Chapter 16

5.8K 86 5
                                    

"Ang lakas naman pala ng loob ng lalake na yan na mag pa cater pa sayo!" Galit na sabi ni kuya Cedrik habang nasa opisina niya kami.


"Kuya hayaan mo na, alam niya ba na buhay ako?" Tanong ko at umiling siya.


"Walang nag sabi at never naman namin sasabihin, ayaw naming magulo ang buhay niyo ni Reign habang nasa ibang bansa kayo." Sabi niya at tumango ako.


"Okay ka na ba talaga? Halos kakabalik niyo lang tapos ganito pa ang nangyare , sorry ah." Sabi niya at tumango tango pa ako sa kaniya.


"Okay naman na ako kuya, wag kang mag alala." Sabi ko at niyakap niya ako


"Mabuti kung okay ka na, kapag may problema ka andito lang si kuya ah!" Sabi niya at tumango ako.


"Kuya nakita mo na ba si Chai?" Tanong ko sa kaniya at umiling siya.


"Maraming leads na nasa Pampanga siya pero kapag naman pumupunta ako wala, ayaw kong sumuko pero pagod na pagod na rin ako." Sabi niya at tumingin ako sa kaniya.


Ang sakit isipin na hindi ako pwedeng mag salita, ayokong pangunahan si Poula dahil alam kong gusto niya lang mapa buti si Chai.


"Eh si Cindy kuya? Naasikaso mo na ba siya?" Tanong ko para mayroon akong masabi kay Poula.


"Hindi ko alam, ang gulo gulo niya. hindi ko alam kung pano niya na kuha yung letter!" Sabi nito.


Nag tuloy tuloy pa ang usapan namin pa tungkol sa kay Chai at umuwi na ako dahil baka hinahanap na ako ng anak ko.


"Mommy alam mo po ba? Andito po si tita Sunshine kanina tapos tinuruan niyo po ako mang gamot! Gusto ko nga po ata maging tulad niya eh!" Kwento pa sa akin ni Reign.


"Parang kahapon lang gusto mong maging chef? Akala ko ba anak ako ang gusto mong maka tulad anak?" Natatawa kong sabi sa kaniya.


"Eh mommy ganon po talaga yon!" Sabi niya at natawa ako dahil sa sinabi niya.


"Ay mommy oo nga po pala, kanina po may nakita akong pinapanood si tita Sunshine na babae tapos di ko po ma gets bakit habang pinapanood niya yung girl ay parang galit na galit pa po siya!" Sabi ni Reign at natawa ako.


"Kailan ka pa naging chismosa anak?" Tanong ko sa kaniya.


"Mommy hindi po ako chismosa, nahalata ko lang po! ano kasi name nung girl na nag lalakad with pretty dresses? hmm ayun mommy! kendra po yung name!" Sabi niya at nanlake ang mata ko.


"Ah baka naman hindi galit ang tita Sunshine mo!" Kasi ako ang galit sa malandi na yon.



"Siguro nga po kasi ang pretty niya po eh!" Sabi ni reign at pinilit ko nalang ngumiti


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now