kita naming lahat na mahal ka niya kaya please bumalik kana. Araw-araw lasing si sir, malapit na siyang mabaliw kakahanap sayo." Sabi niya.


"Wala akong pakelam sa kaniya Kathleen, pumunta ka dito para mag bonding tayo diba kaya ayon ang gawin natin! Wag na nating sirain ang araw dahil wala rin akong pakelam sa pinag sasabi mo!" Sabi ko.



"Sinubukan niyang patayin ang sarili niya, Alyanna." Biglang sabi ni Kathleen at doon na ako nang lambot.



"Nakita siya ng secretary niya na uminom ng maraming gamot pero buti nalang ay hindi pa iyon matagal kaya naging okay pa siya kahit papaano. Mahal ka niya Alyanna, maniwala ka." Sabi niya at tumango ako.



"Kapag nahanap niya ako, baka subukan ko siyang patawarin." Sabi ko at tumango siya.



Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko noong marinig ko ang lahat ng iyon kay Kathleen, alam kong mahirap saakin pero nahirapan ba talaga si Harvin? Minahal niya ba talaga ako? Maniniwala ba ako kay Kathleen?



"Kailangan ko bang maniwala sayo Kathleen? Kasi hindi ko kaya eh, mag sisimula nanaman ba akong mabaliw? Mahal ko siya Kath, Mahal na mahal kaya sobrang sakit sa akin ng lahat ng yon." Sabi ko at tumayo siya para yakapin ako.



Kung satingin ng iba ay mababaw ako doon sa love na yon, edi mababaw pero masakit sa akin. Wala pa ang buong tiwala ko dahil natatakot ako, alam kong may iba siya bago ako pero simubukan ko eh kaso anong nangyare? Rumupok siya sa love kaya na pa love din siya.


Masakit sa akin kasi ako matagal ko na siyang mahal, 6 years ko na siyang mahal pero siya isang linggo pangalang ata eh pero kahit natatakot akong sumubok ay sumubok ako dahil umaasa ako na ako naman ang mahalin.


Hindi ko deserve ang maging fallback, hindi ko deserve maging panakip butas at hindi ko deserve maging instrumento ng pag mo move on kaya umalis ako. Alam ko ang worth ko at ang salitang yon ang nag pa gising saakin muli dahil nakatulog ako sa ganda ng panaginip na pinaranas niya.



"Grabe Alyanna, ang ganda ganda pala talaga ng resort niyo!!" Manghang mangha na sabi ni Kathleen habang naka tingin sa resort namin at view.



"Maganda dito kaya habang nandito ka mag bo bonding tayo!" Nakangiti kong sabi at tumango tango siya.





"Alyanna." Nanlamig ako sa narinig kong boses, tila nanumbalik ang lahat sa akin.



Tinignan ko si Kathleen para tanongin kung may alam siya pero umiling iling lang siya.




Humarap ako at nakita ko ang nangangayayat , sobrang lakeng eyebags at sobrang lungkot na imahe ng lalakeng mahal ko.



"I love you."

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now