Chapter 14

5.2K 76 3
                                    

Bakit nalaman ni Kendra kung nasaan kami? Ano nanaman ba ang binabalak niya?



Kanina pa ako kinakabahan , inaamin ko na nakaramdam ako ng matinding takot dahil iba na toh ngayon. Hindi na simpleng crush lang si Harvin sa akin, mahal na mahal ko na talaga.


Hindi ko alam ano pa ba ang gagawin ko? Ano pa ba kailangan kong patunayan para lang hindi ako iwan uli? Tangina hindi ako toh!!! Hindi ako natatakot sa kahit na ano!!


"Baby, anong iniisip mo?" Biglang nagising ako sa pananaginip ko ng gising dahil sa boses na iyon ni Harvin.


"Wala naman." Pag sisinungaling ko , ayaw kong malaman niya na na dito si Kendra dahil baka piliin niya nanaman ito kaysa sa akin.


"Bakit kanina ka pa namumutla at para bang nanginginig ka kanina pa?" Tanong niya sa akin at umiling iling ako.


"Wag mo na akong isipin, wala lang toh." Sabi ko at tumango tango siya.


Pinanood ko siyang kumain ng niluto kong almusal kahit kanina pa marami ang iniisip ko.


Paano na niyan? Paano ko na siya ilalayo? Tangina oo na, threatened na ako kay Kendra kasi mas matagal siyang minahal kaysa sa akin.....



Lumabas ako ng walang paalam habang hinuhugasan niya ang mga pinggan para mag punta kay kuya Cedrik, sa lahat ng kaibigan ko si kuya Cedrik ang makakaintindi sa akin.


"Oh bakit nandito ang favorite kong pinsan hah?" Tanong ni kuya Cedrik at ibinuka ang kaniyang kamay aakmang yayakapin ako kaya naman tumakbo ako para yakapin ito.



"Kuya , natatakot ako." Pag amin ko sa kaniya.


"Bakit ka natatakot? Kwento mo sa akin Alyanna, makikinig si kuya." Sabi niya at humarap ako sa kaniya.


"K-kuya," nabasag ang boses ko at unti unting bumuhos ang aking luha.



"Shh shh it's okay to cry." Sabi niya sa malungkot na boses.


"Kuya natatakot akong piliin ni Harvin si Kendra." Pag amin ko at tinignan ako ni kuya Cedrik.


"Hindi ka ba nag titiwala kay Harvin?" Tanong niya sa akin at umiling ako


"May tiwala ako sakaniya kuya pero hindi nawawala sa isip ko na mas matagal naging sila ni Kendra kaysa sa amin." Sabi ko at humikbi na dahil sa sakit na nararamdaman.


"Mas matagal ko ring nakasama si Cindy pero si Chai ang mahal ko." Sabi niya pa.


"Kuya ikaw yan eh, alam ko namang mahal mo si Chai. Pero kuya si Harvin usapan eh, si Harvin na nag propose na kay Kendra dahil gusto niya na itong mapang asawa. Anong laban ko ron kuya? Anong laban ko sa babaeng once niya ng nakita na magiging ina ng mga anak niya, magiging asawa niya at mamahalin niya sa pang habang buhay?" Umiiyak parin ako habang nag sa salita.



"Alyanna, mahal ka ni Harvin. Nakikita naming lahat kung gaano ka niya ka mahal kaya wag kang matakot." Sabi ni kuya at niyakap akong muli.



"Hindi niya naman ako iiwan di ba? Hindi naman ako panakip butas lang di ba? Hindi naman siya nandiyan kasi ako hindi siya kayang iwan. Pinili niya naman ako kasi mahal niya ajo di ba, Hindi dahil mahal na mahal ko siya." Naginginig kong tanong at tumango si kuya Cedrik.



"Mag tiwala ka sakaniya , mag tiwala ka Alyanna. Sa pagmamahalan kailangan may tiwala kayo sa bawat isa." Sabi niya at tumango ako.


Pinaupo niya ako sa sofa ng bahay niya saglit at kumuha siya ng tubig para sa akin.



Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now