Chapter 09

5.1K 84 0
                                    


Habang nag re-reflect ako sa mga nangyare kagabi ay naisip ko na masyado akong kinain ng infatutation ko kay Harvin, hindi maganda na umiikot ang mundo sa isang lalake.


Habang nasa terrace ng villa ay uminom ako ng kape, na miss kona yung gantong buhay na puro lang saya.


Hays sabi nga ni chai, mukhang masama sa puso ko ang lalakeng ito.


Papasok na sana ako ng villa ngunit nagulat ako na mayroong palapit sa akin at nanigas ako dahil sa nakita.


"Satingin mo ba makakatakas ka sa akin?" Malamig niyang sabi sa akin.


"Mukha bang tinatakasan kita? Binibigyan kita ng oras niyo ni Kendra." Sabi ko at nanlamig ang buo niyang ekspresyon.


Satingin mo ba madadaan mo ako sa ganiyan?


"Wala ka bang tiwala sa akin noong sinabi kong ikaw ang gusto ko! Na seryoso ako sayo!" Sabi niya at tinaasan ko lang siya ng kilay.


Mahal kita pero ako hindi mo ako mahal kaya wag na wag mo akong tinatarayan diyan.


"Aalis ba ako kung may tiwala ako sayo? Hindi mo ako kilala Harvin pero siya matagal na! satingin mo ba maniniwala ako sa isang salita mo na hindi kapani paniwala? Alam ng lahat ng empleyado mo kung gaano mo kamahal si Kendra kaya wag mo akong sinusumbatan dahil sa ating dalawa ako ang lugi!" Sigaw ko at nanlamig siya.



"I gave kendra a part of me ,alyanna . But when you entered my life and made me realize that i can be my self when i'm with you and i can be the happiest version of me when i'm with you. Suddenly everything around me went black and realized that i fell in love again .i took back the part of me that i gave to her because i want to give you my whole, Alyanna. I want to love you with all of me, no limitations and pure sincerity."


Hindi ko alam pero sobrang nanlambot ako sa sinabi niyang iyon at tumulo ang luha na pinipigilan kong lumabas dahil sa gusto kong mag mukhang matapang.


Lumapit siya sa akin at niyakap ang nanghihina kong katawan.


"Sorry kung kailangan makita mo na ginawa iyon sa akin ni Kendra, hindi ko siya hinalikan okay! siya ang humalik at tinulak ko naman na siya kaagad. Hindi ko inexpect na magugustuhan kita agad Alyanna, i like you so much at natatakot ako." Sabi niya habang mahigpit parin ang pagkakayakap sa akin


"Bakit ka natatakot?" Tanong ko sakaniya.


"Natatakot ako kasi mas mahal kita kaysa kay kendra kaya alam kong triple yung sakit sa akin kapag ikaw na ang nawala." Sabi niya at tumango ako at niyakap na rin siya pabalik.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero bakit kahit saglit palang kaming mag ka kilala ay parang ilang taon na yung nadarama ko pag kapiling ko siya.


Noong medyo okay na kami ay umupo kami sa sofa sa loob ng villa.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now