Chapter 22

6.3K 104 8
                                    

Maaga akong nagising para umalis ng bahay, hindi naman pala niya malalaman kung aalis ako. Ginusto ko lang talaga siya maka sama kahit saglit tapos mag papahalik lang siya sa iba??


Dahan dahan akong lumabas ng pinto habang siya ay tulog na tulog parin sa sahig.


Buti nalang palagi akong may iniipit na 1k sa bra ko incase kaya meron akong pamasahe pabalik ng resort.


Noong nakarating ako ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko.



Cedrik:

Punta kayo pampanga manlilibre ako.




Poula:

Wag kayong pumunta, kidnapper yan!



Janine:

Sige basta samgyup yan!




Ivan:

Nasa singapore ako now kaya hindi ako makaka punta!



Shan:

I'm still finding cherry :(((




Ako:

Sige saan ba , papunta nako niyan.




Janine:

Ay gaga ka, nakauwi kana pala?? Saan ka ba nanggaling??



Ako:

Sa kaibigan ko lang!




Nag lakad na ako palabas ng villa dala dala ang mga konteng damit ko, nag text ako kay mommy.



Ako:

Mommy, papunta po ako ng Pampanga now. Nag yaya po si kuya Cedrik eh!


Kaagad naman nag reply si mommy.


Mommy:

Uwi ka agad! Yung anak mo!



Ako:

Yes Mommy!!



Noong naka punta na ako sa sasakyan ko ay kaagad konang nakita si Janine kaya naman sinakay ko na siya.



"Saan ka ba talaga nag punta?? Hinahanap kanamin akala namin na kidnap kana!" Sabi niya pa



"Na kidnap naman talaga ako!" Sabi ko at tumingin siya sa akin.



"Gago? Sino?" Tanong niya at natawa ako.



"Sino pa ba? Edi si Reigner! Pero naka takas naman ako kasi lasing siya kagabi!" Sabi ko at tumango siya.




"Ang saya noh! Pitong taon hinanap ni kuya Cedrik si Chai tapos ngayon makikita na niya!" Si Janine.



Sana si Shan din.


"Iniisip ko si Shan, alam niya na kaya kung nasaan si Cherry?? Ano ba kasing nangyare sakanila? Lyk halata naman na sobrang mahal nila ang isa't isa tapos bigla nalang nawala si Cherry na parang bula!" Sabi ko pa.



"Actually hindi ko rin maintindihan ang mga nangyayare. To be honest ang saya na ng samahan nila. Kinasal sila ng wala namang humaharang sakanila like Cindy or Kendra pero bakit bigla nalang nawala si Cherry?" Tanong naman ni Janine.



"Sure ako na may nangyareng hindi natin alam kaya wag nalang muna natin i judge yung relationship nila, sure ako grabe yung nangyare kay Cherry dahil alam nating lahat gaano nila kamahal ang isa't isa" sabi ko pa at tumango siya.




"Dalawang taon palang silang kasal nung nawala si Cherry diba?" Sabi niya at tumango ako.




Kung ano man yung problema ni Shan at Cherry, alam kong grabe yon kaya bigla nalang nawala si Cherry.




Habang nasa daan ay tumawag ang mga kaibigan namin kaya naman naka loud speaker ito.



"Guys if alam niyo kung nasaan si Cherry, please tell me okay!? Mababaliw na ako kakahanap sa kaniya" narinig kong malungkot na sabi ni Shan.




"Wag kang susuko Shan, si kuya Cedrik nga oh after 7 years na hinahanap si Chai ay nakita ikaw pa kaya na apat na taon palang wala si Cherry??" Nakangiting sabi ni Janine.




"Malay mo isa rin sa atin ang may alam pero ayaw mag salita." Nagulat ako sa sinabi ni Poula kaya naman napa lunok ako.



"At sino naman yon??" Tanong ko.



"Sino ba ang pinaka ka close sa atin ni Cherry?" Tanong ni kuya Cedrik.



"Si Kelene!!" Sabay sabay naming sabi kaya naman sinama nila ang nakababatang kapatid ni kuya Cedrik.





"Kelene, alam mo ba kung nasaan si Cherry?" Tanong ni kuya Cedrik sa kapatid.




"Nope kuya! Hindi ko rin alam kung saan siya kaya pwede ba patayin ko na itong tawag because i am with my friends. Bye!" Sabi ni Kelene at pinatay agad ang tawag.





"Ayaw naman mag salita nina tita Summer at Tito Winter! Wala rin daw silang alam!" Iritado ang boses ni Poula.




"Pero hindi ba kayo nahihiwagaan?" Tanong ko sakanila habang nag da drive.



"Saan?" Boses iyon ni Shan.



"Like di ba, kung hindi nila alam kung nasaan si Cherry. Bakit hindi pa nila ito pinapahanap?? Knowing tito and tita baka pinasikot sikot na nila ang buong mundo para makita si Cherry!" Sabi ko.




"Oo nga noh!" Sabi ni Poula at tinigil kona ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng Ni rent na samgyupsal restaurant ni kuya Cedrik.



"Andito na kami , tuloy natin diyan ang usapan!" Sabi ko at pinatay na ang tawag.




Nag lakad na kami ni Janine papunta sa loob at noong nakita na sila ay nagulat ako na kumpleto kami pero wala si Cherry at Ivan.




"Alam mo may point ka sa sinabi mong last , alyanna!" Si Poula.



"Bakit ba hindi natin naisip na pwedeng sila ang nag tatago kay Cherry?" Si Janine naman.


"Ano ba ang nangyare Bro?" Si kuya Cedrik.



"We fought, a serious one and then umalis ako ng bahay para mag isip isip pero pag balik ko wala na siya. Akala ko mag papa hangin lang din siya pero wala na siya, hindi na niya ako binalikan." Nagulat ako noong unti unting lumuha si Shan sa harapan namin.




"Bro, wag kang mawalan ng pag asa okay!? Isipin mo ako, after many years nakita ko si Chai." Sabi ni kuya Cedrik.



Awang awa na ako kay Shan pero ayokong mag salita, mas kawawa si Cherry.


Tama si Poula, isa sa amin ang may alam kung nasaan siya at ako yon pero hindi ako mag sa salita.



Sorry Shan, hindi ako puwedeng mag salita dahil ako ang pinagkatiwalaan.




Nag message ako kay Cherry.



Ako:

I miss you :((




nagulat ako noong sabay sabay nag vibrate ang mga cellphone namin dahil sa chat sa gc naming lahat.



Lahat kami ay nanlake ang mata. Si Poula na natapon ang iniinom na tubig, si Janine na kinamay ang mainit na Pork samgyupsal, si Kuya Cedrik na nabuga ang iniinom na juice at si Shan na unti unting pumatak ang luha.



Cherry:



I'm fine, Alyanna! I Miss you too!




Basa ko sa mensahe na mukhang dapat sa akin pero sa Gc niya na send!!



Lahat sila ay naka tingin sa akin at wala na akong ibang nagawa kundi ang mag peace sign.




Cherry:

Fuck, wrong send :>

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now