Chapter 21

6.6K 85 2
                                    


Masakit ang ulo kong gumising sa isang malakeng kwarto na bago sa aking mga mata kaya naman kaagad kong tinignan ang sarili ko kung may bugbog ba ako o nakatali ba ako ngunit hindi naman.


"Nasaan ako?" Mahina kong tanong sa sarili ko.


Kaagad ako nakaramdam ng pag aalala dahil sigurado akong hinahanap na ako ng anak ko.


Unti unting nag bukas ang pinto at agaran kong kinuha ang unan sa tabi ko para gawing shield pero nagulat ako sa lalakeng may dala dalang pagkain .



"Gising kana!" Nakangiti niyang sabi at lumapit sa akin, nanlamig ako dahil hindi ko gusto kung ano ang mga susunod na mangyayare.



"Anong ginagawa mo?" Malamig kong tanong sa kaniya.



"Mag tanan na tayo Alyanna, lumayo na tayo dito!" Nakangiti niyang sabi at kinilabutan ako.



"Tangina nag iisip ka pa ba?" Iritado kong sabi sa kaniya



Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.



"Oo naisip ko na toh, kapag lumayo tayo Alyanna wala ng haharang sating dalawa. Mahal kita at mahal moko kaya mag tanan na tayo!" Nakangiti niya pang sabi at nairita ako.



"Tangina ganon ganon mo lang tatalikuran sina Kendra at anak mo?? Tangina nag iisip ka pa ba hah?!! Gago ka ba!! Isipin mo yung magiging anak niyo at ang asawa mo!! Engagement party niyo na in two weeks tangina!" Sigaw ko sa kaniya.



"Wala akong pakelam sakanila! Pagkakamali lang kung may nangyare saamin! Eh hindi ko nga maalala kung may nangyare ba saamin eh!" Sigaw niya at sinampal ko siya ng dalawang beses.



"Ang gago gago mo! Tangina bakit ba kita minahal?? Umalis tayo dito! Bumalik kana sa mapapang asawa mo!" Sigaw ko at biglang lumungkot ang kaniyang ekspresyon.



"Alyanna wala na akong maisip na paraan para maging malaya ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, gustong gusto na kitang makasama." Sabi niya at tinignan ko lang siya.



"Alyanna hindi ko na alam paano pa kita mamahalin, hindi ko kaya na wala ka kaya naisip kong mag tanan nalang tayo." Sabi niya at umupo sa tabi ko.



"Mahal kita Harvin pero wag mong tapusin ang relasyon niyo ni Kendra dahil lang saakin. Ayaw kong ako ang dahilan para maka sira ng isang pamilya. Mahal mo naman siya noon diba? Bakit hindi mo nalang ibalik yung noon?" Sabi ko at umiling siya.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz