Chapter 04

5.5K 97 4
                                    

"Oh bakit parang ang ganda ganda ng mood mo??"  Tanong sa akin ni Kathleen habang sabay kaming nag la-lunch sa may tapsilogan sa tapat ng kompanya.


"Ah wala lang, naisip ko kasi na parang ang saya pala mabuhay ng mapayapa!" Sabi ko habang nakangiti parin.


Nako mukhang buong araw nanaman akong naka ngiti niyan dahil sa nangyare!! Hays okay lang naman kung siya naman ang dahilan.


"Alam mo ang labo mo! Bilisan mo na nga para naman makapag pahinga patayo bago mag trabaho uli!" Sabi niya at tumango tango pa ako sa kaniya.


Noong paalis kami ay naka kita ako ng pineapple juice kaya bumili na ako kaagad.


"Anong gagawin mo diyan?" Tanong niya sa akin.


"May pagbibigyan lang ako!" Sabi ko pa at ngumiti ngiti na sa kaniya.


Kahit ata buong building ang i-mop ka ay hindi ako mapapagod eh dahil nag ka usap kami! Yun lang naman ang goal ko kaya nag punta ako dito eh, ang mapansin niya ako!!


"Minsan talaga sobrang saya mabuhay!" Bulong bulong ko pa habang naglalakad lakad papunta sa office ni sir Harvin.


Ang lakas talagang maka gwapo ng pangalan niya!!! hihihi nakakainis!!!


Dahil break ko naman ay kinuha kona ang cellphone ko para itext sina mommy.




Ako:


mommy, i miss you po!


Kaagad namang nag reply si mommy sa akin.



Mommy:


umuwi kana kung miss mo na ako! ano ba kasi ang ginagawa mo diyan si manila ah!?



Ako:


mommy may tinatrabaho lang po ako dito!



Mommy:


miss kana ng daddy mo kaya tumawag ka naman saamin!



Ako:


okay po mommy, pag uwi ko po tatawag ako! nasa work po kasi ako eh.



Mommy:


sige, pupunta na ako sa resort eh may makulit kasing bata ang iniwan ang trabaho niya dito kaya ako ang umaasikaso.


Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now